Chapter 17: Feels

5 0 0
                                    

Ayana's POV

"Oh, Ayana, kain na anak!" aya sa akin ni Mama nang makapasok ako sa loob ng aming bahay.

Naabutan ko naman silang kumakain ng hapunan.

Nagmano naman ako sa aking mga magulang.

"Oh? Matamlay ka yata?" nag-aalalang tanong ni Papa.

"Pagod lang po, magpapahinga na po ako," walang gana kong wika.

"Hindi ka kakain?" tanong ni Mama.

Walang gana naman akong umiling at pumunta na sa aking kuwarto at kinandado ang pinto.

Pagod na pagod ko namang hinubad ang aking body bag at humiga sa aking kama.

Ilang minuto akong tumulala sa kulay putting kisame ng aking kuwarto na ngayon ay halos hindi ko na nga makita dahil sa dilim ng paligid.

Bumangon naman ako at binuksan ang lampshade na nakapatong sa aking bedside table at muling humiga.

Napabuntong hininga ako dahil sa pagod. Sobrang dami rin ng iniisip ko ngayon,pati ang puso ko ay naguguluhan na rin sa kaniyang nararamdaman.

Bakit ba kasi biglang nagkaganito ang buhay ko? Naging payapa naman ang puso't isip ko sa loob ng limang taon kaya bakit nagiging ganito na naman ang aking nararamdaman? Akala ko ba naka move on na ako? Pero bakit parang nasa simula na naman ako... para bang umulit na naman ang mga hindi ko maintindihang nararamdaman noon.

"Do you still love him, Ayana?"

"Answer me."

"Sabihin mo sa akin ang totoo. Please, I'm begging you, Ayana."

"I don't know."

"Why am I feeling like this?!" Napahilamos ako sa aking mukha at kinusot ang aking mga mata na may mga luhang nagbabadyang tumulo. "Ang dali dali lang naman nung tanong niya hindi ko pa masagot sagot!"

Napansin ko na bigla lang naging ganito ang nararamdaman ko magmula noong muli kaming nagkita ni Daven.

Hindi kaya naguguluhan ako sa aking nararamdaman dahil sa muli naming pagkikita ni Daven?

Noon kasi kapag tinanong ako kung nakapag move on na ba ako ang lagi kong sagot ay oo, hindi rin ako inaabot ng ilang segundo para pag-isipan ang sagot sa tanong na 'yon at kailan man ay hindi ako nagdalawang isip sa kung ano ang isasagot sa tanong na 'yon.

"This is all your fault, Daven," I whispered.

Damn that guy! He always makes me feel so miserable! Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit ba parang may kung anong namumuong pakiramdam sa aking puso sa tuwing makikita ko siya ngayon eh!

Hindi kaya ginayuma ako ng lalaking 'yon?

"Psh! Ano ka ba naman Ayana!" natatawa kong sabi. "Gayuma?! Walang gano'n!"

Hay! Natatawa na lang talaga ako sa mga iniisip ko! Napaka weird ko nga naman talaga minsan!

Pero ano nga ba talaga itong bigla bigla kong nararamdaman sa tuwing nasa harap ko si Daven?

Bakit parang nakakaramdam ako ng excitement at inis at the same time? Tsaka bakit parang kakaiba ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nasa harap ko siya lalo na kapag nagsasalita siya? Ano ba talaga ito?!

Kung hindi 'to pagmamahal eh ano ito?

"I've been in love with him for 7 years, sigurado akong pagmamahal na itong nararamdaman ko. Pero bakit kay Daven ulit?!" naguguluhan kong wika.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon