Chapter XIII

109 20 8
                                    

Bahagyang nabasa ng ulan ang dalawa. Ngunit hindi makikitaan ng pagsisisi ang mukha ni Paisley kahit nakahawak na sa magkabilang mga braso ng dahil sa ginaw.. Todo ngiti pa nga ito habang pinagmamasdan si Thiago na pabalik na sa lamesa nila habang dala ang mga in-order nito. Makikita naman sa mukha ni Thiago ang pagkayamot, siya pa rin naman kasi ang nagbayad ng maiinom nilang dalawa. Sira kasi ang payment terminal ng coffee shop para sa credit card. Mabuti na lang at sapat pa ang dalang cash ni Thiago.

"Wow!" masayang sabi ni Paisley nang makabalik na si Thiago sa lamesa nila habang nakatingin sa nagpapawis na baso ng iced chocolate. "Pasensya ka na. Ako sana ang manlilibre nito sa'yo, eh. Don't worry, I'll pay tomorrow."

Hindi sumagot si Thiago. Iniabot niya sa dalaga ang order nito at pagkatapos ay umupo siya para inumin ang kanya. Ayaw tumingin ni Thiago kay Paisley. Hindi dahil naiinis siya rito. Kung hindi dahil nahihiya siya at hindi niya alam kung paano magpasimula ng usapan. Ngunit hindi niya naiwasang sulyapan ang dalaga na tili kinikilig pa habang iniinom ang paborito nitong inumin.

"Thank you talaga rito, Thiago. Ang saya-saya ko!" muling sabi ni Paisley sabay ngiti ng nakapikit ang mga mata kay Thiago.

"Ganyan ba ang may cramps?"

"Ano ka ba? You don't know anything about girls. I'm feeling okay now. Actually, tuwing meron ako, kailangan ko lang talaga nito. Kaya super thank you," tugon naman ng dalaga pagkatapos ay muling sumisip ng iniinom.

Nakaramdam naman ng pagka-awkward si Thiago sa sinabing iyon ni Paisley. Kaya naman hindi na lang siya sumagot at ipinagpatuloy na lang din niya ang pag-inom sa kanyang caramel macchiato. Isa pa, totoo naman ang sinabi ni Paisley. Wala siyang alam pag dating sa mga babae, sa gusto at ayaw ng mga ito. Wala rin naman kasi siyang pakialam. At wala rin siyang alam pagdating sa pakikipagusap sa iba. Matagal-tagal na rin kasi mula nang may makausap siya ng kagaya ng sa ngayon.

"Alam mo? Kapag nalulungkot ako, ito lang ang nagpapasaya sa akin," ani Paisley.

"Seriously? You get sad? Hindi halata," may pang-aasar na tugon naman ni Thiago sabay tingin sa labas. Patuloy pa rin ang pag-ulan.

"Hindi halata? Why? Because I always smile?"

Isang tingin naman ang isinagot ni Thiago sa tanong na iyon bago ituon muli ang pansin sa iniinom.

"Siyempre naman nalulungkot din ako, 'no! I feel sad lalo na kapag nakikikita kitang malungkot din."

Napabuntong hininga si Thiago sa sagot ng dalaga. Kailangan niyang gawin iyon para itago ang hiya na nararamdaman. Napatingin siyang muli sa labas para tignan kung tumila na ang ulan. Nag-aalala siya na baka kung saan na naman mapunta ang usapan. At sa tingin niya ay mas makakabuti rin kung babalik na siya sa university. Ngunit sa kasamaang palad ay malakas pa rin ang ulan.

"Joke lang," bawi ni Paisley sabay ngiti nang makitang nairita si Thiago sa sagot niya. "I always smile dahil nakasanayan ko na. I used to be a crybaby. I was bullied once when I was in elementary school. Payat kasi ako noon at sakitin. And I cried whenever I go home. Itong mom ko naman, sobrang babaw ng luha niya. As in. Alam mo 'yong naiiyak siya kahit hindi naman nakakiyak 'yong eksena sa movies? Ganun! Kaya kapag hindi ako tumitigil sa pag-iyak noon, naiiyak na rin siya. And I didn't want that. Kaya naman pinilit kong labanan 'yong mga bullies sa school and magmula noon tuwing uuwi ako, sinisiguro kong nakangiti ako. At hanggang ngayon, nadala ko iyon. Isa pa, nakakahawa ang ngiti ko hindi ba?"

"What happened to the bullies?" tanong ni Thiago na hindi pinansin ang huling linya na sinabi ng dalaga.

"Hmm... wala..."

"I thought you fought against them?"

"I fought once. Pero napasama lang ako. I remember having a huge bruise on my right arm because of that fight. Pero walang nangyari sa nang-bully sa akin and I was transferred to another school," tugon ni Paisley habang iniikot ang straw sa inumin..

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon