Chapter 29

268 3 0
                                    


Hevean POV

KINAUMAGAhan ay nag libot-libot kami ni Zia, nandito parin naman ang iilang relatives ni mama. Ang iba sa kanila ay hindi na rito naka tira, sabi ni tito mas daw ng mga ito sa syudad nalamang manirahan.

"Napapagod nako, upo muna tayo dun Zia." anyaya ko sa kaniya sabay turo sa malaking puno. Busy itong kumakain ng aratilis, hindi ko gusto ang lasa nito kaya naman ibinigay ko nalamang sa kaniya lahat. Bigay iyon ng kapitbahay nang dumaan kami sa kanila kanina, maliliit na bilog at kulay pink at red ang mga ito.

"Hindi pa nga tayo masyadong nakakapag laka-lakad pagod kana agad." reklamo niya.

"Sorry ha, kasalanan ko bang napapagod na ang mga paa ko?"

Inirapan ko ito. Hindi ito umimik at patuloy parin sa pag kain ng aratilis.

"Ang takaw mo!" Singhal ko.

"Ansarap kaya. Anyways. . . may palabas daw mamaya sa bayan nuod tayo?" Bigla akong ma excite sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Oo sabi ni Inang may pa singing contest daw." Niyugyug ko balikat niya at nag-tititili.

"Tara punta tayo. . . gusto ko ulit gumala sa bayan. Sobrang tagal na nung huling uwi ko dito."

"Mag paalam muna tayo kila Inang mamaya,"

Ngumiti ako.
"Sige ako na bahala mag paalam." Suhestion ko.

"Naka uwi kana pala Ziyang!" sigaw ng lalaking papalapit sa kinaroroonan namin. Nakapa kisig ng pangangatawan at pawisan itong lumapit sa amin kaya bakat na bakat sa t-shirt nitong basa ang naka tagong matigas na abs.

"Oi Gabo ikaw pala," Ani Zia.

"Si Gaben na to?" Turo ko kay Gabo kuno.

"Oo ako nga," ngumiti ito. Seryoso ba? Ibang iba na siya ngayon, nung huli ko siyang makita kalbo pa siya at laging sinisipon.

"Sure kabang ikaw si Gabo na sipunin?" tumawa sila ni Zia sa tanong ko.

"Oo siya nga, hindi na yan sipunin ngayon. Tingnan mo nga oh anlaki na ng katawan." tumango ako sa sinabi ni Zia. Andami ngang nag bago sa kaniya. Pati buhok nito ibang iba narin hindi na siya kalbo kagaya dati, ang gwapo niya tuloy tingnan, idagdag mo pa ang malaking pangangatawan niya.

"Ang pogi mo na ngayon ah," biro ko.

"Maganda kaparin naman." balik na puri ko.

Kita ko ang pagpipigil na tawa ni Zia. Kinikilig ang baliw.

"Nako! So ako lang pala dito ang hindi gumanda ganun ba?" Singhal ni Zia.

Nag sitawanan naman kami dahil sa sinabi nito. Sira ulo talaga! Maganda din naman siya, tumaba nga lang dahil sa kakakain.

"Siya nga pala Gabo, pupunta kaba mamaya sa bayan?"

Gusto ko talaga pumunta doon mamaya kaso baka di kami payagan dahil wala kaming kasama ni Zia.

"Bakit pupunta ba kayo?"

Tumango ako bilang sagot.
"Kaso. . . wala kaming kasama 'e baka di kami payagan, hihi."

"Sige, sasamahan ko kayo mamaya."

Ngumiti at tumili kaming dalawa ni Zia.
"Talaga?"

"Oo naman, siyaka baka ano pang mangyari sa inyo roon, mas mabuti nang may kasama kayo."

"Sabi mo yan Gabo ha! Pag ikaw talaga di sumama mamaya. . . itatali kita dito sa puno na to." pagbabanta ni Zia.

"Hindi ka parin nagbabago Ziyang, mapanakit ka parin." natatawang sabi niya.

"Che!!"

Tawang tawa ako sa kanilang dalawa. Para silang aso't pusa na nag babangayan. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Nagugutom nako, uwi muna tayo Zia." Yaya ko sa kaniya.

Ang bilis ko na ngang mapagod, mabilis pakong magutom.

"Hatid ko na kayo," Pag presinta ni Gaben.

Tumayo na si Zia at nauna nang maglakad.
"Tara na, nagugutom narin ako."

Basta pag kain talaga ang pag usapan hindi mag papatalo si Zia. Antakaw niya talaga!

"Hanggang kailan kayo dito Ven²?"

Napangiti ako sa pag tawag nito sa palayaw ko.

"Diko nga rin alam, ang sabi lang sa akin ni Zia mag dala lang daw ako ng maraming damit." natatawang sabi ko.

"Sana matagal pa kayo dito, gusto pa kitang ipasyal lalo na sa mga pinupuntahan natin dati."

Naalala ko, siya ang lagi kong kasama kapag tatakas ako para gumala kung saan-saan dati. Hindi namin iniinda ang init at ulan noon kaya lagi akong nag kakasakit kapag umuuwi kami sa syudad galing dito.

"Sabi ni Tito delikado daw. . . baka pagalitan ako, siyaka natatakot ako dun sa malaking aso na nakita ko kahapon."

Bigla itong huminto sa pag lalakad at tumingin sa akin.

"Saan at kailan mo nakita?" Seryoso na ang expresyon ng muka niya. Nagtaka tuloy ako dahil sa biglang pag bago expresyon niya.

"Kahapon ng hapon? Sabi ni Tita mabait naman daw-"

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang magsalita ulit siya.

"Sige una nako, may gagawin pa pala ako. Ingat kayo pauwi Ven². Mauna nako Ziyang!" paalam niya at agad siyang naglakad paalis.

Anong nangyari dun?

"Ohh bat umalis yun?" Takang tanong ni Zia.

"Ewan, diko nga rin alam 'e, sabi niya may gagawin pa daw siya." Tumango nalamang si Zia, naka tingin lang kami sa likuran ni Gabo na papalayo. Bumuntong hininga nalamang ako at binilisan ang paglalakad pabalik sa bahay nila Zia.

Nang makarating kami sa bahay nila Tito at agad kaming kumain. Mas marami pa yatang nakain si Zia kaysa sa akin. Takaw!

"Tito Lemuel mag papaalam sana ako." Pag putol ko ng katahimikan.

"Gagala po sana kami mamaya sa bayan, may gaganapin daw na singing contest at gusto sana naming pumunta ni Zia. Pwede po ba?" paalam ko.

Tumingin ito kay Tita Felia at tanging tango nalamang ang sagot nito.

"May kasama ba kayong pupunta roon?"

"Sasama daw si Gabo sa amin mamaya Itang," sagot naman ni Zia.

"Oh siya sige, basta mag iingat kayo doon at wag masyadong magpagabi pauwi."

"Opo," nakangiting sagot namin ni Zia.

Pagtapos naming kumain ay hinila ko agad si Zia papasok ng kwarto ko.

"Aray ko naman! Dahan-dahan naman Ven, siyaka kakatapos lang natin kumain." reklamo nito. Kanina pato reklamo ng reklamo. Sarap batukan!

"Ang tagal mo kasi kumain siyaka ang bagal mong maglakad, para kang may dalang isang sakong bigas." Singhal ko. Inirapan lang ako nito at umupo ito sa kama.

"Bakit ba?"

"Paano natin sasabihin kila Tita ang tungkol dito?"

Pagturo ko sa puson kong medyo lumalaki na. Hindi ko nga rin alam kung bakit ang bilis lumaki ng puson ko. Hindi naman siguro to dahil sa kakakain ko o pag inom ng tubig.

"Oo nga pala. So anong plano natin?"

"Yun na nga e, paano kung magalit sila sakin, sayo? Baka mawalan na sila ng tiwala sakin."

Ilang beses kong pinag isipan kong paano ko sasabihin kila Tito at Tita tungkol sa pag bubuntis ko. Baka isipin nilang disgrasyada akong babae.

"Ipalaglag nalang kaya natin ang bata."

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon