Tinapon ko ang isang unan kay Zia, nasalo niya naman ito. Matapos niya akong ihulog sa kama. Walanghiya!
Tumayo ako mula sa sahig at sinamaan ko siya ng tingin. Pwede niya naman ako gisingin nang mahinahon pero bakit kailangan pang sipain ako para mahulog sa kama diba? Ang harsh talaga ng babaeng to!
"Kanina pa kaya kita ginigising! Ako pa sisisihin mo jan, hala sige matulog ka jan! Hindi naman ako ang mawawalan ng trabaho." Mukang nanay ang tono ng pananalita nito.
Oh my gosh! May trabaho nga pala ako. Tumingin ako sa alarm clock ko. Hindi nanaman pala gumana. Kailangan ko na talaga ng bagong alarm clock.
"Oo na babangon na nga, salamat sa pag gising." Sarkastiko kong saad at tinalikuran siya.
"Wow ha! Pasalamat ka nga may bestfriend kang katulad ko." Binalingan ko siya nang tingin at peke siyang nginitian.
"Samalat." Sabay pasok ko sa banyo at naligo.
Paglabas ko ng banyo wala na si Zia at maayos narin ang kama ko. Hayss kahit kailan talaga si Zia. Kahit galit yun sakin di parin ako matiis mwehehe.
Nag suot nako ng uniform namin bilang waiter. Red plain polo t-shirt lang naman at may maliit na naka lagay na apilyedo namin sa kaliwang dibdib sa taas ng maliit na bulsa. Limang ganito ang ibinigay saamin para raw may isusuot kami araw-araw. Nag suot nalang din ako ng pantalon.
Bumaba nako at tumungo sa kusina. Naabutan ko si Zia na kumakain. Nagluto na pala siya.
Umupo ako at kumuha ng pagkain. Di parin siya umiimik.
"Sorry," mahina kong sabi pero alam ko naman na narinig niya."Sanay nako. Ganun ka talaga kapag ginigising nagiging demonya." patuloy lang ito sa pag kain. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.
"Grave ka naman. Ang ganda kasi ng panag hinip ko e. Marami nadaw tayo pera"
Nagulat ito at nabulunan. Agad itong uminom ng tubig at tumingin saakin.
"Kaya pala ansama ng mood mo nung ginising kita." napa sampal ito sa noo.
"Alam mo naman yun ang pangarap ko diba?"
Tumango-tango nalang ito at kumain nalang.
Pumasok nalang ako sa pinagtratrabahohan ko. Medyo na late pako, buti wala pa ang strikto naming manager. Dumiretso muna ako sa staff room at nag suot ng airpron at hairnet. Lumabas nako at naabutan ang iba kong kasamahan na nakatunganga sa counter. Wala pa namang mga customer."Andito kana pala." Saad ni Cali. Napatingin naman saaakin ang iba naming kasamahan.
"Mukang wala ka sa mood ah?" Tanong naman ni Dave.
Bumuntong hininga ako at ngumiti ng pilit.
"Medyo lang naman. Bakit nga pala walang customer?"Hindi sila sumagot, biglang dumating ang manager namin. Parang umuusok nanaman ang mga tenga at ilong niya. Alas otso palang pero mukang mas bad mood pa siya saakin. Nag kunwari kaming may ginagawa.
Tumingin lang siya saamin at dumiretso sa opisina nito. Nakahinga naman kami ng maluwag. Maya-maya pa'y may mga customer na di'ng nagsidatingan.
Halos walong oras rin akong pabalik balik para ibigay ang mga order ng customer. Ansakit ng paa ko. Pumasok nako sa staff room at nandun na ang iba kong mga kasama. Hinubad ko na ang airpron at inilagay sa locker ko.
"Hindi kaba sasama samin Hevean?" Napatingin ako kay Cali. "Birthday ngayon ni Dave, mag iinuman daw."
Biglang dumating si Dave at inakbayan ako.
"Oo nga Venven, sama kana samin."Ngumiti ako at umiling.
"Hindi ako makakasama e' pasinsya na."Biglang nalungkot ang muka niya. Parang na guilty tuloy ako. Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa kanya.
"Sige na nga, ayoko namang maging kj." narinig ko naman ang pag yes nito at iba naming kasama. Ngayon lang ako sumama sa kanila lumabas. Birthday niya naman kaya pagbibigyan ko na.
Sumakay kami sa kotse ni Dave. Sa papa niya daw ito at niregalo sa kanya. Buti na kasya kaming anim. Naka rating na kami sa Lightning Bar na sinasabi nila. Ngayon lang ako makakapasok sa mga ganitong lugar. Hindi naman talaga kasi ako nag hahang out at pumupunta sa mga ganito. Sa bahay lang kami umiinom ni Zia pag may okasyon.
Kinakabahan ako habang papasok. Gusto ko nang mag back out pero hinawakan ako ni Cali at sabay kaming pumasok. Napakurap-kurap pako dahil sa mga ilaw na nandito. Ansakit sa mata jusko. Pano nila nagagawang tumagal sa lugar na to? May stage sa gitna at may mga sumasayaw, pati sa baba ng stage meron rin. Mga lasing na ata mga tao dito. Umupo na kami at nag si order na sila ng inumin. Wala naman akong alam tungkol sa mga inumin dito. Mas usto ko beer or gin nalang katulad ng iniinom namin ni Zia.
"I can't wait na sumayaw sa gitna pag nalasing na tayo." Excited na sabi ni Bea. Sumang-ayon naman si Cali at iba naming kasama.
"You okay Venven?" tanong saakin ni Dave. Tumango nalang ako.
"Wag kang mag-alala, kami bahala sayo. Mag enjoy lang tayo." dugtong niya pa.
Ngumiti ako sa sinabi niya. Maya-maya ay dumating na ang order nilang drinks. May Beer silang inorder kaya yun ang ininom ko.
Nakakadalawang bote palang ako at hindi pa naman tinatamaan. Ang iba kong mga kasama nagiging wild na. Siguro mas matapang yung inumin nila. Sumayaw na din sila sa gitna at ako nalang ang naiwan. Ayokong sumama sa kanila, di ako marunong sumayaw. Tinungga ko na ang bote at inubos ang laman. Medyo nahihilo nadin ako. Parang may naka tingin saakin. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang naka tingin sa direksyon ko. Baka guni-guni ko lang.
Gusto ko nang umuwi. Asan na kaya sila? Bakit dipa sila bumabalik? Bumuntong hininga nalang ako at lumabas. Tenext ko nalang si Dave at Cali na mauuna nakong uuwi, tenext ko na rin kanina si Zia na niyaya akong mag bar ng mga katrabaho ko. Tenext ko ulit siya na uuwi nako.
Habang naghihintay ako ng taxi, nakaramdam ako na may parang naka tingin saakin. Lumingon -lingon ako pero wala akong makitang nandito sa labas pwera sa mga dumadaang sasakyan. Medyo late narin kasi, mag aalas onse na.
Mahigit kalahating oras nakong naghihintay pero wala talagang taxi na dumadaan. Maglalakad lakad nalang siguro muna ako.
Medyo malayo ang bahay namin ni Zia sa lugar na to. Siguro sa kabilang kanto may mga taxi na dumadaan dun.Mahina lang akong naglalakad at naka tingin lang sa dinadaanan ko. Nararamdaman kong may naka sunod saakin. Napalunok ako at binilisan ang pag lalakad. Nakakaramdam nako ng takot. Mali talagang sumama pako, medyo malapit nako sa may kanto at agad akong pumara ng taxi. Mabuti nalang may dumaan kaagad. Nakahinga ako ng maluwag nang maka sakay nako.
Ilang minuto ang naka lipas at nandito nako sa harap ng gate, inabot ko na ang bayad at agad na lumabas sa taxi. Pumasok nako sa gate at agad iyon ni lock. Tulog na kaya si Zia? Meron naman akong susi ng bahay kaya hindi kona kailangang gisingin siya.
Napalingon ako ng may naramdaman nanaman akong naka tingin saakin. Kanina pa yun e, napaka impossible naman na nasundan niyako?
Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Madilim at wala akong makita. Kinalikot ko ang cellphone ko at pinindot ang flashlight.
Halos mapatalon ako ng nasa harap ko si Zia at may hawak na baso."Ano ba yan Zi, bat kaba nanakot?" agad na reklamo ko. Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko, hindi parin mawala ang takot at kaba. Akala ko multo na.
"Pasinsya na ha, akala ko kasi magnanakaw ka." Walang gana nitong sabi, mukang kakagising lang nito.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...