Chapter XVI- WASALAK

126 20 9
                                    

Isang araw ang lumipas matapos ang naganap na away sa labas ng university. At tila bumalik na uli sa normal ang buhay ni Thiago. Tahimik, boring, at muli siyang nag-focus sa pag-aaral. Pasalamat din siya at wala na siyang narinig tungkol sa insidenteng iyon at sa ginawa ni Paisley para makapasok siya kaagad. Iyon nga lang ay binabagabag pa rin siya kung sino ba ang misteryosong lalaki na tumulong sa kanila ni Thunder. At kung bakit pa ito nag-iwan ng burger na kahit mumurahin, ay na-enjoy naman niyang kainin.

Ayaw ni Thiago na may utang na loob siya sa iba. Kaya naman gusto sana niyang maibalik ang pabor sa lalaking iyon sa kahit anong paraan. Pero hindi niya alam kung saan magsisimula sa paghahanap. Hindi rin kasi niya alam kung taga-MU ba ang lalaking iyon.

Tapos na ang huling klase ni Thiago at napagpasyahan niyang mag-aral sa library. Mas tahimik ang araw niya ngayon dahil hindi niya nakita si Paisley. Tanghali pa lang kasi ay nag-message na ito sa kanya na may dadaluhang audition para sa darating na university meet.

Papasok na sana siya ng library nang marinig niya ang pangalan niya sa pasilyo.

Napalingon si Thiago, ngunit agad na nagusot ang mukha niya nang makita si Thunder na papalapit sa kanya. At sa likuran nito ay isang itim na backpack.

"Hey, Tisoy!" bati ni Thunder kay Thiago.

"Try to call me by that name again..." banta ni Thiago sabay tingin ng matalim sa bagong dating na binata.

"Ang alin? Tisoy?" sagot naman ni Thunder sabay ngisi. "Come on! We are not enemies now! We saved each other's lives!"

Muling nagsalubong ang mga kilay ni Thiago. Napansin kasi niya na nagtinginan ang mga tao sa kanila. Napakalakas naman kasi ng boses ni Thunder.

"Ano bang kailangan mo?" inis na tanong ni Thiago.

"The mysterious guy who helped us, I found him," nakangiting tugon ni Thunder.

Hindi naman sumagot si Thiago. Tinignan lang niya si Thunder na tila nagdududa.

"I'm curious about him. Pero I'm sure na mas curious kang malaman kung sino siya. Isa pa, iniligtas niya tayo. I want to pay him back."

Nakuha ng sinabing iyon ni Thunder ang atensyon ni Thiago. Pareho kasi sila ng iniisip ng dating nakaaway. Kaya naman lumayo siya sa pintuan ng library at hinarap si Thunder.

"Where can we find him?"

Ngumisi si Thunder. "Follow me." Pagkatapos ay naglakad na ito papalayo.

Napabuntong hininga naman si Thiago. Ayaw niyang sumunod kay Thunder pero may kung ano sa isipan niya na nagsasabing dapat niyang sundan ang binata.

Kaya sinundan ni Thiago si Thunder hanggang sa makarating sila sa Engineering building. Inilibot ni Thiago ang kanyang paningin sa paligid, ngunit napakaraming tao doon at isa pa ay hindi niya masyadong maalala ang mukha ng binatang tumulong sa kanila. Madilim kasi noon at halos kalahati lang ng mukha nito ang nakita niya.

"Hey, there he is," sabi ni Thunder sabay tapik sa balikat ni Thiago habang nakaturo sa kabilang pasilyo ng gusali. "Lucas Ismael Almeda, 3rd year Civil Engineering student, bronze tier."

"So , you know him all along?" sabi ni Thiago sabay tanggal sa kamay ni Thunder sa balikat niya.

"No, Nag-research ako," sagot naman ni Thunder sabay lakad papunta kung saan nakatayo si Lucas.

Hindi naman kaagad sumunod si Thiago. Naglaro sa isipan niya kung anong klaseng tao si Thunder. Hindi rin kasi ganoon kadaling maghanap ng tao kahit sa loob ng university. Isa pa, sariwa pa sa isipan niya ang away nila, at ang ginawa nito sa gwardiya. Hindi rin niya mabaliwala na miyembro ito ng isang gang.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon