Chapter 39

265 3 0
                                    


(Third Person POV)

"Hanggang kailan kami maghihintay? Nalalapit na ang pulang buwan at kailangan na silang maikasal!" Bulyaw ng isang lalaking bampira sa Pure Blood King.

Ang Vamos Clan ay ang pangalawa sa pinaka malakas na bampira, kinagat lamang sila ng mga pure blood vampire at katumbas na nila ang lakas ng isang pure blood maliban sa mga itinataglay na kapangyarihan ng mga pure blooded vampires.

"Huwag kang mag alala, sa susunod na araw ay idaraos na ang kasal na inaasam ng anak mo, kailangan ko lang ng kaunting pang panahon." Matalim ang tingin ng Hari sa lalaking kaharap. Kung hindi niya lamang ito kailangan ay baka napatay niya na ito.

"Tuparin mo ang pinag usapan natin dahil kung hindi. . . . hindi mo na makikitang buhay ang mga kalahi mo."

"Mag dahan-dahan ka sa mga pananalita mo, baka nakakalimutan mong Hari ang kausap mo at hindi isang hamak na bampira lamang."

"Hindi ko nakakalimutan. . . baka ikaw ang may nakakalimutan? Wala ka sa posisyon mo ngayon kung hindi dahil sa akin, tandaan mo yan mahal na hari." Mahina ngunit may diing sambit ng lalaki bago ito tuluyang umalis.

Napakuyom nang kamao ang Hari dahil sa galit.

Agad niyang inutusan ang mga kawal na hanapin at dalhin sa kaniya si Xyrus. Ipinagutos na ring hanapin ang taong mahalaga kay Xyrus dahil gagamitin niya ito upang pumayag ang prinsipe sa kaniyang nais.

Sa kabilang banda, narinig lahat ni Wena ang mga pinag usapan ng Hari at ang Pinuno ng Vamos Clan. Nagmadali itong lumabas ng silid at tinungo ang kulungan kung nasaan ang kapatid. Naabutan niya itong naka upo sa gilid at tahimik na nag iisip. Naramdaman nito ang presensya niya at agad siya nitong nilapitan.

"Anong balita?"

"Marami. Nakita ko na si Ms. Hevean at may narinig ako mula sa pag uusap ng mahal na Hari at ang pinuno ng Vamos Clan." Agad nitong sabi sa kapatid.

"Kamusta si Ms. Hevean?"

"Maayos naman siya, nakakatuwa dahil mag kakaroon na sila ng anak ng mahal na prinsipe. At nalaman ko rin na isang puting mangkukulam pala si Ms. Hevean."

Napatahimik ang kapatid at nagulat sa sinabi ni Wena.

"Anak? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nito.

"Ipinagdadala ni Ms. Hevean ang anak nila ni Prinsipe Xyrus, kapag nalaman niya ito tiyak na matutuwa iyo-" naputol ang iba pang sasabihin ni Wena nang mag salita ang kapatid.

"Isisilang ang bagong itinakda sa ilalim ng pulang buwan. .  .  ang magiging tulay upang pag bubuklurin ang anim na lahi. Mangyayari na ang naka sulat sa propesiya."

Napakunot ang noo ni Wena sa sinabi ng kapatid.

"Propesiya?"

[Hevean POV]

KINAUMAGAhan ay maaga akong nagising para sumama kila Zia, manunuod ako sa pagsasanay nila.

Napa hawak ako sa tiyan ko, pabilis ng pabilis ang pag laki ng tiyan ko. Hindi ko alam kong normal lang ba 'to o sadyang ganito talaga kapag bampira ang ama ng dinadala ko. Hindi naman ako sigurado kung bampira nga ang magiging anak ko dahil isa akong puting mangkukulam, maaring maging half vampire at haft witch o pure vampire o pure witch ang anak ko.

"Ayos kalang?" hinawakan ako ni Zia sa balikat at inalalayan akong maglakad. Tumango ako at binigyan siya ng ngiti.

"Oo naman no, keribels." Natatawang sabi ko. Napangiti naman ito at inirapan ako.

"Wala kang choice, panindigan mo yan. . .  ginawa-gawa mo yan tapos  dimo kakayanin? Nag pa sarap ka tas dika mag hihirap?" Tumawa ako sa sinabi nito, kahit kailan talaga napaka harsh nang bunganga ng babaeng 'to.

"Hoi tumahimik ka nga! May mga bata oh, siyaka baka may maka rinig sayo."

"Eh ano naman? Totoo naman yung mga sinabi k-"

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Marami nang nagsasanay ng dumating kami ni Zia, karamihan ay mga bata at mga teenager, sabagay kailangan din nilang mag sanay, walang pinipili ang mga itim na lobo at itim na mangkukulam ng papatayin. Kailangan matatag ang loob mo kapag kaharap mo sila, papatayin mo ikaw ang papatayin nila, yun ang sinabi ni Gabo sa akin. Ayokong may digmaan na magaganap pero wala akong magagawa, naka tadhana na talaga sigurong mag away-away ang itim at ang puti. Sana kapag dumating ang araw na iyon sana manalo kami, ayokong may mawala kahit isa sa mga mahal ko. Natatakot  akong mawala silang lahat sa akin.

Diko namalayan na napa luha na pala ako. Agad kong pinunasan ito at tumalikod para pinunasan ang mga natirirang luha sa mata ko, ayokong makita nila akong umiiyak, ayokong makita ako ng ibang nandito na umiiyak, baka isipin nila na mahina ako at natatakot.

"Oi Ven ayos kalang?"

Ngumiti ako at hinarap si Gabo.
"Ahh....o-oo ayos l-lang ako." Kumunot ang noo nito habang mariin na naka tingin sa mga mata ko.

"Umiyak kaba?"

Agad akong nataranta at nag isip ng palusot. Kainis naman paano niya nahalata?

"Ah h-hindi. . . napuwing lang ako maalikabok kasi dito." Palusot ko. Tumango-tango ito at tumingin-tingin sa paligid.

"Sabagay mukang tama ka, sige na umuwi kana muna at mag pahinga. Ihahatid na kita."

"Wag na ayos lang, kaya ko naman e siyaka kailangan ka rito."

Bumuntong hininga ito at tumango.
"Sige ipapahatid nalang kita kay Albert." Agad niyang tinawag si Albert. Napa tingin naman sa akin si Zia, ang tingin na parang nag tatanong kung bakit tinawag si Albert.

"Ipapahatid ko muna si Ven²!." Sigaw ni Gabo kay Zia, medyo malayo kasi ito dahil tinuturuan niya ang mga bata na gumamit ng mahika. Tumango naman ito at parang may sinabi, agad ko namang nabasa ang mga sinambit nito.

'ingat ka'

Agad akong tumango at nag lakad paalis.

Nang maka layo na kami ay biglang nag salita si Albert.
"Sa tingin mo ba may pag asa ako sa kaibigan mo?"

Natawa ako sa tanong nito pero mukang seryoso nga siya sa tanong niya.

"Depende pero ramdam ko naman na pareho lang kayo ng nararamdaman sa isa't isa."

Huminga ito ng malalim at yumuko.
"Pero mag-kaiba ang lahi namin, maraming pwedeng humadlang."

Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Tama siya pero it doesn't matter, kung nag mamahalan talaga sila, pareho nilang malalampasan ang lahat ng balakid na nag hihintay sa kanila.

"Ang maipapayo ko lang sayo Albert, chose your heart. Kung ano ba ang nararamdaman mo para sa kaibigan ko, alam ko kung gaano kahirap ang mag ka iba ng lahi pero who knows? Love is not all about same breed or what, love is for the someone you want to be with forever."

"I badly want to be with her, the first time I saw her alam kong siya na ang hinihintay ko. I like her. . . no. . . I mean I love her."

Napangiti ako sa sinabi nito. Kinilig tuloy ako, parang ako yung na eexcite sa love story nila ng kaibigan ko. Nakikita ko naman kung gaano kasaya si Zia pag kasama niya si Albert. Nagagalak ako para sa kaibigan ko and at last nahanap niya na ang taong mag papahalaga at mag mamahal sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla akong hapitin ni Albert at inilagay ako sa likuran niya, parang may nararamdaman itong kalaban sa malapit. Naka ramdam agad ako ng takot at kaba lalo na sa dinadala ko.

Nakaamoy ako ng napakabahong amoy, katulad ng naamoy ko noong pumunta kami sa bayan. Naka rinig kami ng ungol ng aso na sa tingin ko ay ungol na nanggagaling sa kalaban.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon