Chapter XXXII

111 19 14
                                    

Medyo naging matagal ang biyahe nila papunta sa venue. Pero kahit ganoon ay hindi nainip si Thiago. Hindi naman kasi naubusan ng kwento si Paisley na magmula noong umandar ang bus ay hindi na ito tumigil sa pagsasalita. At kahit hindi masyadong kumikibo si Thiago ay makikitang masaya siyang nakikinig sa dalaga.

Lumubog na ang araw nang makarating sila sa mismong venue ng victory party. Sandaling tumigil ang bus at natanaw nilang lahat ang isang malaking mansyon na pag-aari ng isa sa mga board of directors ng Montecillo University.

"Azucarera de Valencia," basa ni Paisley sa nakasulat sa arkong sumalubong sa kanila. "Wow. Ang lawak ng lugar at ang laki ng mansyon."

"Oo nga. Grabe! Totoo ba 'yan?" bulalas naman ni Lucas.

"Okay guys, we are now in Azucarera de Valencia," sabi ni Ms. Mendoza na biglang tumayo sa bandang unahan ng bus. "This is a property of one of our board of directors who willingly let us use this place for our victory party. I know I don't have to say this, but please act accordingly. Is that clear?"

"Yes, ma'am," sagot naman ng naroon.

"Oh, Thiago, Lucas. Act accordingly daw, ha?" nakangiting paalala ni Paisley sa dalawang binata. Nakanguso namang tumango ang dalawa bago magkatinginan.

"Ikaw rin Mona. Hinay sa pag-vlog at pangungulit," sabi naman ni Lucas sa katabing dalaga. Na nakanguso ring tumungo.

Dumaan ang mga bus sa isang tubuhan at nakita rin nila ang sugar refinery ng hacienda at dahil hindi naman sila madalas na makakita ng ganoon sa siyudad ay hindi nila mapigilang mamangha. Nagmistulang field trip tuloy iyon hanggang sa makarating sila sa isang malawak na open field. Isang golf course, na ngayon ay puno ng mga ilaw at dekorasyon.

"We are here," sabi ni Ms. Mendoza. "Let's enjoy the night everyone!"

Isa-isang bumaba ang laman ng mga bus. Bago makarating sa mismong lugar kung saan gaganapin ang pagdiriwang ay kailangan muna nilang dumaan sa isang mahabang red carpet habang kinukuhanan sila ng mga larawan.

Tumayo si Thiago at inabot niya ang kamay ni Paisley. Nakangiti namang kinuha ng dalaga ang kamay ni Thiago at sabay silang bumaba ng bus.

"Woah! What's this?" tanong ni Thiago nang makita ang mahabang red carpet.

"OMG! We look like celebrities!" sabi naman ni Paisley.

"Well, you're a celebrity now... in MU."

"Mas celebrity ka pa rin. Akala mo ba hindi ko alam na pinagkaguluhan ka sa Richmond? Mr. Prodigy?"

"Whatever. Tara na. Nagugutom na ako," sabi ni Thiago.

"Alright! Let's go!"

Nagsimulang maglakad ang dalawa. Panay naman ang kuha ng larawan ng dalawang photographers habang ang iba ay tila na kinikilig na nakatingin sa kanila. Hindi na iyon pinansin ni Thiago. Hindi rin niya alam kung bakit. Pero sapat na, at masaya na siya na nasa tabi niya ang babaeng, para sa kanya ay may napakagandang ngiti.

"Excuse me," masiglang bati ng isang matangkad at maputing lalaki na napakaganda ng suot na coat. Mukha itong Koreano kung titignan ng maigi. "Before going in, you have to fill out these papers."

"What's this? Like a slam book?" nakangiting tanong ni Paisley habang nakatingin sa iniabot ng lalaki.

"Are you serious?" may inis na tanong naman ni Thiago. Sinagot naman iyon ng lalaking pagtango at ngiti.

"It's okay, Thiagobels," sabi ni Paisley sa binata. "This looks fun." dugtong nito sabay kuha ng ballpen na naroon.

Napabuntong hininga na lang si Thiago. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sagutan ang papel. At dahil hindi niya gusto ang mga pang slam book nga mga tanong ay hindi niya iyon sineryoso. At pagkatapos noon, ay sabay nilang iniabot ang mga iyon sa lalaki.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon