CHAPTER 16

389 5 0
                                    


Kita ko ang galit sa mga mata nito ngunit bigla rin itong nawala ng napagtanto nito ang sitwasyon namin. Napalunok ako ng ilang beses dahil ilang dangkal nalang at mag hahalikan na kami, parang nag lalaway ako sa mga labi niya. Parang na miss ko halikan?

"Who's that guy?" Mahina ako nitong binitawan, may pag sisisi sa muhka nito kaya naman agad ko siyang hinawakan at pinaharap saakin. Mukang alam ko na kung bakit siya nag kaka ganito.

"Nagseselos ka ba?" Nag lalambing kong tinig. Napa yuko ito at umiling.

"N-no.... I-i don't know." Bumuntong hininga ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pagilan ang pag ngiti. Natutuwa ako dahil nag seselos siya. Part ng isang relasyon ang pagseselos, mahal niya ako kaya nagseselos siya. Aww so cute!

"Dimo alam? Hmnn... ako alam ko nag seselos ka," humagikhik ako at niyakap siy. Nagulat ito sa ginawa ko. Akala niya siguro magagalit ako or magtatampo dahil sa ginawa niya. Alam ko ang kailangan ng lalaking to, walang iba kundi ang lambing ko.

"I'm sorry. I really don't share what's mine, Baby." Hinawakan nito ang kamay ko at mariing tumingin saakin. Ang kaninang galit na muhka ay napalitan ng ngiti. Ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti, ang swerte ko naman talaga. Bago paman ako maka pag react ay agad niya na akong siniil ng halik.

Feeling ko uhaw na uhaw kami sa isa't isa. Teka dito talaga namin to gagawin? Baka may pumasok tapos makita kaming ganito. Huminto ako at tumingin sa pinto at tumingin ulit sa kaniya. Mukang alam niya na ang ibig kong sabihin kaya naman lumayo na ito saakin. Baka hindi siya maka pag pigil tapos rapen nalang ako...este chukchakin ako. Inayos ko ang damit at buhok ko. Buti nalang at wala na akong lipstick dahil kung hindi baka nag kalat na sa buong labi namin pareho.

"L-lalabas nako, kailangan ko nang mag trabaho." Paalam ko. Naka upo lamang ito sa mesa habang nasa akin parin ang nakaka akit nitong tingin. I hate this feeling that I can't resist him. Kailangan ko ng makalayo sa kanya bago pa mag bago ang isip ko.

"Can we just go home?" Malumanay na saad nito. Mukang nag mamaka-awa na talaga siya. Ano naman gagawin namin sa bahay aber? Napa sampal ako sa noo ko dahil may pumasok sa isip ko na hindi kanais-nais. Kapag nasa bahay kami may posibilitad na gawin namin yun.

Baka pagodin nanaman ako ni Xyrus. Baka hindi nanaman ako maka lakad, parang na phobia ako sa nangyari noong isang araw. Hindi lang isa, dalawa, tatlo o apat halos hindi ko nga mabilang. Sa loob lang ng isang araw at gabi ilang beses namin ginawa yun.

"I can't, you know naman kung bakit ako nag tratrabaho diba? Umakto kang tagapamahala at aakto akong trabahador mo okay?" Lumapit ako dito at hinalikan ito sa labi. Malungkot ang muka nitong tumango bago ako tuluyang lumabas ng silid.

Dala-dala ko ang bubug ng baso kanina na nalaglag kaya agad ko itong itinapon sa basurahan. Baka masugatan pa ako, agad na akong lumabas at nag-umpisa nang magtrabo.

"Order no. 12 table!" sigaw ng chef sa kusina kaya agad akong pumasok at kinuha ang tray upang ilagay doon ang dalawang order.

Maraming customer ngayon dahil maraming namamasyal sa park at dahil malapit lang ang park, dito na tumutuloy ang mga customer para kumain.

Halos hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na kaming pabalik balik sa kusina upang kunin ang order at dalhin iyon sa table. Nasanay na rin kami sa trabahong ito kaya wala nang nagrereklamo at pumapalya.

NATAPOS narin sawakas, agad akong umupo sa malapad na upuan dito sa loob ng staff room. Maya-maya ay out na namin, natapos narin kami sa pag lilinis para bukas. Napatingin ako kay Cali na kakadating lang at humahangos.

"Guys, s-si Dave pinapagalitan ni Sir X-xrus." Agad na sabi nito. Tumayo ako kaagad at lumabas, tinungo ko ang kusina dahil doon nang gagaling ang ingay.

"I told you already, you need to clean it again. Didn't you see that dirt? Clean it or I will fire you!" Bulalas nito kay Dave. Nagulat rin ako sa pag aasta nito kaya lumapit ako upang kausapin siya.

"Xy-- I mean sir Xyrus ano po bang problema?" Napatingin silang dalawa saakin ganun din ang iba kong
katrabaho. Madilim ako nitong tinitigan, ano bang problema niya? Para siyang may dalaw, kanina lang ang lungkot niya ngayon naman parang Leon.

"It's none of your business Ms. Cavellente." Dininian niya pa talaga ang surname ko. Hindi ko na na pigilang tingnan siya ng matalim.

"May pakialam po ako kasi pareho po kaming nag tratrabaho dito, kaya nga po nag tatanong ako para naman maka tulong ako sir." agad na sabat ko. Kitang kita ko sa muhka ni Dave ang takot, alam kong mahalaga sa kaniya ang trabahong to dahil pina paaral niya ang dalawang kapatid niya.

"Go leave." Malamig na salita nito. Ako? Pinapaalis niya? Fine! Kung yan ang gusto niya. Inirapan ko siya at tinalikuran, hahakbang na sana ako ng mag salita ito ulit.

"Where do you think you're going?" takang tanong nito. Bumuntong hininga ako dahil sa inis na nararamdaman. Kanina lang pinapaalis niya ako tapos ngayon naman. Ano ba talaga? Padabog akong humarap sa kanya.

"Sabi mo leave, oh aalis na nga ako." pag mamaldita ko. Medyo nagulat ang iba kong mga katrabaho dahil binabastos ko si sir Xyrus pero wala akong pakialam. Lagot talaga siya sakin!

"I didn't say na ikaw ang aalis," tumingin ito kay Dave at tumingin sa pinto. Napalunok si Dave at agad na naglakad palabas, "Maari na kayong umalis at umuwi... maliban sayo." At tinapunan ako nito ng tingin. Pati si manager Ruel umalis narin, dalawa nalang kaming naiwan. Hindi ako umimik dahil nagagalit ako sa kanya. I cross my arm into my chest at mag ka dugtong ang mga kilay na naka tingin lang sa mga pinggan. Bahala siya diyan!

"Look, sabi mo kanina umakto ako as a owner so I did." ramdam kong lumapit ito saakin. Bumuntong hininga ito a hinawakan ang baba ko para matingnan ko siya. "Are you mad at me?"

Tinapik ko ang kamay nito at hindi siya pinansin, bumalik ako sa staff room para kunin ang gamit ko. Sobra naman yata ang pag akto na ginawa niya. Parang ginawa niya yun on purpose, ano yun punishment ni Dave dahil sa kaninang pag akbay niya sakin? Pwes hindi nakakatuwa! Alam kong natakot si Dave, naawa tuloy ako sa kanya. Kainis!

Lumabas na ako ng resto at pumara ng taxi, siyaka ko na lang siya kakausapin pag nag sorry na siya kay Dave, hindi naman talaga tama ang ginawa niya.

Nang maka rating ako sa bahay ay agad akong pumasok at dumiretso sa kwarto ko, padabog kong inilapag ang gamit ko at humiga sa kama.

"I'm sorry,"

"Ay palaka!!" nagulat ako ng may nagsalita. It's Xyrus pero paano nangyari na nandito siya sa kwarto ko? Hindi naman siya naka sunod saakin kanina ng sumakay ako sa taxi. Nanindig ang balahibo ko sa naisip ko. Hindi kaya isang multo si Xyrus?

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon