Chapter 33

261 3 0
                                    

"Nagbibiro lang  kayo diba Tita?" Natatawang tanong ko. Ito na nga sitwasyon ko nakukuha niya pang mag biro.

Seryoso parin ang muka niya pati ni Tito Lemuel, mukang hindi nga siya nag bibiro. Si Zia naman napatahimik lamang. Naniniwala sila sa mga ganun? Seryoso?

"Gagawa ako gamot upang bumalik ang mga alaala mo hija. Maiwan muna kita."

Tumingin ito kay Zia at tumango. Lumabas na sila ni Tito Lemuel at dalawa nalamang kami ni Zia ang naiwan. Naka upo ito paharap sa akin.

"Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko sa iyo ang lahat." Napa kunot noo ako sa expression ng muka niya. Ngayon lang siya naging mas seryoso, siyaka parang nag iba ata ang aura niya?

"Ano bang ibig mong sabihin Zi? Nalilito nako."

"Hindi tayo normal na tao Ven. Alam kong ayaw ni Tita Helen at Tito Vernardo na malaman mo ito ngunit. . . ."

Tahimik lamang akong nakikinig sa kaniya, naguguluhan ako sa sinabi niyang hindi kami normal na tao at bakit ayaw ni mama at papa na malaman ko?

". . kailangan ka namin, kailangan namin ng tulong mo. Mas malakas ka kaysa sa amin Hevean at tanging ikaw lamang ang makaka talo sa mga itim na mangkukulam."

Napalaki ang mata ko sa narinig. Anong itim na mangkukulam? At Ako ang makakatalo sa kanila? Ano ba talaga ang nangyayari? Jinojoke time lang ata ako ni Zia.

"Makinig ka sakin ng mabuti, sa susunod na araw ay magaganap na ang pag takip ng  buwan sa araw at yun ang sign upang mailabas mo na ang kapangyarihan mo."

Napa tawa ako ng mapait.
"Wag mo nga akong ginaganiyan Zi, alam ko jinojoke time mo lang ako."

Ni wala akong makita sa muka niya na nagbibiro ito.

"Bukas ng gabi, may magaganap na ritual upang mabuhay ang dugo ng  puting mangkukulam sa loob mo. Ayaw ni Tita Helen na malaman mo dahil ipinangako nilang kakalimutan na nila ang maging isang puting mangkukulam dahil ayaw nilang mapahamak ka, ngunit ang iyong ina ay ang natirirang bughaw na puting mangkukulam. Ngunit sa kasamaang palad ay wala na siya, ikaw nalamang ang tanging natitira na makakatulong sa amin at ikaw nalamang ang alas namin upang manalo sa papalapit na digmaan."

Hindi ko maipasok ng mabuti sa utak ko ang naririnig ko mula kay Zia. Totoo ba ang lahat ng ito? Isa akong mangkukulam? So kung totoo nga . . . totoo din na isang bampira ang lalaking iyon?

"Pero- wala akong alam sa mga ganito Zi. All this time itinago niyo ito sa akin? M-may kapangyarihan ka rin ba ng isang mangkukulam?"

Tumango ito at may kinuha na isang stick. Kulay puti ito at parang may mga ugat na naka pulupot. Umiilaw ang pinaka itaas ng stick at parang may nararamdaman akong may bumubuhay sa katawan ko na hindi ko maintindihan.

"Ito ang wand ni Tita Helen. Itinago ito ni Inang, ihahabilin ko ito sayo dahil ikaw ang taga pag mana nito."

Inilahad niya ito sa akin at nanginginig ang kamay kong kinuha ito mula sa kamay niya. Bigla itong umilaw ng tuluyan ko na itong mahawakan kaya naman nasilaw kami ni Zia. Naramdaman kong may mainit na kuryenteng dumaloy mula sa kamay ko papunta sa katawan ko.

"Tama nga si Inang, ikaw lamang ang makapag lalabas ng kapangyarihan nito." Nakangiting sambit niya.

Naka tingin lamang ako puting stick na hawak ko, hindi parin ako maka paniwala. Totoo ba talaga ito?

"Sambitin mo lamang ang katagang ito, Magia celare meum."

Tumango ako at ginaya ang sinambit ni Zia.

"Magia celare meum."

Laking gulat ko nang mawala ang stick na hawak ko. Saan na iyon nagpunta?

"Naging isa na kayo."

"Huh? Ano?"

Kinuha niya ang kanang kamay ko at pinakita ang pulsuhan ko, may lumabas na maliit na star at may dalawang pakpak sa magkabilang gilid nito. Teka kaylan pako nag ka tattoo? Umiilaw lamang ito at di kalaunan ay nawala na rin. Nakakamangha!

Ipinakita din ni Zia ang kaniyang kanang pulsuhan at meron din siya kagaya nang sa akin.

"Ang sinambit mo kanina ay upang maitago mo ang wand sa iyong katawan upang hindi ito mawala. Kapag gusto mo naman itong gamitin at lumabas sa katawan mo ito lamang ang iyong sasambitin . . . Mihi opus est magicae."

Tumango ako at tinandaan ang sinambit ni Zia. Kung puting mangkukulam kami e' di si Gaben din?

"Si Gabo katulad din ba natin?"

Umiling-iling siya at inirapan ako habang napangiti.

"Sabi ko na nga ba tatanungin mo yan. Katulad din natin siya ngunit kalahati nga lang."

Huh? kalahati? meron bang ganun?

"Anong kalahati lang?"

"Kalahating puting mangkukulam at kalahating lobo si Gabo."

Napalaki ang mata ko, lobo? Isa siyang lobo? As in Werewolf? Yung napapanuod ko sa tv?

"Katulad nung sa twilight?"

Tumawa si Zia at tumango.
"Oo ganun nga siyaka yung mga bampira na napapanuod mo ganun nga sila at ang ama ng dinadala mo siguro ganun din."

Napakagat ako ng labi, hindi talaga ako maka paniwala sa nalaman ko. Bampira, lobo at mangkukulam? Akala ko kwento-kwento lang ang mga ito pero totoo pala. Nagagalak ako at the same time natatakot. Naiimagine kong maka kita ng bampira at lobo parang nanginginig na ang tuhod ko. Napa lunok ako ng ilang beses. Parang ayoko na tuloy lumabas nang kwarto ko.

"Alam ko natatakot ka. Pero nandito kami para sayo Ven, tutulungan ka namin."

Tanging tango na nalamang ang naisagot ko. Niyakap ako ni Zia bago lumabas ng kwarto, alam kung gusto niya akong maka pag isip ng maayos. Nalilito parin ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko man lang naisip na isang bampira ang naka buntis sa akin. Hindi ko ba nahalata noon? At bakit niya kinuha ang mga alaala ko sa kaniya? Nagmahalan ba kaming dalawa? Feeling ko naman minahal ko siya dahil sa mga napapanghinipan ko, e' paano naman siya? minahal niya ba ako? Alam niya bang nabuntis niyako? Nasaan na kaya siya ngayon? Magkikita pa kaya ulit kami?

Andami kong tanong sa isip ko ngunit kahit isa ay hindi naman masagot-sagot. Bakit kaya itinago ni mama sa akin na isa siyang mangkukulam? Si papa ba isa ring mangkukulam? Bakit kinalimutan nilang maging isang mangkukulam? May kinalaman ba dito ang pagkamatay nila?

Napahilot ako sa sintido dahil andami kong naiisip. Biglang may naramdaman akong pintig mula sa puson ko. Napangiti ako at hinimas-himas ang puson ko, medyo lumaki na nga ito. Parang na eexcite na akong makita ang anak ko. Ang anak namin ni Xyrus. Sana bumalik na ang alaala ko, gusto ko nang maalala kung paano kami nagkakilala at kung anong mga nangyari sa amin.

Sana alam niyang pinagbubuntis ko ang anak namin. Sana. . . magkita kaming muli.

"Sana makilala mo siya anak."

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon