Chapter 26

263 2 0
                                    


Hevean POV

Agad akong umuwi sa bahay namin ni Zia at pumasok sa kwarto ko, humiga agad ako sa kama. Hindi ko alam kung saan nag punta si Zia dahil wala siya dito sa bahay.

Unti-unti nanamang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina, agad nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko.

Kung hindi iyon nangyari siguro buhay pa ang mga magulang ko.

'Sana kasama ko pa sila ngayon... hindi sana ako mag isa sa buhay... hindi sana ako nawalan ng mga magulang.'
Paulit ulit na sinasambit ng utak ko.

"Hinding- hindi ko siya mapapatawad."

Ang sakit isipin na ang taong mahal mo ang siyang dahilan kung bakit ka naulila.. kung bakit ka mag isa... kung bakit wala na ang mga taong mahal mo.

"Sana.. hindi ko n-nalang siya nakilala... sana hindi k-ko nalang siya minahal... sana... hindi nalang siya dumating sa buhay ko!!" Hinampas hampas ko ang unan at muli nanamang umiyak.

Andami kong gustong hilingin pero alam kung hindi na maibabalik ang mga magulang ko.

Kinuha ko ang litrato naming tatlo at niyakap ng mahigpit, ito nalang ang tanging litrato nila na meron ako. Ayokong mawala din ito kagaya nila, kung nakikita man nila ako ngayon, alam kung nasasaktan din sila kagaya ko.

Kung may hihilingin man ako ngayon, iyon ay sana pag gising ko mawala na ang sakit at sana hindi nalang siya dumating sa buhay ko.


>---------------------------------<

Xyrus POV

Nang lumabas siya ng mansion ay agad ko siyang sinundan, nandito ako sa labas at nakikita ko lamang siya mula sa bintana, umiiyak ito at nasasaktan akong makita siyang umiiyak ng dahil sakin. Nagagalit ako sa sarili ko, kasalanan ko ang lahat.

Kung hindi lang sana ako mahina noon......

"Pero ina paano ka?" nag aalalang tanong ko sa aking inang Reyna.

Nilusob kami ng mga lobo at mga itim na mangkukulam.. gusto nilang makuha ang trono ng amang hari kaya naman humantong ito sa madugong labanan. Unti-unti nang nababawasan ang mga kalahi ko dahil mas makapangyarihan ang mga itim na mangkukulam dahil may spell silang panlaban at makakapag hina sa amin. Dalawa at kalahating daang taong gulang pa lamang ako at kung ikukumpara sa tao ay kense anyos pa lamang ako. Hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko. Isa lamang akong mahinang bampira sa ngayon.

"Kailangan mong tumakas anak, wag mo akong alalahanin kaya ko ang sarili ko."

"Pero ina-"

"Tumakas kana Xyrus.... mahal na mahal kita, tandaan mong makinig ka lagi sa iyong ama."

Tumango ako at bago paman ako naka takbo ay agad na siyang sinugod ng mga lobo.

"Ina!!"

"Takbo Xyrus!!"

Naka tingin sa akin ang dalawang itim na lobo, naka ramdam ako ng takot kaya naman agad akong tumakbo.

Tumakbo ako ng mabilis, dahil isa akong bampira ay mas mabilis akong tumakbo kaysa sa mga lobo ngunit masyado pa akong mahina kaya naman naaabutan nila ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo, hindi ko rin makita ang mga lobo na kaninang humahabol sa akin.

Bigla akong huminto ngunit hindi ko namalayan na may sasakyan, nasa gitna pala ako ng daan. Napa tingin ako sa tatlong tao sakay ng kotse.. umiwas ako ngunit huli na ang lahat. Nabangga ang kotse sa malaking puno.

"Ma?? Pa??" Rinig ko ang boses ng babae sa loob. Amoy na amoy ko ang bango ng dugo nila. Sugatan sila at kailangan ko silang tulungan. Bago paman ako maka lapit sa sasakyan ay agad kong nakita ang dalawang lobo na papalapit.

Gusto ko silang tulungan ngunit nanganganib ang buhay ko.

Tumakbo akong muli... hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mas binilisan ko pa lalo at naka rating ako sa isang malawak na gubat.

"Xyrus!!" rinig ko ang tawag ng aking Inang Reyna sa aking isipan. Isa ito sa mga kapangyarihan ng mga bampira. Malapit lang siya kaya naman naririnig ko ang pag tawag nito sa aking isipan.

Wala nang mga lobo na sumusunod sa akin kaya naman sinundan ko kung saan nanggagaling ang tawag ng aking Ina. Nasa malapit lang ito.

"Ina?" Tawag ko.

"Xyrus..." Ramdam ko ang hirap ng pagtawag nito sa akin.

Nadatnan ko itong naka luhod at nakahawak ito sa kaniyang dibdib.

"Ina... okay kala-" Napa hinto ako nang makita ko ang pilak na punyal sa dibdib nito.

"Xyrus anak..."

Doon nalamang ako napa iyak. Lumapit ako at nanginginig na binunot ang punyal sa kaniyang dibdib. Napaso ang aking kamay ngunit hindi ko ito pinansin at ininda nalamang ang hapdi nito.

Ngumiti ito at hinawakan ang pisngi ko. Tumingin ako sa mga mata nito, ramdam kong hindi na mag tatagal ang ang ina. Pinahiran nito ang mga luha sa aking pisngi.

"Alagaan mo ang sarili mo Anak.. g-gusto kong....... maging.. m-ma.." hirap na hirap na ito. Mas Lalo akong napa iyak.

"malakas.... para maprotektahan mo.. ang mga mahal mo."

"Ina... wag mukong iiwan please..."

Niyakap ako nito, agad ko siyang niyakap pabalik ngunit nagulat ako ng bigla itong naglaho at naging abo.

Napa kuyom ako ng kamao at doon bumuhos ang galit at mga luha ko.

"Magbabayad sila Ina... MAGBABAYAD SILA!!"

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon