Chapter 37

247 3 0
                                    


Nagulat ako ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Teka kilala niya ako?

Napatingin din si Albert at Gabo sa akin, nagtataka rin siguro dahil kilala ako ng babaeng bampira na nasa harapan ko.

"Kilala mo ba ang bampirang 'to?" Takang tanong ni Albert. Umiling-iling ako at tumingin muli sa babae.

"Sino ka?"

"Hindi na importante kung sino ako. Kailangan kong makita si Ms. Hevean."

Mas lalo kaming nagtaka ng kilala niya si Hevean. Hindi kaya may kinalaman ito tungkol sa ama ng pinagbubuntis ng best friend ko?

"Sino kaba? At paano mo nakilala si Hevean?"

Huminga ito ng malalim.
"Alam kong di niyoko maaalala dahil ako ang kumuha ng mga alaala niyo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Paano?

"Sasabihin ko ang lahat pero kailangan ko munang masigurong okay lang si Ms. Hevean." Seryosong sabi nito. Nagtinginan kaming tatlo ni Albert at Gabo.

Umalis si Gabo at di kalaunan ay bumalik nadin bilang isang tao. Naka short lang ito at na eexpose ang topless niyang katawan. Kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan niya. Nakita ko rin ang pag iwas ng tingin ng babae.

"Ano ang tingin mo sa amin tanga? Isa kang kalaban, at hindi kami nakakasiguradong kilala ka nga ni Hevean. Baka ipinadala ka para patayin siya at baka isang kang espiya."

Tama si Gabo. Baka kalaban nga ang babaeng ito.

"Hindi ako isang kalaban. Gusto ko lang makita at malaman kung okay lang si Ms. Hevean, inutusan lamang ako para bantayan at protektahan siya."

Hindi parin kami kumbinsido sa sinabi niya. Isa lang ang naiisip kong paraan. Mas lalo akong lumapit sa babae at kumuha ng iilang hibla ng buhok. Nagulat pa ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

Kinuha ko ang potion sa bag at binuksan ito. Nasa maliit lamang ito na sisidlan, umupo ako lupa at dahan-dahang inilagay ang buhok. May dinasal ako upang gumana ang potion. Umilaw ito at sign iyon na kompleto na potion na ginawa ko,  nasisiguro kong effective ito.

Tumayo na ako at dahan-dahang ininom ang ginawa ko. Maliit lang ang ininom ko dahil para talaga ito kay Hevean. Tahimik lamang silang tatlo habang pinapanuod ako. Si Gabo ay mahigpit na hinahawakan ang babae samantalang nag aalalang naka tingin sa akin si Albert.

Sumakit ang ulo ko nang tumalab na ang potion. Bigla akong natumba at agad naman akong inilalayan ni Albert.

"Ayos kalang?" Tanong nito pero di ako maka sagot dahil may mga nag flasflash sa utak ko.

Nahimasmasan ako at tama nga ang babaeng bampira na ito. Hevean know her. Siya ang palaging kasama niya at ang amo niyang si Xyrus na minsan ko na ring nakita at nakilala. That jerk! Sabi niya mahal niya ang pinsan ko tapos bigla nalang niyang iniwan. Tsk! Sasaksakin ko talaga puso niyo pag nagkita kaming muli.

"Bitawan mo siya Gabo, tama ang mga sinabi niya. Naaalala ko na kung sino siya."

Nag-dadalawang isip naman si Gabo, matalim ang tingin niya kay Wena. May sinabi pa ito kay Wena bago niya ito binitawan.

Lumapit si Wena sa akin at yumuko.

"Pasinsya na kung kinuha ko ang mga alaala ninyo, patawad."

Tinapik-tapik ko ang balikat niya at ngumiti.

"Ayos lang, ang importante ngayon ay tuluyan ng maibalik ang alaala ni Hevean. Gusto niya nang maalala ang ama ng dinadala niya."

Nakita kong may bahid ng gulat at pag aalala ang muka ni Wena.

"Buntis si Ms. Hevean?"

Tumango ako. Nauuna nang mag lakad pabalik si Gabo at Albert, iniwan kami ni Wena. Sa tingin ko at binigyan nila kami ng oras para maka pag usap.

"Nasaan ba ang Xyrus na yun? At bakit niya iniwan ang beshy ko?"

Galit na bulyaw ko. Nakakainis kasi!

"Mahabang istorya, pero sa ngayon delikado ang buhay ni Ms. Hevean. Hinahanap na din siya ngayon ng Vamos Clan para patayin. Buti nalamang at nandito pala siya sa puder ng mga lobo. Pansamantala ay maitatago siya rito."

Naguguluhan ako.

"Bakit siya papatayin? Anong ginawa niya?"

"Mahal siya ni prinsipe Xyrus, ngunit naka takdang mag pakasal siya sa anak ng Vamos Clan."

Vamos Clan? Diba sila ang mga tao na naging Bampira lamang?

"Pati ang mahal na hari ay gusto na ring patayin si Ms. Hevean."

Napatango ako. Delikado nga ang buhay ng best friend ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba, iniwan ko itong natutulog sa kwarto niya. Paano kapag may lumusob at patayin agad siya?

"Kailangan ko nang bumalik, baka ano nang mangyari sa kaniya at sa magiging anak niya."

"Pwede ba akong sumama?"

Nilingon ko siya at tinanguan. Sumunod lamang ito sa akin.

Nakita namin si Gabo at Albert na nag uusap. Nang makita nila kami ay matalim lamang ang tingin nila kay Wena. Hindi ko naman sila masisisi dahil isa ngang kalaban si Wena.

"Hindi ako papayag na isasama natin siya." Ma autoridad na sabi ni Gabo.

"Pero-"

"Isa kang kalaban at pwedeng pwede mo kaming baliktarin."

"Pwede mukong bantayan kung gusto mo." sagot ni Wena.

Ngumiti ng mapait si Gabo at may kinuha na parang kadena. Lumapit ito kay Wena at pininulupot ito sa mag kabilang pulsuhan. Umuusok ito at batid kong nasasaktan si Wena.

"Maliit lang ang silver niyan kaya hindi ka masyadong masasaktan. Pero kapag may ginawa kang di maganda, tiyak na masasaktan ka."

Kahit labag sa loob ko ang ginawa ni Gabo ay wala akong choice, naaawa din ako kay Wena. Nauuna na silang mag lakad at kasama ko naman si Albert.

"Ayaw lang talaga ni Gabo sa mga bampira."

"Pero di naman kalaban si Wena."

"Kahit na, di pa naman tayo sigurado."

Malapit na kami sa boundary at alam kong nakikiramdam nanaman si Albert at Gabo. Pag pasok palang namin ng boundary ay may sumalubong na samin na mga lobo na sa tingin ko ay mga kasamahan nila Albert.

"Mamaya na natin pag usapan pag balik ko sa bahay pulungan." Rinig kong sabi ni Gabo sa mga lobong nasa harapan niya. Tumakbo naman sila paalis, sumunod sila sa sinabi ni Gabo. Sabagay pinuno siya, anuman ang sabihin at gawin niya ay yun ang  masusunod. Alam kong alam naman ni Gabo ang ginagawa niya pero labag  parin sa loob ko ang pag trato niya kay Wena.

.
.
.
.
.
.

[Wena POV]

Diko maiwasang isipin na buntis pala si Ms. Hevean. Nagagalak ako at the same time natatakot na baka anong mangyari sa kaniya at hindi ko siya ma proprotektahan katulad ng ipinangako ko kay Xyrus.

"Ayoko sa mga tahimik na babae." Rinig kong sabi ng lalaking lobo na naka hawak ngayon sa kadena mula sa kamay ko na animo'y isa akong priso.

"Ayoko sa mga madaldal na lalaki." sagot ko naman.

"Bakit sinabi ko bang gusto kita?"

Kumunot ang noo ko. Pinagsasasabi ba nito? Imbes na sagutin ay inirapan ko nalamang siya.

Hindi parin ako maka paniwala na buhay pa ang Reyna. Akala ko'y namatay na ito noon. At bakit siya naka kulong? Kinulong ba siya ng Hari, pero bakit? Alam ba ito ni Xyrus?

"Kahit kilala ka man ni Hevean o hindi ay hindi ka parin makaka alis sa tabi ko. Like you said kahit bantayan pa kita, so. . .  sabay tayong matutulog, kakain, at maliligo."


 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon