Chapter 34

252 2 0
                                    


Kinagabihan ay nandito kami sa parang malawak na garden. May mga sulo sa bawat sulok kaya maliwanag ang buong lugar, lahat ata ng mga kapitbahay nila Tita nandito, nalaman kong mga mangkukulam at mga taong lobo pala silang lahat. Naiilang tuloy akong makipag usap sa kanila, nahihiya ako na natatakot. Baka isang maling salita ko e' parusahan o lapain nila ako.

"Oi ayos kalang?" Biglang sulpot ni Gabo.

"Ah. . . O-oo ayos lang."

Tiningnan ko ang buong muka at pangangatawan niya, dimo talaga aakalaing isang taong lobo ang nasa harapan ko. Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Parang di ka yata maayos. Nabalitaan ko na nahimatay ka raw kagabi, kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang." Tipid na sagot ko. Alam niya din ba na buntis ako?

"Yun lang ba nabalitaan mo?" Agad na tanong ko.

Tumango siya at ngumiti, ginulo niya ang buhok ko at nagsalita.

"Alam kong alam mo na ang tungkol sa akin, sa tabas ba naman ng dila ni Ziang." Tumawa ito.

"Ah- oo alam ko na. A-ano ba sa feeling ang maging lobo?" Naiilang na tanong ko. Curious ako kung ano ba talaga sa pakiramdam ang maging malaking aso.

Mas lalo itong humagalpak ng tawa. Pati ang mga taong naka paligid sa amin naka tingin narin sa aming dalawa. Ang iba ay natatawa sa pag tawa ni Gaben ang iba naman ay nag tataka.

"Parang aso syempre."

Napakagat ako ng labi sa sagot niya, ganun ba yun?

"Ahh. . . so umiihi din kayo habang nasa taas ang isang paa?"

"BWAHAHAHAHHA!" Mas lalo pang lumakas ang tawa niya. Pati si Zia na nasa malayo ay naka ngiti narin. Alam  niya yatang itatanong ko yun kay Gabo.

"A-anoong klaseng. . HAHAHA. . . tanong HAHAHAHAHA."

Di niya na matapos ang sasabihin dahil sa kakatawa. Mangiyak-ngiyak na ito habang naka hawak sa tiyan. Napa irap nalang ako at tinalikuran siya. Nag tatanong ako ng maayos tas tatawanan lang ako. Ang kupal talaga!

"Oi, ito naman nag wawalk out kagad. Ang angas kasi ng tanong mo e, sa lahat ba naman ng pwede mong itanong yun pa talaga."

"Di naman mahirap yung tanong ko e." Pagsusuplada ko.

"Ganito kasi yan. . ." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko paharap sa kaniya. "umiihi muna kami bago mag anyong lobo, ayaw naming maging aso talaga atl umiihi patagilid habang naka taas ang isang paa." Mahabang linyahan niya habang pigil ang tawa. Tumango-tango ako.

"Eh yung pag singhut niyo?"

"Oo matalas ang pang amoy namin."

"Hindi yan ang ibig kong sabihin." I cross my arm at pinanliitan siya ng mata.

"E ano?" takang tanong niya.

"Sinisinghot niyo din ba ang pwet ng kapwa niyo kalobo?"

"HAHAHAHAHA!" malakas na tawa niya ulit. Di nako naka pag timpi at tuluyan nang umalis at pumunta Kay Zia. Kainis! Tinawanan nanaman ako.

Padabog akong umupo at mag ka dugtong ang kilay na naka tingin lang sa malayo. Ayoko na yatang kausap si Gabo, wala siyang sense kausap.

"Ginagawa mo jan?"

Umupo si Zia paharap sa akin at inayos ang mga dahon na iba-iba ang kulay. Para saan naman kaya to?

"Kainis kasi si Gabo, ewan ko dun!"

"Aba't bakit? Nakita kong nagtatawanan kayo dun kanina ah."

"Siya lang yung tumatawa ako hindi. Anyway para saan ba yan?"

May sinambit siyang diko maintindihan at bilang may mga lumabas na dagta mula sa mga dahon at inilagay niya ito sa iba't-ibang lalagyan.

"Para ito sa iyo. Upang bumalik na ang alaala mo mamaya pag tapos ng ritual."

Tumango-tango ako, sure nga bang babalik talaga ang ala-ala ko? Ano nga tawag sa mga ganito na napapanuod ko sa tv.

"Bigla ka atang napatahimik jan."

Diko siya pinansin at patuloy sa pag iisip. Takte! Nasa utak ko na ayaw pa lumabas.

"P.... po......potion! Tama potion nga!" Tuwang-tuwa ako ng maalala ko na.

"Ohh ano pinagsasasabi mo?"

"Diba potion tawag sa mga ganiyan?"

Inirapan niya ako at tumayo.
"Puro ka talaga kalokohan."

"Sinabi mo pa!" Biglang salita ni Gabo. 

"Che!!" Inirapan ko nalamang silang dalawa.

"Dika pa rin talaga nag babago Ven, sira ulo kaparin." Natatawang sabi niya. Inis kong binigyan ng tingin si Gabo.

"Since birth na atang sira ulo yan."

Aba't pinag iisahan nila ako. Tss!

"Anong oras ba ang ritual Zi?" Tanong ko nalamang.

"Alas dose ng gabi, malapit na rin. Ihanda mo na ang sarili mo."

Tumango ako at tumingin sa malayo.

"Naniniwala kami sayo Ven," Tinapik-tapik ni Gabo ang balikat ko at bumalik na ito sa mga kasama niya. Biglang naging seryoso ang muka niya ng humarap ito sa mga kasamahan niya, kanina lang ang lakas ng apog maka tawa tas ngayon naging serious mode na.

Dahil sa linaw ng buwan ay parang naging umaga ang hating gabi. Nasa gitna ako ng isang bilog at may inilagay silang mga words na diko maintindihan. Alas dose na ng hating gabi at may pitong babae na nag dadasal na naka palibot sa bilog at kasama na doon si Tita Fe at Zia. Naka pikit ang mga mata nila habang naka upo sa damuhan at pareho silang may sinasambit na diko maintindihan.

Parang biglang uminit ang buong katawan ko. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Anong nangyayari?

Biglang umilaw ang bilog at parang may kuryenteng lumalabas sa katawan ko, hindi ko ito ma kontrol. Napapa sigaw ako dahil parang pinapaso nito ang katawan ko.

Humangin ng pagkalakas nang mas lumalim ang sinasambit nila Zia. Patuloy parin ako sa pag sigaw, parang hindi ko kaya. Naramdaman kong lumulutang ako sa ere, pinikit ko ang mga mata at nag focus at tiniis ang sakit.

'Kaya mo to Hevean!'

Naka kita ako na parang liwanag habang naka pikit, parang tinatawag ako nito na abutin siya. Ito naba ang sinasabi nila na kailangan kong mailabas mula sa loob ko? Ito ba ang nakatagong kapangyarihan ko?

Naririnig ako ang malakas na pagsasambit nila Zia ngunit hindi ko maimulat ang mga mata ko. May roon akong nakitang apat pang mga ilaw at iba't iba kulay ito. Bawat isa ay parang may mga words na diko maintindihan.

Sinubukan kong hawakan ang kulay pulang ilaw at bigla itong pumasok sa kamay ko, may lumas din na apoy sa kamay ko ngunit wala akong naramdamang sakit o pagkasunog mula rito. Sumunod naman ang kulay blue na ilaw, may lumabas na parang tubig, green naman ay parang protection, dilaw ay hangin at ang pang huli ay ang puti. . . . hinayaan ko itong lumapit at lumapat sa kamay ko. Biglang kong naramdaman ang matinding kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ko. Sumigaw ako ng malakas dahil sa matinding kapangyarihan na hinihigop ng katawan ko. Napa mulat ako ng mga mata at laking gulat ko dahil napaka lakas ng kuryente at hangin na naka palibot sa akit. Tiningnan ko ang mga kamay ko na may mga kuryenteng lumalabas mula rito. Nakakamangha!

Bigla akong nakaramdam ng pag ka hina kaya naman agad akong nalaglag sa lupa at nawalan ng malay.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon