Chapter 5: Lonely

11 0 5
                                    

Ayana's POV

"Natapos na rin!"

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ko na ang lahat na dapat na gawin.

"Tara na, Rose, magsara na tayo, malapit na rin naman mag 5pm," aya ko kay Rose na kasalukuyang dinidiligan ang mga bulaklak na nakadisplay.

"Sige, tapos naman na ako," sagot naman niya at nilapag na ang hawak na watering can.

Hinubad ko na ang suot kong gloves at apron at inilagay ko ang mga ito sa tamang lalagyan, ganoon na rin ang ginawa ni Rose.

Kinuha ko na rin ang aking bag pati na rin ang pabango na natanggap ko kanina.

Sinukbit ko na sa aking katawan ang aking body bag at pinasok ko na rin saloob nito ang pabangong hawak ko.

Lumabas na kami ni Rose sa flower shop, at isasarado na sana namin ito nang biglang may babaeng sumigaw.

"Teka lang!"

Agad kaming napalingon sa babaeng sumigaw.

Hindi naman ako makapaniwala nang makita ko kung sino ang babaeng 'yon. "Carrol?!" gulat ngunit masaya kong sabi.

"Carrol!" sigaw ko at tumakbo ako papunta sa kaniya upang yakapin siya.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Matagal na kaming hindi nagkikita ni Carrol na naging matalik kong kaibigan sa matagal na panahon. Magkaibigan kami ni Carrol simula nong high school at hindi na kami masyadong nagkita pa pagkatapos naming makapagtapos ng kolehiyo.

"Namiss kita, Carrol!" masaya kong sabi at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Miss na miss na rin kita." She hugged me even tighter.

"Napadaan ka rito? Anong meron?" biro ko sa kaniya nang kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

Ngumiti naman siya sa akin at may inilabas na isang kulay putting sobre mula sa kaniyang bag.

"Ano 'to?" kunot noo kong tanong nang iabot niya sa akin ang sobre.

"Sorry kung ngayon lang 'yan naibigay sa'yo ah? Marami kasi akong inasikaso nitong mga nakakaraang araw, tsaka gusto ko kasing ibigay sa'yo 'yan ng personal," masaya niyang sabi.

Sandali ko namang pinagmasdan ang sobre na hawak ko bago ko ito binuksan.

"Ano ba kasi 'to?" natatawa kong wika habang binabasa ang nakasulat sa papel. Sandali namang tumigil sa pagtibok ang aking puso sa gulat nang mabasa ko ang lahat ng nakasulat sa papel. "Oh my goodness! Totoo ba ito?!" hindi ko makapaniwalang sigaw.

I can't believe it! Ikakasal na sina Carrol at Nathan!

"I'm so happy for you bestie!" tili ko at muling niyakap nang mahigpit si Carrol. "Congrats!"

"Thank you, Ayana!" she happily said as she hugged me back. "I hope that you'll find someone that will love and value you! I can't wait for you to get married too!"

Agad na naglaho ang aking mga ngiti nangdahil sa sinabi ni Carrol kasabay nang pagbalik ng mga alaalang matagal ko nang ibinaon.

"I will marry you in the right time, Ayana," he said with a smile.

Argh! Bakit ba naalala ko nanaman ang mga katagang 'yon!

"Anyways! Nagmamadali na rin kasi ako ngayon eh!" Kumawala na si Carrol sa aming yakap.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon