Chapter 32

258 4 0
                                    


[Hevean POV]

"Pano mo nalaman ang pangalan nun?" Takang tanong ko sa kaniya. Imbes na sagutin ako ay ngumiti lamang siya ng malapad at umiwas ng tingin.

"Hoi sagutin muko Zia."

"Basta it's a secret nalang muna." Kinikilig na sabi niya. Bumuntong hininga ako at inirapan nalamang siya. Kainis naman ang babaeng to may pa sekret pa akala mo naman napaka laking sekreto ang lalaking yun.

Nag tatakip parin ako ng ilong dahil sa baho na naamoy ko mula kay Zia, diko alam nararamdaman ko para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Dahil ba ito sa pag bubuntis ko?

Nang maka rating kami ng bahay ay agad akong nag paalam kay Gaben at dali-daling pumasok ng banyo. Dumuwal ako maliit na lababo at agad kong nilinisan ang bibig. Hindi rin ako maka hinga ng maayos. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, ganito ba talaga pag buntis?

Pumasok na ako ng kwarto ko at humiga sa kama. Tinatamad na akong magbihis, bukas nalang siguro. Gusto ko nang magpahinga at matulog.

Pipikit na sana ako nang maramdaman ko ang tiyan ko, para itong pinipiga kaya naman hinawakan ko ito at mariin na hinimas-himas.

"Ah!! Ansakit!!" sigaw ko. Nag papawis ako dahil sa sakit na nararamdaman. Ano ba to bakit ansakit?

"Ven? Anong nangyari?" Nag papanic na tanong ni Zia ng maka pasok sa kwarto ko. Narinig siguro nito ang pag sigaw ko.

"Zi... ah!! Yung tiyan ko ansakit!!" Napapangiwi ako dahil sa pabigla-biglang sakit.

Nag papanic itong lumapit sa akin.

"Bakit biglang lumaki ang tiyan mo? Sandali. . . h-hihingi ako ng tulong. Tatawagin ko sila Inang at Itang." Natataranta itong lumabas ng kwarto.

Nahihirapan na akong huminga at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano ba ang nangyayari sakin? Bakit ganito? Mamatay na ba ako?

Nandidilim na ang paningin ko. Ito naba ang katapusan ko? Hindi. . . wag mo muna akong kunin Lord, kailangan ko pang malaman kung sino ang tatay ng anak ko. Kailangan ko pang mabuhay para sa magiging anak ko. Nahihirapan na talaga akong huminga at di kalaunan ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

>>>>>>>

"Hindi kita mahal! Ginamit lang kita!" Sigaw ng isang lalaki sa akin. Hindi ko makita ang muka niya ngunit naririnig ko ang baritong boses at nakikita ko ang makisig na pangangatawan nito.

"Bakit?" Tanong ko kahit hindi ko naman alam kung sino ang lalaking kaharap ko. Pero bakit kumikirot ang puso ko? Bakit parang nasasaktan ako sa sinabi niya?

"Dahil. . . may mahal na akong iba! Pinatay ko ang mga magulang mo, papatayin ko rin ang anak mo!" May diin na sabi niya.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko. Bakit niya sinasabi sakin iyon? Anong ibig niyang sabihin na pinatay niya ang mga magulang ko? At bakit papatayin niya ang anak ko? Sino ba siya?

"Bakit Xyrus?!" Sambit ko kahit hindi ko alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko. Parang may tumutulak sa akin na sabihin ang mga salitang iyon.

Xyrus?

He's name is Familiar, parang narinig ko na ito at bakit parang kilalang kilala ko ang pangalan niya? At paano ko nalaman ang pangalan niya?

"I don't want to see you ever again." Ramdam ko ang sakit habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

Ano bang nagawa ko sa kaniya? Bakit ayaw niya sakin? May ginawa bakong mali? Nalilito ako at the same time nasasaktan.

"Paano kami ng anak mo? Iiwan mo kami? Bakit Xyrus? Bakit muko iiwan? Bakit hindi mo nako mahal?" Sunod-sunod kong tanong sa lalaki. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Hindi ko alam ang sinasabi ko. Kusa nalamang itong lumalabas sa bibig ko.

Naka tayo lamang siya sa harapan ko, hindi ko talaga makita ang muka niya.
Siya ba talaga ang tatay ng pinagbubuntis ko? Pero bakit hindi ko siya maalala?

"Maha-"

"ANO?!"

Nagising ako dahil sa biglang pag sigaw ng kung sino sa paligid ko. Pinilit kong binuksan ang mga mata at umungos dahil sa pananakit ng katawan.

"Gising na siya."

Agad akong nilapitan ni Zia at Tita Felia.

"May masakit ba sayo Ven? Pinag-alala muko." Naiiyak na sabi niya habang mahigpit na naka hawak sa kaliwang kamay ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo hija? Mabuti at gising kana, tatlong oras kang walang malay." Ani Tita Felia.

Nanunuyot ang lalamunan ko, imbes na sumagot ay itinuro ko ang isang basong tubig sa ibabaw ng maliit na mesa. Agad naman itong kinuha ni Zia at pina-inom sa akin.

Nang sawakas ay nahimasmasan ang lalamunan ko siyaka ako nag salita.

"A-ayos lang po ako. Medyo sumasakit lang po ang katawan ko."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita Fe.

"May gusto ka bang sabihin sa amin?" Mahinahong tanong ni Tita Fe. Alam ko na ang tinutukoy niya.

Napababa ako ng tingin ay napa kagat ng labi.

"B-buntis po ako. . . at hindi ko po alam kung sino ang ama ng pinag bubuntis ko." Tuluyan na akong napaiyak.

Xyrus. . . .

Biglang sambit ng isip ko. Yung napanaghinipan ko. . . totoo bang siya ang ama ng nasa sinapupunan ko? Siya nga ba?

"Shhhh. . . wag kamunang umiyak hija at baka mapano ka ulit. Hindi kami galit sa iyo, susuportahan ka namin."

"Xyrus. . . " Pabulong na sambit ko.

Biglang napatahimik si Tita Fe sa sinabi ko.

"Ano?"

"Naalala kong Xyrus ang pangalan niya. Ang ama ng dinadala ko."

Tumango ito at muli nanamang nagsalita.

"Ilang buwan naba ang ipinagbubuntis mo hija?"

Hindi ko matandaan pero nag umpisa akong magsuka three weeks ago.

"Mag-aapat na linggo palamang po."

Napatingin si Tita Fe kay Tito Lemuel.
Parang may nararamdaman akong mali sa tingin ni Tita Fe. Bumalik ang tingin nito sa akin at sa tiyan ko.

"Pang tatlong buwan na ang nasa sinapupunan mo hija."

Napa kunot ang noo ko sa sinabi nito. Tatlong buwan? Anong-

Nagulat ako nang maramdaman ng palad ko ang malaking umbok nang puson ko. Bakit lumaki agad ang tiyan ko? Paanong nangyari yun?

"B-bakit? Paano?" Nalilitong tanong ko.

"Isa lamang ang ibig sabihin nito. Isang bampira ang ama ng 'yong dindala hija. At mukang hindi lang siya hamak na bampira lamang kundi isang dugong bughaw na bampira."

Nagtinginan kami ni Zia.

"Bampira?"

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon