Lumipas ang mga araw at linggo. At wala nang narinig pa si Thiago tungkol kay Paisley. Hindi na niya ito hinahanap o nagtatanong sa iba ng tungkol dito. Sapat na sa kanya na nalamang hindi na babalik sa kanya ang babaeng minsang bumuo ng mundo niya. Isa pa, ayaw na niya itong guluhin pa. Naisip ni Thiago na iyon na ang pinakamabuti para sa kanilang dalawa.
Pero walang isang minuto na hindi sumagi sa isipan ni Thiago si Paisley. Tumatak din ng husto sa isipan niya ang mga sinabi nito. Na kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili. Kaya naman mas pinagbuti na lang ni Thiago ang pag-aaral. Ang totoo ay umaasa pa rin siya na magtatagpo pa rin sila ni Paisley at na sa pagkakataong iyon, ay mas maging karapat-dapat na siya sa dalaga.
Sumulong na rin ang kaso laban sa tiyuhin niya at sa kompanya nila. Nagising na kasi si Rosen at isiniwalat nito ang lahat ng anomalya sa kompanya. Inakusahan din nito si Vince Villaruz sa nangyaring aksidente sa kanya. Pero nilinaw ni Rosen na si Vince Villaruz lang at ang mga kasabwat nito ang dapat na maparusahan at hindi ang mismong kompanya.
Hindi naman na ito masyadong inaalala ni Thiago. Tanggap na niyang walang mangyayari kung iisipin niya iyon ng husto. Kaya napagdesisyunan niyang mag-aral na lang ng mabuti para kung sakali, ay mabawi na lang niya ang mga nawala sa kompanya ngayon.
Kung mayroon man siyang natutunan sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraan, iyon ay ang baguhin ang masama niyang ugali, at nakasanayan. Natutuhan niya sa mga bata sa ampunan na maging masaya sa mga simpleng bagay. At natutuhan niya mula kay Paisley na hindi lang sa kanyan umiikot ang mundo, at na marami pa siyang kailangang baguhin sa sarili niya.
Kababalik lang ni Thiago mula sa library. Lumubog na ang araw at nakaramdam na siya ng pagod. Magbibihis na sana siya nang makatangap siya ng mensahe mula kay Ms. Mendoza. Tungkol iyon sa piano trainings niya. Hindi na kasi siya nakakapunta doon. Ang totoo ay balak na niyang umatras doon. Wala na siyang gana, at pakiramdam niya ay wala iyong kwenta kung grades lang ang habol niya sa patimpalak na iyon.
Hindi sinagot ni Thiago ang mensahe at ibinato lang niya ang cellphone sa kama. Nang muli iyong tumunog. At napangiwi siya nang makita ang pangalan ni Thunder.
"Hello, Thiago. Nasaan ka?" agad na tanong ni Thunder pagsagot ni Thiago. Nanginginig ang boses nito at tila hinihingal.
"Nasa dorm. Bakit?" Naramdaman na ni Thiago na may mali sa tono ng kausap.
"Nandito ako sa parking. Nakatanggap kasi ako ng message from Deyanne," sagot ni Thunder. "They need help."
"What? What do you mean? Tsaka bakit siya sa sa'yo magsasabi? Where is Ariston?" magkakasunod na tanong ni Thiago.
"Hindi ko rin alam ang detalye. Ang alam ko lang ay nag-night out sila ng mga kaibigan niya. Tapos napag-tripan daw sila ng grupo ng mga binata," sagot ni Thunder. "Thiago. Elaine is with them."
"Tumawag na lang tayo ng pulis," sabi ni Thiago. "Or why don't you ask help from your fraternity?"
"I can't do that. Nasa out of town trip ang chapter ko. Dalawang tao na lang ang natira, at pinapunta ko na sila doon," katwiran ni Thunder. "Hindi rin pwede ang pulis."
"At bakit?"
"Kilala raw ni Deyanne 'yong lider ng mga lalaki. Maimpluwensya raw ang pamilya no'n."
Napabuntong hininga si Thiago at napahimas ng batok. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit kay Thunder pa kailangang magsabi ni Deyanne.
"Wait, Thiago. Deyanne sent a message again," sabi ni Thunder.
"Anong sabi?"
"Ipinasara daw ng grupo 'yong resto-bar. Sila na lang daw ang naroon. At pinasasayaw daw sila noong mga lalaki. Thiago, we have to do something!"
Muling napabuntong hininga si Thiago. "Okay, okay. Magpapalit lang ako."
"Sige. I'll be at the entrance, mag-motor na lang tayo papunta doon."
Hindi na sumagot pa si Thiago at nagmadali siyang nagbihis. At habang pababa ng dorm ay nagpadala siya ng mensahe sa kuya niya tungkol sa kung ano ang nangyayari. Mayroon kasing matalik na kaibigan ang kuya niya, na may posisyon na sa pulisya ngayon.
"Tara na! Bilis!" sigaw ni Thunder habang nakasakay sa kanyang motor.
"Wait." Tumigil si Thiago sa harap ni Thunder. "How in the world can we fight those thugs? Dalawa lang tayo?"
"I told you two of my men are already there. They know what to do already. Isa pa, sino ba nagsabing lalaban tayo? My men came there with a car. They will distract the boys, then we'll get the girls," sagot ni Thunder.
"Thunder, I can't be in trouble," may pag-aalalang sabi ni Thiago.
Ngumiti si Thunder at ipinatong ang isang kamay kay Thiago.. "Don't worry, if everything went wrong, I would take all the responsibility."
Muling napabuntong hininga si Thiago.. "No. If we will go there together. We both have to face the consequences," sabi ni Thiago sabay sakay sa likuran ng motor. "Kung hindi lang 'to dahil kay Deyanne. That pure soul. Damn it! I'll just charge Ariston for this."
"Medyo nagiging madaldal ka na lately," sabi ni Thunder na iniabot ang isang helmet kay Thiago. At pagkatapos ay nasuot na rin siya ng kanya.
"Just shut up and drive!"
"Okay!"
Mabilis na pinaandar ni Thunder ang kanyang motor. Medyo mabigat ang daloy ng trapiko, pero bale wala iyon sa husay ni Thunder sa pagmamaneho. Kabisado rin ng binata ang mga daan, at wala ng nagawa si Thiago kung hindi ang humawak ng maigi sa hawakan sa likod. Dahil kung hindi ay siguradong titilapon siya sa bilis ng takbo nila.
Makalipas ang labing-limang minuto ay narating nila ang lugar. Isa iyong malaking resto-bar at sikat ang lugar na iyon dahil sa mga personalidad na pumupunta doon. Pero iba noong gabing iyon. Tahimik ang lugar at tanging ang tanging indekasyon lang na may tao sa loob ay ang madilim na ilaw sa loob nito.
"Where are your boys?" tanong ni Thiago matapos bumaba mula sa motor.
"They are already here," sagot naman ni Thunder sabay turo sa isang itim na SUV.
"Okay. Shall we go in now?"
Ngumisi si Thunder at inayos ang pagkakahigpit ng racing gloves sa kanyang pulso. "Let's go. Just don't make a ruckus right away."
Sabay na naglakad ang dalawa papunta sa pinto ng bar. Marahang itinulak ni Thiago ang pinto at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Naroon kasi sila Ariston, Eli at Beau, nakaupo sa gilid ng isang bilog na lamesa. Seryoso ang mga mukha, lalo na si Ariston na napatingin sa pagdating nila. Sa gilid naman nila ay ang mga babae, si Deyanne, Mona, at isang babae na minsan pa lang nakita ni Thiago. Sa pagkakatanda niya ay Hadleigh ang pangalan noon. Nasa lamesa rin nila si Chase.
Sa may counter naman ay naroon si Perry at Patrick, na napatingin rin ng mabuksan ang pintuan.
"What in the world... is this?" tanong ni Thiago habang isa-isang tinitignan ang mga naroon.
Tumayo si Deyanne. Magsasalita na sana siya ang bumukas ang isa pang pintuan sa gilid. At mula doon ay pumasok si Lucas. Nakasuot ito ng isang itim na hoodie jacket, at mas mahaba na ang buhok nito kumpara noong bago sila magkagalit-galit. Kapansin-pansin ang malaking gintong singsing sa kaliwa nitong kamay, at sa leeg nito ay nakasuot ang isang makapal at kumikinang na kwintas.
"Anong ibig sabihin nito?!" pasigaw na tanong ni Thiago.
"Wait, Papa T. Huwag kang sumigaw," away ni Deyanne sa binata. Tumayo na rin si Ariston mula sa kinauupuan nito at tinignan ng matalim si Thiago. "Gusto ko lang na... magkaayos kayong lahat. Please naman."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...