CHAPTER 48

241 2 0
                                    


[ Xyrus POV ]

Anong ibig sabihin nito? Bakit may kamuka si ina? Sino siya? At anong sinasabi niya? Andami kong tanong sa isip. Naguguluhan ako.

Ngumisi ito habang matalim na naka tingin sa akin.

“Wag kang mag alala, hindi ko na pahahabain ang paghihirap mo munting prinsipe.” Pag tapos niyang sabihin iyon ay siyang pag bungad ni Hevean mula sa kaniyang likuran.

Anong ginagawa niya dito? At nasaan ang anak namin?

“You B*tch!!! I will kill you!! Don't you ever dare to touch her!” Galit na sigaw ko. Ngunit mas ikina ngisi niya ito.

“Awww nakakatakot. HAHAHA bago mo yata ako patayin e mauuna ka muna. Shshshshshs” May isinambit itong hindi ko maintindihan.

Biglang sumigaw si Hevean sa sakit at nawalan ng malay. Lalapitan ko na sana ito ng biglang atakihin nya ako, anong nangyayari? Bakit niya ako inaatake?

“Baby it's me,” tawag ko ngunit parang ibang tao na ito.

“Hindi ka niya maririnig. Hindi na siya ang Hevean na inaakala mo. Isa na siyang taga sunod ko. Patayin mo siya!” Utos nito. Muli nanaman niya akong inataki at tinamaan ako sa balikat. Sobrang hapdi ng kaniyang mahika.

Habol ang hiningang ininda ko ang sakit. Anong gagawin ko? Hindi ko siya kayang saktan.

“Anak.” Rinig kong boses ng lalaki sa likuran ko.

“Nag kamali ako. Nakahanda akong itama lahat ng pagkakamali ko.”

Ang amang Hari. Nalulungkot ang mga mata nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Galit parin ako sa kaniya dahil sa nangyari, ngunit alam kong biktima rin siya kagaya ko.

Tinapik-tapik nito ang balikat ko.
“Ako na ang bahala sa kaniya, iligtas mo ang babaeng mahal mo.” Saad nito at agad na sinugod ang babae.

Hindi ito naka lapit dahil sa mga malalaking lobo. Marahil ay ginamitan sila ng mahika upang ganoon sila ka laki.

Nagulat ako ng biglang akong tumilapon. Sh*t!! It's Hevean. Hindi ko talaga siya kayang saktan.

Bumangon ako at hinarap siya. Kulay pula ang mga mata nito at wala akong nakikitang awa sa mga mata niya. Naka lutang lamang siya sa ere at pinalilibutan ng asul na apoy at kuryente. She's so damn powerful, I'm so proud of her but at the same time I'm worried about her. Baka hindi kayanin ng katawan niya.

“Baby wake up, it's me. Please bumalik kana.”

Ngunit wala itong narinig at muli akong sinugod, tanging nagawa ko lamang ay umiwas at masaktan sa mga atake niya.

“Patay na siya.” Matigas na sabi nito.

“Please. . . ” pagmamakaawa ko. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Ito ang ikinakatakot ko, ang tuluyang mawala siya sakin.

Muli akong tinamaan at bumagsak sa lupa. Nanghihina ako, marahil ay hinihigop niya ang lakas ko.

“Mahal n-na mahal k-kita. . . ” nahihirapang sambit ko. “Mahal k-a namin ni H-herus.” Napakapit ako sa braso ko. Hindi ko na ito maigalaw ng maayos.

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ito umimik at tanging naka tingin lamang sa akin. Marahil ay naririnig niya ako, alam kung nilalabanan niya ang pagkokontrol sa kaniya. Alam kong nariyan siya, alam kung naririnig niya ako.

“Baby please. . . . k-kailangan ka namin ni Herus.” My voice broke. Lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Sobrang nasasaktan ako. Kung kailan pa na buo na kami siyaka ito nangyayari. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon