Chapter 29: Wait

5 0 0
                                    

Ayana's POV

Naging masyadong mabilis ang mga pangyayari, pero ang mahalaga ngayon ay mababawasan na ang bigat sa aking puso.

Pakiramdam ko ngayon ay natapalan na at napunan na ang mga butas ng aking puso nang dahil sa mga rebelasyon na hindi ko inaasahan.

Hay, basta ang mahalaga ngayon ay nagiging maayos na ang lahat.

Alam kong medyo late na para maging maayos ang lahat, pero sabi nga nila, it is better to be late than never.

Madilim na at hindi na rin ako nagpahatid pa kay Daven pauwi. Alam ko naman kasi na kapag nakita siya ng pamilya ko ay tiyak na malalagot siya, tsaka isa pa, may balak pa kasi akong puntahan ngayon para matapos na ang buong araw ko.

Kinuha ko na ang aking cell phone mula sa aking bulsa at tinawagan na si Mama.

"Ayana! Nasaan ka na bang bata ka?! Anong oras na oh?!" Agad kong inilayo sa aking tenga ang cell phone ko dahil baka mamaya ay mapabili pa ako ng hearing aids ng wala sa oras dahil sa sigaw ni Mama.

Tiningnan ko naman kung anong oras na at nakita kong 6:37pm na pala.

Kaya naman pala medyo madilim na.

"May pupuntahan po muna ako, baka mamaya pa ako makauwi," paalam ko.

"Aba! Hindi puwede! Umuwi ka na! Ano oras na oh!" galit na wika ni Mama. "Tsaka madilim na! Baka maano ka pa diyan!"

Bahagya naman akong napangiti.

28 years old na ako pero ganito pa rin si Mama, lagi niya pa rin akong pinapagalitan at hindi pa rin ako nakakagala nang hindi nakukuha ang permiso niya.

Hindi naman ako nagrereklamo dahil masaya ako na may taong laging mag-aalala para sa akin.

"Saglit lang naman po ako, promise, tsaka baka sa labas na po ako mag di-dinner, may kailangan lang po talaga akong ayusin," paliwanag ko naman.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. "Hindi ka na nga rito nag-agahan hindi ka pa rin dito maghahapunan! Hay ewan ko sa'yo! Sige na! Ingat!" inis niyang sabi at agad na ibinaba ang tawag.

"Si Mama talaga," natatawa kong wika sa sarili at ibinalik na ang aking cell phone sa aking bulsa.

Muli naman akong naglakad at pumara ng jeep.

Nagbayad na rin ako sa driver at sinabi ang lugar kung saan ako bababa.

Padilim nang padilim na ang paligid at hindi talaga ako lumalabas tuwing gabi lalo na kapag ako lang mag-isa, pero I guess exception ang araw na ito.

Gusto ko kasi talagang makatulog ng mahimbing ngayong gabi, pati na rin sa mga susunod pang gabi.

Ayoko na kasing mabagabag pa ng mga kung ano-anong bagay-bagay lalo na't alam ko naman na ang dapat ong gawin ngayon, so bakit ko pa ipagpapabukas 'to?

"Para po!" sigaw ko nang makita ko na ang bababaan ko.

Mabuti na lang talaga at sumakto ang jeep sa lugar kung saan talaga ako pupunta.

Kinuha ko muna ang aking cell phone at tiningnan kung may reply na ba sa akin si Eric, hindi naman ako nabigo dahil may reply na nga siya.

Tinanong ko kasi siya kanina kung nasaan ba siya tapos sabi niya nasa ospital pa raw siya, tinanong ko rin siya kung ano oras matatapos ang trabaho niya, tapos ang reply niya naman sa akin ngayon ay mga bandang 7pm daw.

Ibabalik ko na ang cell phone ko sa aking bulsa nang bigla itong tumunog.

Sinagot ko naman ang tawag. "Hello, Eric! Busy ka ba?" bungad ko sa kaniya.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon