Maliwanag at kulay puting kisame ang bumungad kay Thiago nang idilat niya ang kanyang mga mata. Agad siyang napaupo at inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid at nakita niya ang logo ng Montecillo University sa loob ng kwarto. Siguradong nasa loob siya ng campus hospital. Naalala niya ang mga nangyari, at ang hirap na naranasan niya bago nawalan ng malay.
Napatingin si Thiago sa labas ng bintana at napasimangot siya nang makitang madilim na. Patayo na sana siya para bumalik sa kanyang kwarto nang mapansin niya si Paisley na natutulog habang nakayuko sa kama kung saan siya nakapwesto. Napatitig si Thiago sa maamong mukha ng dalaga. Sa unang pagkakataon ay hindi siya nakadama ng pagkainis dito. At hindi rin niya alam kung bakit.
Bumalik sa isipan ni Thiago ang nangyari sa coffee shop. Naalala niya ang sinabi ni Paisley, at mga ginawa nito para pigilan siya. At ayaw man niyang aminin ay na-touch siya sa ginawa nito. Matagal na rin kasing hindi naramdaman ni Thiago ang para bang may nag-aalala sa kanya at nagtitiwala. At hindi niya akalaing, magmumula pa iyon sa isang makulit at kinainisan niyang dalaga.
Dahan-dahang tumayo si Thiago para hindi magising si Paisley, ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa kama ay nagising na ang dalaga.
"Ah, Thiago. You're awake already," bati ng dalaga na kaagad tumayo at ginamit ang mga palad para ayusin ang buhok na hindi naman niya alam kung magulo o hindi. "Ku-kumusta na ang pakiramdam mo?"
"I feel better now," sagot naman ni Thiago na hindi lumulingon sa kausap. Linapitan niya ang kanyang bag, tinignan kung kumpleto ang mga gamit niya at pagktapos ay isinukbit iyon sa kanyang balikat.
"Congratulations. You won... I mean, you did it. Naipakita mo sa kanila na kaya mo pa ring tumugtog ng piano," biglang sabi ni Paisley na ikinakunot ng noo ng binata.
Humarap si Thiago kay Paisley. Napalunok naman ng laway ang dalaga nang makita niyang nakatitig sa kanya si Thiago. Biglang bumalik sa isipan ng binata ang dismayadong imahe ng kanyang mga magulang na nakita niya bago siya nawalan ng malay. Hanggang sa makadama na rin siya ng pagkadismaya sa kanyang sarili. Na parang walang kwenta ang nagawa niya.
"That win means nothing. And what happened there was just embarrassing," seryosong sabi ni Thiago. "At malamang, magbibigay na naman sa akin ng sakit ng ulo ang ginawa kong iyon. So, don't congratulate me. It doesn't help."
"What are you talking about?" nakayukong tanong ni Paisley bago lakas loob na tinitigan si Thiago. "Pinuri ka ng lahat ng nakapanood online. Maging lahat ng tao sa coffee shop, lahat sila namangha sa ginawa mo. Ako. Napahanga mo ako ng husto. At siguradong hindi lang ako ang nakaramdam na mahal na mahal mo pa rin ang pagtugtog ng piano."
"Are you sure? But I don't feel the same way. I don't know. Gusto ko munang mapag-isa," tugon ni Thiago na ikinadismaya naman ni Paisley. "By the way, thank you." Tumigil sandali si Thiago habang nakatingin sa dalaga. "Huwag mo ng itanong kung para saan. Basta thank you."
Matapos iyon ay tumalikod na si Thiago at iniwan na ang dalaga. Sa loob-loob niya ay gusto niyang magpasalamat sa dalaga dahil sa ginawa nito. Pero ayaw niyang paasahin ito na muli talaga siyang makakatugtog. Lalo na sa entablado at sa harap ng maraming tao. Oo, nakadama ng tuwa si Thiago habang tumutugtog, pero alam din niya sa sarili niya na hindi pa rin niya kayang harapin ang ala-alang tumatakot at humahadlang sa kanya.
Pabalik na sana si Thiago ng dorm nang maalala niyang kailangan niyang pumunta sa Music studio. Pinapapunta kasi siya doon ng isa nga mga professors niya. Kaya naman nagmamadali siyang pumunta sa School of Music and Arts. Nang biglang makita niya si Roan at ang kaibigan nitong kalbo. Kalalabas lang ng mga ito mula sa Dean's Office at bakas sa mga mukha nito ang lungkot. Hindi na pinansin ni Thiago ang dalawa at dumeretso siya, ngunit nauna ang mga ito na kibuin siya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romansa"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...