14

395 7 0
                                    

"Bumalik kana sa pinanggalingan mo tao," Ang kaninang nag alalang boses ay napalitan ng lamig.

"Xy---" Hindi ko na natapos ng mag salita ito ulit.

"Isa ka lamang hamak na tao, ginamit lang kita upang parausan at hindi kailan man kita minahal." Napa hinto ako sa sinabi niya. Hamak na tao? Parausan? Biglang gumuho ang mundo ko. Hindi, hindi totoo ang sinabi niya. Alam kong nag sisinungaling siya, hindi ganyan magsalita ang Xyrus na nakilala ko. Hindi ako pag sasalitaan ng ganyan ng taong mahal ko.

"Xyrus..." tawag ko sa kaniya. Bawiin niya ang sinabi niya. Hindi iyon totoo lahat, hindi ako parausan. Alam kong mahal niya ako.

"Umalis kana! Bago pa kita patayin."

~
~
~

Agad akong naka napa bangon, habol ang hininga ng tuluyan akong maka upo sa kama. Ang buong muka ko ay puno ng luha. Panaghinip lang ang lahat? Pero bakit parang totoo? Bakit parang totoong nangyari?

"Hey, are you okay? I'm here, hush now. Shhhh......" Naramdaman ko ang mainit na yakap nito saakin. Napahagulgol nalamang ako sa dibdib niya. Bakit parang ansakit? Ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa panaghinip ko.

"A-ansakit.." nanginginig kong boses. Patuloy parin ako nitong pinatahanan.

"Shh... it's okay, it's just a nightmare."

Kumalas ako ng yakap at mariin siyang tinitigan, ayokong mangyari ang panaghinip na iyon. Ayokong mawala saaakin si Xyrus.

"Hindi m-muko iiwan diba?" tanong ko sa kaniya. Nagulat pa ito sa tanong ko pero agad naman siyang ngumiti.

"I won't ever do that. I can't lost you Hevean always remember that," at muli niya nanaman akong niyakap.

Di kalaunan ay tumahan narin ako, gabi na rin pala at pasado alas sais na ng gabi. Mukang napa haba ang tulog ko. Nasa kusina kami ngayon at siya naman ang nag luluto habang naka upo lang ako at naka tingin sa kaniya. Na aamaze ako dahil magaling siyang mag luto, paano niya natutunang mag luto? Siguro talented lang talaga siya.

Napahawak ako sa tiyan ko dahil naaalala ko nanaman ang panaghinip ko kanina. Parang totoo talagang nangyari yun e' ramdam ko talaga ang pag himas ko ng tiyan sa panaghinip ko.

"Gutom kana ba?" Hindi ko napansin na naka lapit na pala saakin si Xyrus, ngumiti ako at tumango. Dahil siguro nakita niya akong naka himas sa tiyan ko.

"Don't worry anytime now maluluto na rin ang niluto ko." Hinalikan ako nito sa noo at bumalik sa niluluto niya. Di kalaunan ay kumain narin ako, niyayaya ko naman siyang kumain pero ayaw niya. Parang si Wena din, kapag niyayaya kong kumain e' ayaw. Ni hindi ko nga silang nakitang kumain, o baka naman kumain na sila kanina habang tulog ako? Siguro nga.

KINAUMAGAHAN hinatid ako ni Xyrus sa bahay, nag paalam na akong mag stastay na muna sa bahay dahil walang kasama si Zia at pumayag naman siya.

"Buti naman kung ganun, na miss kana ng hugasin dito sa bahay." pag mamaldita ni Zia, natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hugasin ba talaga?" panunukso ko. Alam ko na mimiss niya rin ako.

"Fine, oo miss kita happy?" Sabi na nga ba. Pa kipot pa talaga.

"I miss you more," agad ko siyang niyakap. Nandito kami ngayon si sofa habang nanunuod ng movie, linggo kasi ngayon kaya day off ni Zia. Namimiss ko na rin mag trabaho, one week din akong hindi nag trabaho.

"Alam mo ba nung wala ka rito e may parang may pabalik balik na nag lalakad sa kwarto mo." Pananakot nito.

"Baka naman anino ko yun at naiwan lang?" pagbibiro ko. Akala mo naman talaga maniniwala ako sa mga pinagsasabi niya. Mas nakakatakot' pa nga pag mumuka ni Zia kaysa sa multo.

"Basta sinasabi ko sayo, narinig ko talaga kapag gabi. Kaya nga hindi ako lumalabas ng kwarto ko e' baka may sumilip mula sa kwarto mo." Patuloy parin ito sa pananakot, parang nag taasan ang balahibo ko sa sinabi niya. Medyo natatakot ako sa multo kaya naman may naisip ako. Takte naman kasi, alam na alam niya talaga paano ako takutin!

"Diba sabi mo na miss mo ako? Dun kaya ako matulog sa kwarto mo mamaya?" At ngumiti ako ng malapad.

"At sino naman nag sabi na miss kita? At bakit ka matutulog sa kwarto ko? May kwarto ka naman e, dun ka matulog kasama nung multo dun." umusog ito palayo saakin. Kung hindi niya ako tinakot na may multo sa kwarto ko hindi ako magkakaganito.

"Dali na kasi Zi, miss na miss na kita alam mo yun?" Nag puppy eyes pako para naman effective.

"Pwes, hindi kita na miss. Punishment mo yan!" Tinalikuran ako nito at pumunta sa kusina. Hinabol ko ito.

"Sige na naman oh, promise magiging mabait ako, hindi kita guguluhin kapag tulog ka." Kainis talaga, kung di niya lang ako tinakot hindi sana ako makikiusap ng ganito.

"Sige na nga, basta ha saakin ang dalawang unan at isa lang sayo." At humalakhak ito ng pagkalakas lakas, alam niya talaga kung paano ako inisin. Ayaw ko talagang isang piraso lang ang unan, mas gusto kong dalawa o tatlo unan ko. Unfair niya!

Nang matapos kami ng hapunan ay agad kaming pumasok sa kwarto niya, ngayon lang ako ulit naka pasok sa kwarto niya. Inferness ang linis, hindi gaya ng kwarto ko masyadong makalat.

"Ohh, diyan ka sa kaliwa at dito ako sa kanan." inaayos nito ang medyo malaking higaan.

"Bakit ako sa kaliwa e malapit sa pinto?" reklamo ko. Namewang ito at tinaasan ako ng kilay.

"At bakit hindi aber? Ikaw na nga nakikitulog ikaw ba may ganang mag reklamo." pag mamaldita nito. Inirapan ko siya. Bago paman siya maka pag reklamo ay agad na akong nag dive sa kama at humiga sa kanang parte.

"Hoi! Dun ka, umusog ka dun." saway nito saakin pero hindi ako nakikinig. Bahala siya diyan. Tinulak-tulak niya ako pero hindi parin ako umaalis at nag kunwaring tulog. Akala niya ha! Saakin parin ang huling halakhak. BWAHAHAHAHAHAHHA

Walang nagawa si Zia at humiga nalang sa kabilang parte ng kama. Ayaw kong malapit sa pinto baka may pumasok tas uunahin akong hilahin, natatakot ako. Matatakutin pa naman ako. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok pero si Zia humihilik na. Kababaeng tao humihilik.

Pipikit na sana ako ng may narinig akong yapak mula sa kabilang kwarto. Nanindig ang balahibo ko, so totoo ang sinasabi ni Zia? May multo nga sa kwarto ko. Agad akong nag tago sa kumot. Natatakot akong bumalik sa kwarto ko. Mag palit nalang kami ni Zia ng kwarto. Bigla nanaman akong naka ramdam ng kalabog at pag sara ng pinto. Pati multo marunong na mag sarado ng pinto. Ibang klase!

Parang nawawalan ako ng hininga sa kumot. Kinuha ko ang kumot sa muka ko at huminga ng maayos parang na sosofocate ako.

Agad nanaman akong naka rinig ng yapak mula sa labas ng kwarto ni Zia. Hindi mag Kanda ugaga ang puso ko sa kaba.

'Diyos ko kayo napo ang bahala saakin, ayoko pa pong maka kita ng multo.'

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon