Kinagabihan din ay na-discharge si Thiago sa ospital. Umuwi siya sa kanila at muling nagkulong sa kanyang kwarto. Alam naman na ni Rafael na mangyayari iyon kaya naman nag-imbak na siya ng maiinom at makakain sa kwarto ng kapatid. At halos kada-oras ay kinakatok niya ito at pinaalalahanan na uminom at kumain.
Pinipilit naman ni Thiago. Ayaw na niyang pag-alalahanin pa ang kapatid. Pero sadyang wala siyang ganang kumain. Hindi na kasi maalis sa isipan niya ang napakalungkot na mukha ni Paisley noong ipinagtabuyan niya ito. Ang totoo, ay ito na lang iniisip niya sa ngayon. Wala na siyang pakialam sa kompanya na alam niyang hindi na niya maisasalba pa.
Binuksan ni Thiago ang nakatikom na kamay at tinitigan niya ang kwintas na ibinigay niya kay Paisley. Hindi niya iyon binitawan magmula ng ibigay iyong ng kuya niya sa kanya bago sila umalis ng ospital. At hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya habang tinitignan iyon.
"Thiago." Napalingon si Thiago nang marinig ang boses ng kapatid. Hindi na niya napansin na nasa loob na pala ito ng kwarto. Nakatayo, at hawak ang tablet nito. "Are you okay? Should we visit your psychiatrist tomorrow?"
Umiling si Thiago at muling itinikom ang kamay na may hawak sa kwintas.
Napabuntong hininga na lang si Rafael sa reaksyon ng kapatid, at napailing nang makitang walang bawas ang pagkain sa harapan nito.
"Actually, I have to show you something," sabi Rafael sabay bukas ng tablet. Pumindot siya doon at pagkatapos ay iniaabot iyon kay Thiago. "Play that video."
Tinignan muna ni Thiago ang kapatid at pagkatapos ay pinindot niya ang play button. At nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang laman ng video. Agad niya iyong itinigil at muli siyang bumaling sa kapatid.
"Ano 'to?" tanong ni Thiago.
"It's the video I've always wanted to show you. Pero magmula noong mamatay sila mom and dad, tuwing ipapakita ko iyan itinataboy mo ako," sagot ni Rafael. "But now, I insist that you watch it. It's a birthday video they made before your last competition."
Muling napatingin si Thiago sa tablet. At nagsimula ng maipon ang luha sa kanyang mga mata. Sakto kasi ang pagka-pause niya sa nakangiting mga magulang niya. Huminga ng malalim si Thiago para pigilin ang pag-iyak at saka niya muling pinindot ang play button. Hindi niya alam kung handa na siyang panoorin iyon. Pero biglan siyang nasabik na marinig ang boses ng kanyang ama at ina.
"Hello, anak," masayang bati ng ina ni Thiago sa video. "Happy birthday!"
"We made this video because unfortunately, we have to be abroad on the day of your birthday. Actually, we tried to cancel that show, pero wala eh, it's on the contract na pinirmahan namin sa doon. So, we are really sorry," patuloy naman ng ama ni Thiago.
"We wish you all the best, Thiago. Sorry kung napi-pressure ka namin to join different contests. And totoo, gusto naming tanungin ka if you really want what you're doing," sabi naman ng ina ng binata. "We want you to be happy. The world we are living in right now is full of sadness and problems. But still, we want you to be happy. And we'll do anything maging masaya ka lang."
"Lumalaki ka na and eventually, you'll have your own dreams. And our dream, is for you to reach your very own dreams," nakangiting dugtong naman ng ama ni Thiago.
"I-I want to be a musician," mahingang sabi ni Thiago. "I want to be like you. I want my music to reach other people's hearts."
"Reach your dreams. Fly high. Nasa likod mo lang kami," patuloy ng ama ni Thiago. "I know you love us so much, but don't think about us. Realize your dream for us. That way, we'll be successful parents."
"Mahal na mahal ka namin anak. Kayo ng kuya mo," masayang sabi ng ina ni Thiago. "Kayo ang mga kayamanan namin."
"Mahal na mahal ka namin, Thiago," sang-ayon naman ng ama niya. "Mahal na mahal."
Kusang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Thiago. Inilapag niya ang tablet sa ibabaw ng kanyang mga hita, at sinapo niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha.
"Mom and dad, they loved you so much, Thiago. That they will not blame you on what happened," sabi ni Rafael sabay himas sa likuran ng kapatid. "They wanted you to reach your dreams. They wanted you to be happy."
"But what should I do now?" tanong ni Thiago. Nanginginig pa rin ang boses niya. "Paano ako makakabawi sa lahat ng ginawa ko? I am at the rock bottom now. I did the worst things!"
"You know what's good about being at the rock bottom?" balik ni Rafael. "Isa lang ang daan na natitira sa'yo. And that's going up. We might fail but at least we could try again. And don't worry, I will help you."
Tumingin si Thiago sa kapatid at tumango-tango. Pero may isa pa na mas bumabagabag kay Thiago sa ngayon. At iyon ay si Paisley. Hindi pa rin siya pinatatahimik ng konsensya niya ng dahil sa ginawa niya rito. Isa pa, ay totoong napamahal na rin siya sa dalaga.
Bumwelo na si Thiago para sabihin sa kapatid ang isa pang pinoproblema niya nang biglang makarinig sila ng pagkatok. Kaagad namang binuksan ni Rafael ang pinto.
"Excuse me, Sir Rafael," bungad ng butler nila. "May naghahanap po kay sir Thiago."
Tumayo si Thiago at lumapit sa pintuan. "Is that Paisley?"
"No, sir. According to him, his name is Thunder. Hindi pa naman siya nakakapasok dahil kahinahinala ang pangalan niya. Parang gawa-gawa lang," sagot ng butler.
Nadismaya ng husto si Thiago sa sagot ng butler. Napatingin si Rafael kay Thiago at hinimas nito ang likod ng kapatid. Si Thiago naman ay napabuntong hininga at napahimas na lang ng batok.
"Shall we just send him away, or call the police?" tanong ng butler.
"No. Let him in. I'll talk him," sabi ni Thiago sabay labas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...