09

425 9 0
                                    


Hindi parin ako maka move on sa sinabi niya kanina. Naiilang tuloy akong tumingin at kausapin siya. Ano bang trip ng lalaking to? Diko talaga alam kung maniniwala bako o hindi. Feeling ko binobola niya lang ako, ganun naman mga lalaki 'e, bobolahin ka hanggang makuha nila yung loob mo tapos iiwan ka din.

"You're thinking nonsense again." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Ahmm... w-wala a." Pagdedeny ko. Ganun ba kahalata kapag may iniisip ako? Ang galing niya naman para mapansin kaagad.

"Tsk." Rinig ko mula sa kanya.

Napahinto ako sa harap ng McDo. Namiss ko na kumain dito, kung may pera lang sana ako baka kung ano-ano na nabili ko, kaso wala e.

"Let's get inside." Sabay hila nito saakin papasok. Wala pa masyadong tao kaya hindi mahaba ang pila.

Umupo ako sa bakanteng upuan at tumingin sa kanya. Naka tingin lang siya sa menu sa unahan. Feeling ko nag iisip siya kung anong pwedeng orderin, siya naman siguro magbabayad diba? Wala akong pera. U-utang nalang siguro ako sa kanya total mayaman naman siya e, di naman siguro siya maghihirap kapag umutang ako diba?

"Just wait here." Yun lang sabi niya bago pumunta sa counter. Tumango lang ako at tumingin lang sa mga taong dumadaan mula sa labas. Karamihan mag papamilya ang nandito, naiingit ako. Masamang maiingit pero diko maiwasan.

Napasulyap ako kay Xyrus na kausap ang babae sa counter. Nako, mukang ngiting-ngiti din ang babae. Parang yung babae din kanina sa boutique. Umiwas nalang ako ng tingin, sabagay attractive naman talaga siya, gwapo, mataas, maputi at mukang mayaman. Samantalang ako mukang hotdog na pinirito lang sa tubig.

Umupo ito sa harap ko at malapad na ngumiti. Ang mga ngiting yan ang nag papahulog sakin.

"Really huh?" Medyo natawa pa ito.

"Huh?" Tanong ko. Anong really pinagsasabi niya?

Umiling-iling ito at kinuha ang cellphone. Itinapat niya ito saakin.

"Say cheese?"

Inirapan ko siya at ngumiti sa Camera habang naka peace sign. Napatawa naman ito sa ginawa ko. Inagaw ko ang cellphone at tiningnan ang picture ko. Mukang maganda naman pagkakakuha. Inferness ang ganda ko.

Biglang dumating ang isang staff ng McDo at inilapag ang order ni Xyrus. Teka! Diba dapat kukunin pa sa counter yung order? Ano to may special treatment? May dumating ulit na isa pang staff at inilapag ang mga dala niyang pagkain. Napatingin naman ako kay Xyrus. Tinaasan ko siya ng kilay.

Halos mapuno ang mesa para sa apat na tao. "Bakit ganito karami inorder mo?" Mahinang kong tanong sa kanya para hindi masyadong marinig ng staff na naglalapag ng pagkain pati na rin sa ibang tao na nasa paligid.

"Just eat them all." Tipid niyang sagot. So ako lang kakain? Kakainin ko tong lahat? Hindi kaya sumabog tiyan ko
nito? Pano siya? Hindi ba siya kakain?

"Eh ikaw? Hindi kaba kakain?"

Umiling-iling ito at ngumiti lang saakin.

"I'm not hungry, just eat okay? Don't worry about me."

Kahit labag sa loob tumango nalang ako bilang pag sang ayon at tumingin sa mga pagkain na nasa mesa. Gosh!! Andami, masasarap ang mga to, una kong nilantakan ang friend chicken at isinawsaw sa gravy. Napapikit pako dahil ansarap talaga, na miss ko talaga to.


BUSOG na busog ako ng matapos akong kumain, pinabalot ko nalang yung iba para dalhin pauwi. Nakakahiya talaga dahil andami niyang inorder, hindi naman pala siya kakain, sumakay kami sa escalator, nasa second floor kasi ang arcade. Siya ngayon ang bumibitbit ng mga damit at pagkain na dala ko. Gentleman ngayon ang ferson.

Napangiti nalang ako sa naiisip. Pano pala siya makakalaro kung may bitbit siyang mga paper bags? Napabuntong hininga ako, kasalanan ko to e.

Bigla siyang napahinto at lumingon sa may gilid. May papalapit na isang lalaki, naka suot ito na pure black din mula slacks at damit. Parang bodyguard ang datingan. Kinuha nito ang mga paper bags na dala ni Xyrus at umalis, naka tulala lang ako hanggang sa naka tingin na pala saakin si Xyrus.

"Let's go?" Malapad itong ngumiti. Iniisip ko palang yung mga paper bags kanina tapos ngayon wala na. Nagulat nalang ako ng hilahin niya ako papasok sa Arcade.

Nagniningning naman ang mga mata ko sa dami ng pwedeng laroin Ng maka pasok na kami. Mas gusto ko parin yung claw machine, ang kyut kasi ng mga maliliit na mga stuff toys. Ni hindi pako naka kuha kahit isa kapag nag trtry ako. Minsan dahil sa inis sinisipa ko yung claw machine, mabuti nalang walang nakakakita saakin kapag ginagawa ko yun. hehe

Diko namalayan na wala na pala sa tabi ko si Xyrus, saan nag punta yun? Iniwan na yata ako?

"Here," Napapitlag ako sa gulat. Bigla bigla nalang sumusulpot ang lalaking to. Aatakihin ako sa puso... sabagay nasa kanya na puso ko aweeeeee. Pero syempre joke lang.

Nag change pala siya ng mga tokens. Pero bakit ganun isang balde? Bakit may balde at bakit puno? Anong kalokohan nanaman to? Napa sampal ako sa noo ko. Inubos niya ba lahat ng tokens?

"Sorry ma'am. We don't have a tokens napo." rinig kong sabi ng babae sa counter. Naawa tuloy ako sa babaeng mas bata sakin. Sinamaan ko naman ng tingin si Xyrus pero mukang baliwala lang sa kanya.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, huminto ito sa harap ng claw machine. Mga stuff toys ni Picachu at iba pa ang nandoon. Ang cute talaga. Kapag naka kuha ako nun isasabit ko talaga sa kwarto ko.

Inilapag niya ang isang balde ng tokens sa sahig. Tinry ko namang bitbitin kaso mukang lalabas ata tae ko sa bigat. Paano niya to na bitbit ng walang kahirap hirap? May powers ba ang lalaking to? O baka naman sanay sa dumbbell ganun? Gusto ko tuloy makita kung may abs mwehehe apaka manyak ko naman. Tsk! baka mamaya sabihin niya pinagnanasahan ko siya.

"Bakit hindi ba?"

Agad akong lumingon sa kanya. Ano daw? Minsan diko talaga alam takbo ng utak ng lalaking to. Minsan bigla-bigla nalang nagsasalita, hindi ko naman siya kinakausap. Baka nga may lahing baliw tapos nakatakas lang sa mental ganun?

"Tsk!"

Kumuha siya ng dalawang tokens sa balde at inihulog sa claw machine, umandar naman ito. Kinontrol niya at itinapat sa isang stuff toy ang claw, pinindot niya ang botton para bumaba ang claw.

Napalunok ako dahil mukang makukuha niya ang stuff toy, di ako kumukurap ng nakuha nga ng claw ang isang stuff toy. Pero agad din akong nalungkot ng malaglag ito mula sa claw. Yun na sana e naging bato pa. Anong klaseng claw to? Marupok 'e, mas marupok pa sakin.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon