Agad akong tumayo sa kama. Paanong nasundan niya ako nang ganun ka bilis? Sa pag kakatanda ko iniwan ko siya sa kusina at agad akong sumakay ng taxi.
"Paano ka napunta dito? Nasa--" Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin ng lumapit ito saakin at niyakap ako.
"I'm sorry, hindi ko naman alam na magagalit ka sakin." Parang may kumurot sa dibdib ko. Nasaktan ko ba siya? Mali naman talaga ginawa niya kanina.
"Dimo naman dapat gawin yun sa kaniya Xyrus, may dalawang kapatid siyang pina pa-aral dahil kakamatay lang ng daddy niya." Paliwanag ko. Dahil sa heart attack ay namatay ang daddy ni Dave, ang sasakyan na ibinigay sa kaniya ay naibenta na rin niya. Naaawa narin ako kay Dave, kung mayaman lang sana ako bibigyan ko baka matagal ko nang nabigyan ng scholarship ang mga kapatid niya.
"I'm sorry I didn't know. Are we okay now?" Kumalas ito at hinarap ako. Bumuntong hininga muna ako at tumango.
"Pero kailangan mo paring humingi ng sorry kay Dave okay?" Agad naman itong tumango. Ngumiti ako sa kaniya, sana hindi ko nalang sinabi na umasta siya bilang tagapamahala kanina, hindi sana mangyayari to ngayon. Nag away pa tuloy kami!
"I'll try tomorrow, but I want you to stay away from him. I don't want to be a jealous jerk again." and then he chuckle. Ang gwapo niya tuloy, ang swerte ko talaga sa labanos na to. Mas maputi pa siya saakin.
"Labanos?" biglang tanong nito. Napa kunot noo ako. Nasabi ko ba nasa isip ko?
"Nevermind, are you hungry? Do you want me to cook some dinner?" malambing na pag kakasabi nito. Teka dito siya mag luluto? Hindi pa naman siya nakikita ni Zia kaya mas okay na sigurong dito muna siya para naman maipakilala ko na siya kay Zia.
"Medyo gutom na nga ako siyaka masakit yung paa ko." Paawa ko. Walang sabi-sabing binuhat ako nito papunta sa kusina. Amoy na amoy ko ang pabango niya, hindi ko alam kung saliri niya ba talagang amoy o sadyang may pabango lang talaga siya? Ang bango kasi talaga, parang gusto kong langhapin lahat ng amoy hanggang walang matira sa kanya.
Ibinaba ako nito at ipina upo paharap sa mesa. Kumuha siya ng mga lulutoin sa ref at nag simulang mag hiwa habang ako naka tingin lang sa kaniya.
Husband material na ata si Xyrus, kahit sinong babae maghuhumaling talaga sa angking kagwapohan niya. Maputi ito at mataas, matangos ang ilong, gray na mga mata at ang kilay at mga pilik mata niya ay makapal, may mapupulang labi na masarap halikan, malaki at machong katawan, may abs at higit sa lahat malaki ang---
"Stop thinking nonsense your distracting me, baby." Napangiti ito habang nag hihiwa ng carrots. Napa nguso naman ako, eh ano naman iisipin ko? Siya lang naman lagi nasa isip ko, kasalanan ko bang hindi siya napapagod tumakbo sa isip ko? Kailangan ko na ba siyang alisin sa isip ko? Hayst.. kung ano-ano iniisip ko. Para na akong baliw na may pagnanasa kay Xyrus.
Narinig ko ang mahinang tawa nito. Mas baliw pa pala siya saakin, tumatawa siya mag-isa. Baka nabaliw na siya saakin? O baka mas malala pa? Hindi kaya obsessed na siya saakin?
"Wow naman naglu--" Napa tingin ako sa pinto ng kusina ng dumating si Zia. Napa hinto ito at napa tulala habang naka tingin sa lalaking nag luluto, pabalik balik ang tingin nito sa aming dalawa ni Xyrus. Parang walang pakialam si Xyrus at patuloy lang sa pag luluto. Agad na sinamaan ako ng tingin ni Zia. Napalunok ako dahil baka sakalin niya ako dahil mukang galit siya?
"Hiramin ko muna si Hevean." Agad na sabi nito. Lumapit ito saakin at kinaladkad ako papunta sa sala.
"Sino yun? Yun ba ang boyfriend na sinasabi mo?" Agad na tanong nito. Namewang pa ito habang naka taas ang kanang kilay.
"Si Xyrus... O-oo siya yung sinasabi kong boyfriend ko." Napa kagat ako ng labi dahil sa kaba na nararamdaman. Ngayon lang kasi ako nag dala ng lalaki dito sa bahay, well... hindi lang naman ngayon ang unang beses na pumunta dito si Xyrus, sadyang busy lang talaga si Zia.
"Inferness marunong mag luto hindi kagaya mo," inirapan ako nito at huminga ito ng malalim bago nag salita ulit. "Siguradohin mo lang na masarap ang luto niya kundi patay ka sakin!" Pananakot nito at agad na itong pumasok sa kwarto niya. Tumakbo ako agad pabalik sa kusina.
"Malapit nabang maluto yan?" Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang niluluto niya. Amoy palang mukang masarap na, sana naman masarapan si Zia dito dahil kung hindi patay ako sa babaeng yun.
"Don't worry I'm good at cooking," hinapit ako nito at hinalikan sa labi. Agad akong lumayo dahil baka makita kami ni Zia.
"Baka makita tayo ni Zia." Buti nalang at nasa loob pa ng kwarto si Zia, baka imbes na tumagal dito si Xyrus e palayasin niya kaagad. Bitter pa naman ang babaeng yun, sing pait ng ampalaya.
"Sure ka bang masarap yan? Dahil kong hindi makikipag break ako sayo." pag bibiro ko. Mahina itong tumawa at napa iling.
"Are you sure about that baby?" hamon nito. Umirap ako at padabog na umupo.
"Bakit gusto mo ba?" pabalik na tanong ko.
Umupo ito sa mesa at may mapag larong ngiti sa mga labi. Damn so hot!
"What if I don't?" balik na tanong rin nito.
"E di mag pakasal na tayo." Biro ko. Hindi pa nga kami naka abot ng isang buwan tapos kasal agad?
"Gusto mo bang bukas?"
Napa kunot noo ako sa tanong nito. Anong ibig niyang sabihin?
"H-huh?" takang tanong ko.
"Nothing. I know you don't get it. Anyway luto na ang niluluto ko, tawagin mo na ang pinsan mo at kakain na."
Napataas ang kilay ko. Paano niya nalaman na pinsan ko si Zia? As far as I remember hindi ko naman sinabi na pinsan ko si Zia.
"Paano mo nalaman na pinsan ko siya?" Ang weird lang talaga, kanina kakadating ko lang tapos bigla nalang siyang sumulpot tapos ngayon alam niyang pinsan ko si Zia?
"B-because you told me." Tumayo ito at tinalikuran ako para ha-inin ang niluto nito. Talaga bang sinabi ko yun? Parang hindi ko talaga naalala na nabanggit ko na pinsan ko si Zia.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...