Chapter 45

209 3 0
                                    

[Xyrus POV]

Hinaplos ko ang malambot at madulas nitong buhok. Mahimbing itong natutulog kasama ng aming anak. Napangiti ako at hinayaan silang matulog. Ilang linggo lang ako sa portal pero parang ilang daang taon ang naka lipas kapag hindi ko siya nakikita. Sa ilang linggo na i‘yon ay maraming nangyari.

Bumuntong hininga ako at lumabas ng silid. Nakita ko si Wena na humahangos patungo sa kinaroroonan ko.

“Mahal na prinsipe, ang iyong ina.” Sambit nito.

“Anong balita?”

“Papatayin na siya ng iyong ama, narinig ko mula sa mga kawal na bukas ng gabi nila ito gaganapin, sa likod ng palasyo kasama ng ibang mga mangkukulam. Gustong makuha ng hari ang lahat ng mga kapangyarihan nila.”

Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng aking ama. Hindi na siya ang Hari na nakilala ko noon, Isa na siyang sakim!

“Anong plano mo?” Malamig na boses ng isang lalaki. Madilim itong naka titig sa akin. Sa pagkakaalam ko, siya ang kaibigan ni Hevean at Zia, at siya ang pinuno ng hukbo ng mga lobo.

“Matutulungan mo ba ako?” Hindi ko alam kong saan nanggaling ang mga salitang iyon, pero kailangan ko ng tulong upang mailigtas ko ang aking ina.

Tumango ito at tinalikuran ako.
“Kailangan nating mag plano, ayokong mabawasang muli ang mga kalahi ko.”

Sumunod ako sa kaniya at doon kami nag usap sa malaking lamesa kasama ng iba pang mga lobo, kasama si Zia at Wena.

“Mas mabuting paikutan natin ang palasyo. Ang mauunang lumusob ay ang mga malakas at mabagsik pag dating sa labanan. Kapag babawasan at papatayin natin ang iba sa kanila ay mas may pag asa tayong maka uwi ng hindi nababawasan.”

“Iilan lang ang magagaling sa ating hukbo, pinuno.” Saad ng isang lalaki na sa tingin ko ay kanang kamay niya.

“Ito na ang magiging laban natin, mas maaga. . . mas maganda. Kapag pinatagal natin ang laban ay mas may pag asa silang manalo.”

“Paano?”

“Bawat araw ay maraming umaanib sa kanila, sa atin ay wala.”

Napatango kami sa sinabi nito. Tama siya, nag hahanap ng kakampi ang aking ama. Alam niyang hindi, basta-basta ang mga lobong naririto.

“Tatlong hukbo ang gagawin namin, ang isa ay sa kaliwang parte, dito kayo Berto.” sabay turo nito sa kabilang gilid ng mapa ng palasyo. “Dito naman tayo at dito ang isa pang hukbo.”

Umayon ako sa plano nito.

“Ako naman ay papakawalan ko ang natitirang mga bilanggo. Magiging kaanib natin sila.” Saad ni Wena. Tumango naman ako bilang sang ayon. Seryoso namang naka tingin sa kaniya ang lalaking pinuno ng mga lobo.

Nang matapos ang pag uusap ay agad akong bumalik sa silid na kung saan ang mag-ina ko.

“Ang cute talaga ng anak ko. Bakit parang ang bilis mo namang lumaki anak? Wala nang baby si mama kapag lumaki kana.”

Napangiti ako sa narinig.
“Ganun talaga kapag isang bampira.” Sabi ko at lumapit sa kanila. Hinalikan ko ito sa labi at sa noo.

“Ganun? Kaya ba parang isang taon na ang laki niya? Wala pang isang linggo mula ng ipanganak ko siya Xyrus.” Parang maluluha ito.

Niyakap ko ito at muling hinagkan.
“Wala akong kontrol sa ganiyang sitwasyon pero mas nakakabuti iyon para sa kaniya. Wag kang umiyak baby, okay? I love both of you.”

Tumango ito.
“I love you too.”

“Ano nga pala ang pinag usapan niyo?” pag uusisa nito.

Itinapat ko ang aking palad sa bibig ng aking anak at agad niya nitong kinagat at sinipsip ang dugo ko.

Nagulat si Hevean sa nangyari.
“Anong ginagawa mo!” galit na sigaw niya. Kita ko ang takot sa muka nito.

Hindi ko pa pala nasabi sa kaniya ang tungkol dito. Imbes na dugo ng hayop ay dugo ko ang ipinaiinom ko. Mas magiging malakas siya kapag dugo ko ang iniinom niya.

“Mas magiging malakas ang anak natin, mahal ko. Ayaw mo bang kasing lakas ko ang anak natin?”

Nalilito itong pinanliitan ako ng mata.
“Kapag dugo ko ang iniinom ng anak natin ay magiging malakas siya at magkakaroon siya ng kapangyarihan ng kagaya sa akin. Ayokong maging mahina siya pag dating ng panahon.”

Wala itong nagawa kundi tingnan ang anak naming patuloy sa pag inom ng dugo mula sa kamay ko.

“Paano ka? Baka maubusan ka ng dugo.” nag aalalang sabi niya.

Tumawa ako ng mahina at pinisil ang tungkli ng ilong nito.
“Kaunti lamang ang naiinom ng anak natin, tungkol nga pala sa pinag-usapan namin kanina. I need to rescue my mother. Bukas ng gabi ay lulusob kami sa palasyo, hindi ko alam kung makakabalik kami kaagad pero ang gusto ko lang ay alagaan mo ang anak natin, at mag iingat kayo.” Kita ko ang lungkot sa mga mata nito, para ang anak namin ay napahinto sa pag sipsip ng dugo, marahil ay naiintindihan niya ang mga sinabi ko.

“This is not the last that we can see each other again, I promise.”

“P-please bumalik ka, bumalik kayo ng buhay.”

Tumango ako at niyakap sila ng mahigpit.

“Pangako mahal ko.”

PAG sapit ng gabi ay agad kaming pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto, kita ko ang napakaraming kawal sa bawat sulok ng palasyo.

“Kaya mo bang patayin lahat?” Tanong ni Gabo, nalaman ko ang pangalan nito kanina.

“I can.” sagot ko.

“Paramihan?” Paghahamon nito.

“You already lose, hindi ka kasing bilis kagaya ko.”

“Wala ka namang pangil na kasing laki na meron ako.” balik na sagot nito.

“Ano ba kayong dalawa, nasa kalagitnaan na nga tayo ng paglusob nag aaway pa kayo.” Zia said.

“Aalis na din ako. Magkita tayo sa likod ng palasyo mamaya. Mag iingat kayo.” Saad naman ni Wena. Akmang aalis na ito ng pigilan siya ni Gabo.

Napataas naman ang kilay ko. Something else is happening between them.

“Mag iingat ka.” – Gabo

Tumango naman si Wena, umalis na ito at bumalik naman si Gabo sa tabi ko.

“Mag handa kayo, lulusob na tayo.” Saad nito.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon