Chapter 7: Hazel

8 1 8
                                    

Ayana's POV

"I invited your exes, sorry talaga! Alam mo naman na naging friends din natin sila kaya ayun ininvite ko sila sa kasal ko! Sorry talaga!"

'Yan ang mga unang salita na pumasok sa aking utak nang makauwi ako.

"Hay." Buntong hininga ko kasabay ng pagsarado ko sa pinto ng aking kuwarto.

Anong oras na ako nakauwi dahil sa tagal ng usapan naming magkakaibigan, medyo naging awkward nga lang ang lahat simula noong banggitin ni Carrol na inimbitahan niya sina Daven at Hazel.

"Ano naman kasing magagawa ko?" natatawa kong wika sa aking sarili.

Napasuklay ako sa aking buhok kasabay ng aking pag-upo sa aking kama.

I can't believe na makikita ko ulit silang dalawa matapos ang limang taon.

"Sila na kaya?" mapait kong sabi.

Nakamove on ako mula sa kanilang dalawa, pero hindi pa rin ako nakamove on sa sakit na ibinigay nila sa akin.

Sino ba namang hindi masasaktan kapag pinagtaksilan ka ng best friend at boyfriend mo 'di ba? Ni hindi ko nga inakala na si Hazel na best friend ko since elementary ay pagtataksilan ako, pati na rin si Daven na boyfriend ko sa loob ng pitong taon ay ipagpapalit lang ako ng gano'n gano'n lang.

I really can't believe those two, lalong lalo na si Hazel na naging matalik kong kaibigan mula pagkabata.

*FLASHBACK*

Bagong lipat lamang ako sa bago kong school at nahihiya pa akong makipagsalamuha sa ibang mga bata rito dahil hindi ko naman sila kilala. Lahat sila ay may mga kaibigan na kasabay nilang kakain ng meryenda samantalang ako ay nakaupo lamang sa isang sulok at nag-iisa.

"Ayana!" sigaw ng isang batang babae.

Nahihiya naman akong napalingon sa kaniya at nakita kong tumatakbo na siya papunta sa akin.

"Ikaw 'yong bagong student 'di ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Dahil nahihiya akong sagutin ang kaniyang tanong ay tumango na lamang ako.

"Tara! Kain tayo ng baon ko!" aya niya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako papunta sa table kung saan nakalapag ang kaniyang lunchbox. "Share tayo ah!"

Nahihiya man ay pumayag ako at ibinahagi ko rin sa kaniya ang aking baon.

"Anong pangalan mo?" inosente kong tanong habang kumakain ng tinapay na bigay niya.

"Hazel!" masaya at masigla niyang sagot.

"Ah, puwede bang friends na tayo?" nahihiya kong tanong sa kaniya.

"Oo naman! Friends na tayo simula ngayon!" nakangiti niyang wika.

Simula noong araw na 'yon ay lagi ko na siyang kasama. Nalaman ko rin na wala pala siyang kaibigan noon bago pa ako dumating, at lagi siyang binubully ng aming mga kaklase dahil sa kulot niyang buhok.

Palagi ko naman siyang ipinagtatanggol kapag may mga nang-aasar sa kaniya at ganoon din naman ang ginagawa niya kapag may nang-aasar sa akin. Kami 'yong tipo ng magkaibigan na laging nagtutulungan at nagdadamayan.

"Alam mo hindi ko sila maintindihan! Bakit ka ba nila laging binu-bully!" galit na galit kong sabi.

Akala ko ay magagalit din siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang ngumiti sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang mga masasakit na salita na ibinabato sa kaniya.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon