Chapter 2

554 14 0
                                    

"Muka bakong magnanakaw ha?"

Inirapan niya lang ako at dumiretso sa kusina. Naglakad nalang ako papunta sa kwarto. Inaantok nako, buti nalang sabado bukas wala akong trabaho hanggang linggo.

Nag half bath muna ako at nag toothbrush, pag tapos ko agad akong humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame. 10 years mula ng mamatay ang mga magulang ko. Pumikit ako para pigilan ang pag iyak. Pagod nakong umiyak, kahit anong iyak ko hindi na sila babalik sakin. Kasalanan ito ng taong iyon.


(10 years earlier)

New years eve.

Inilagay ko na sa ulo ko ang headband na binili namin kahapon ni mama. Pupunta kami ngayon sa bahay ni Tita Felia at Tito Lemuel para doon mag new year. Reunion daw nila mama at Tita, minsan lang daw sila magkita kaya pumayag si papa.

"Anak halika na, aalis na tayo" rinig kong tawag saakin ni mama.

"Opo andiyan napo." sagot ko at ngumiti muna sa salamin bago lumabas ng kwarto. Pag baba ko naabutan ko si mama at papa na masayang nag-uusap. Ang sweet talaga nila, sana maka hanap ako ng kagaya ni papa. 15 palang ako pero yun na nasa isip ko. Umiling-iling ako at masayang lumapit sa kanila.

"My baby girl." agad na salubong saakin ni papa.

"I'm not a baby anymore pa," Agad na sabi ko. Ngumiti naman ito at hinalikan ako sa noo.

"That's not fair. Your still my baby. Period." Napatawa kami ni mama.

"Tama na yan. Tara na at baka gabihin tayo sa daan." Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni papa.

Masaya kaming nag kwekwentohan habang nasa byahe. Medyo malayo kasi sa city ang bahay ni Tita Felia kaya medyo matagal ang byahe namin.

"Naaalala pa kaya ako ni Ziana ma?" biglang tanong ko kay mama. Pinsan ko si Ziana at palagi kaming nag lalaro nung nagbabakasyon kami sa kanila.

"Of course anak. Matutuwa si Zia pag nakita ka niya ulit." Mas lalo akong natuwa dahil sa sinabi ni mama. Antagal na din nung huli kaming mag kita ni Ziana. I miss my bestfriend/cousin.

"Pwede naman tayo mag stay ng two weeks sa kanila, i don't have a work naman dahil 2 weeks ang ibinigay ni boss na bakasyon." saad ni papa.

"Really hon? That's good. Mas maraming time kami ni Felia para mag bonding." Natuwa narin si mama. Ngumiti lang si papa sa kanya.

I'm so excited na. I can't wait to-- napahinto ako nang may lumitaw na tao sa dadaanan namin.

"May tao!" agad na sabi ni mama at nag panic si papa. Agad kaming sumalpok sa malaking puno.

Napamulat ako ng mga mata habang hilong-hilo. Kumikirot na rin ang noo ko. Bumibigat din ang paghinga ko. Kinuha ko ang seat belt na naka suot saakin. Parang may tumutulo mula sa noo ko, hinawakan ko ito at nakita ang dugo sa kamay ko. Natakot nako at agad tumingin kila mama at papa.

Nakita ko sila mama at papa sa harapan at walang malay.
"Ma! Pa!" tawag ko sa kanila pero hindi sila gumagalaw. Hindi ko na napigilang umiyak.

"Ma!!! Wake up!!" niyuyugyog ko si mama pero hindi na talaga siya gumagalaw. Naka subsob ang ulo niya. Puno siya ng dugo at may mga bubog na naka baon sa muka niya.

Nilingon ko si papa sa driver seat. Ganun din si papa. "Pa?!! Pa! please wake up."

Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko. Bakit ayaw nilang gumising. Patay naba sila? Naka amoy ako na parang gasolina.

"H-hihingi ako ng t-tulong." nangiginig kong boses at pinihit ang pinto upang mabuksan. Maliit lang ang bukas kaya pinilit kong makalabas. Napa subsob pako sa sahig, nanghihina ang tuhod ko. Hindi ko masyadong maigalaw ang mga binti ko. Agad akong kumuha ng lakas at humawak sa kotse para maka tayo.

Iyak lang ako ng iyak. Kilangan kong humingi ng tulong. Agad akong naglakad, medyo natutumba pako pero wala akong pakialam.

"T-tulong!" sigaw ko. Tumingin-tingin ako sa paligid. Walang kabahayan, mga puno lang ang nakikita ko.

"Tulong!!" sigaw ko ulit. Medyo naka layo-layo nako sa kotse. Naalala ko ang cellphone ni mama na ibinigay kanina bago kami umalis sa bahay. Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at kinuha ang cellphone. Medyo nabasag ito pero gumagana parin.

Agad kong hinanap ang number ni Tita Felia at tinawagan. Nag ring naman kaagad. Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak.

["Hello?"] sagot ni Tita sa kabilang Linya.

"T-tita.. please... h-help us." agad na sabi ko. Nanginginig parin ang boses ko.

["Oh my god. Anong nang-yari? Nasaan kayo?"] bakas sa boses nito ang gulat.

Napahagulgol nako. "N-naaksidente kami Tita. Please help us... nandito kami sa magubat na lugar," agad na sabi ko. "Hindi gumagalaw si mama at papa Tita.. please hurry."

Narinig ko naman na tinawag niya si Tito Lemuel.

["Tatawag ako ng police at ambulansiya. Hintayin mo kami Heaven"] Natatarantang saad ni Tita Felia. Bakas din sa boses niya ang takot. Tumango-tango ako.

"O-op--" napahinto ako nang sumabog ang kotse namin.

Nabitawan ko ang cellphone at napa hawak sa bibig dahil sa gulat. Si mama at papa, nasa loob sila. Tuluyan na akong umiyak at napaluhod sa kalsada.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinahiran ang mga tumutulo kong luha. Parang kahapon lang ang mga nangyari. Hindi ko parin matanggap na wala na sila. Iniwan na nila ako. Pinikit ko ang mga mata, nakita ko ang muka nila mama at papa habang naka ngiti. Masaya na kaya sila kung nasaan sila ngayon? Pano naman ako?

Napamulat ulit ako ng mga mata at pinahiran nanaman ang mga luha. Pasado alas dose na pero di parin ako natutulog. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. Kung hindi dahil sa taong yun, buhay pa sana sila mama at papa ngayon. Masaya parin sana kami. Hindi sana ako nag kakaganito.

Kailangan ko nang mag pahinga.
Bago ako tuluyang makatulog parang may naramdaman akong may pumahid ng mga luha ko.

Alas nuebe na ako nagising at agad na bumaba papunta sa kusina. Medyo nagugutom na rin ako. Wala na si Zia, mukang pumasok na siya sa trabaho. Isang siyang manager ng isang malaking supermarket kaya kada linggo lang day off niya. Nakapag luto na pala siya.

Kumain nalang ako at agad naligo. Naglinis nalang muna ako ng bahay. Hati kami ni Zia ng binili namin ito. Ang dati naming bahay hindi ko na napupuntahan. Bumabalik lang ang mga ala-ala ko kapag pumupunta ako sa bahay nayun. Hindi ko naman magawang ibenta dahil pinaghirapan nila mama at papa na ipa tayo iyon.

Pasado ala una na ng hapon nang matapos ako sa pag lilinis. Busog pa naman ako kaya matutulog muna ako. Medyo kulang pako sa tulog.

Humiga ako sa couch at pinikit ang mga mata. Kapag dumating na si Zia alam kong gigisingin niya ako.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon