[Xyrus POV]Nang maka rating ako sa gubat ay biglang sumulpot ang babaeng pinaka ayoko sa lahat, ang anak ng leader ng vamos clan. Maimtim itong naka titig sa akin na animo'y gusto nitong kitilin ang buhay ko. Ngumisi ito at pulang pula ang mga mata. Para akong hinahamon nito sa isang laban.
"Ito ba ang gusto mong mangyari? Sa isang hamak na tao!?" Tumawa ito na parang baliw. "Hindi ako papayag na sa kaniya ka mapunta!! Mamatay muna siya bago ka niya makuha sakin Xyrus!" Sigaw nito. Agad nito akong sinugod, kahit ni isang atake nito ay hindi man lang ako tinatamaan, mas mabilis akong gumalaw kaysa sa kaniya. Kaya lahat ng atake nito ay naiilagan ko.
"Mas gugustohin ko pang magmahal ng isang hamak na tao, kaysa mag mahal ng isang katulad mo! At sinong nagsabi na hindi ka muna naging tao bago ka naging bampira? Kung tutu-o'sin hindi dapat kayo mabuhay, dapat kayong patayin upang wala nang mga sakim na bampira katulad mo at mga kalahi mo!"
Sinipa ko ito at tumilapon ito sa puno. Natumba ang puno kasabay ng basurang babae na'yon. How dare her to say those words. Wala siyang karapatan para sabihin ang mga salitang yun sa taong mahal ko. Isa lamang siyang basura at pinapangarap lang nitong umangat at mag pakasal sa katulad kong pure blooded vampire. As if naman na magugustohan ko ang isang tulad niya!
Lumapit ako sa kinaroroonan nito at agad na sinakal ito sa leeg. Nag pupumiglas ito ngunit hindi ito makawala. Sinusubukan nitong kalmutin ang mga braso ko. Inihagis ko ito at idiniin ang ulo sa lupa. Sinipa ako ito ngunit muli ko itong sinakal at idiniin sa puno.
"Bitawan muko! Papatayin ko ang babaeng yun! Bitawan muko!!" Hindi ito nakakaramdam ng pag ka wala ng hininga, ang tanging makakapatay lang sa isang bampira ay saksakin ito sa dibdib. Ngumisi ako at itinaas ang kanang kamay ko. Nanlaki ang mata nito nang itinapat ko ito sa dibdib niya.
"A-anong gagawin mo? Wag mong itutuloy yan! Pinapangako kong maghihiganti ang ama ko pag pinatay mo ako." Sabi nito. Tatakutin niya pa talaga ako? Akala niya ba ganun ako ka hina para harapin ang ama niya?
"Kayang-kaya kong ubusin ang lahi mo. Wag kang mag-alala, isusunod ko ang ama mo." Pag tapos kong sabihin i'yon ay agad kong sinaksak ito sa dibdib at tuluyan na itong naging abo.
Huminga ako ng malalim. Sa wakas at hindi na matutuloy ang kasal na pinapangarap niya.
Muli ko nanamang naamoy ang dugo ni Hevean. Saan ba nanggaling iyon? Mukang nasa malapit lang siya.
"Hevean!! Baby nasaan ka? Nandito nako! Hevean!!" Sigaw ko. Ngunit hindi ko narinig ang boses nito. Ginamit ko ang bilis ko upang libutin ang gubat ngunit hindi ko siya makita.
"Hevean!! Baby please nasaan ka?!" Naamoy ko nag dugo nito pero hindi ko alam kung nasaan siya.
"Xyrus. . . . " pabulong na boses nito. Rinig na rinig ko iyon dahil parang nasa tabi ko lang ito. Napa tingin ako sa malaking puno na nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko. Hindi kaya nasa loob siya ng malaking puno?
"Hevean?" Lumapit ako sa puno at tinawag ito. Rinig ko ang pag tibok ng puso nito mula sa loob.
Sinubukan kong suntukin ang puno ngunit tumilapon lamang ako. Parang may mahikang bumabalot sa puno upang hindi ito masira ng kahit sino.
"Xy. . . xyrus." Nahihirapang boses nito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Muli kong sinuntok ang puno ng ilang beses ngunit bumabalik lamang ang suntok ko kaya tumitilapon ako. Tumutulo ang luha ko habang patuloy na sinusuntok ang puno.
"Baby hold on, I will save you. Wait for me a little longer, please? Can you do that for me?" Pakiusap ko. Alam kong naririnig niya ako.
Huminga ako ng malalim at inilagay lahat ng lakas ko sa aking kamao at ilang beses na sinuntok ang puno, nakikita kong nag kakaroon ang crack ang shield na bumabalot dito kaya agad akong nag patuloy kahit dumurugo na ang aking mga kamao. Ramdam ko rin ang pang-hihina. Marahil ay hinigop ng puno ang lakas ko habang patuloy ko itong sinisira.
Nang sawakas ay nawala na ang mahika, sinuntok kong muli ang puno at nag karoon ito ng butas at nakita ko sa loob si Hevean na naka handusay sa sahig habang may kayakap na naka balot sa isang tela. Nagmadali akong lumapit sa kaniya. Mahina na ang pag tibok ng puso nito. Nag kalat rin ang dugo sa sahig. Anong nangyari rito? Wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa kaniya at-
Napa hinto ako ng makita ang isang maliit na muka na naka balot sa puting tela. Puno rin ng dugo ang tela. Nanginginig ang kamay ko ng hawiin ko ang tela at nakita ang isang pamilyar na muka. Isang sanggol at. . . . at kamukang kamuka ko ito.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. M-may anak ako. Kinuha ko ito at kinarga, hindi ko marinig ang pag tibok ng puso nito, marahil ay kumakalat ang venom ng isang pure blood sa buong katawan niya kaya pansamantala itong patay.
Tumingin ako kay Hevean at kinarga rin ito. Bitbit ko ang mag ina ko at dinala sila sa kinaroroonan ni Wena at Zia. May kasama na silang mga lobo at mga puting mangkukulam.
"Anong ginawa mo sa kaniya!" Bungad ng isang lalaki, amoy ko ang pagiging lobo nito. Madilim ko siyang tiningnan.
"Ihiga mo siya rito, marahil ay maraming dugo ang nawala sa kaniya." Saad ni Zia at may sinabing kung ano ay may bumabalot na mahika sa katawan ni Hevean, sa tingin ko ay ginagamot siya ni Zia.
Parang dinudurog ang puso ko habang nakikitang wala siyang malay at ganun ang sitwasyon niya. Nahuli ako ng dating, wala ako sa tabi niya habang nahihirapan siyang manganak sa anak namin. Wala ako sa tabi niya sa mga panahong dinadala niya mag isa ang anak namin. Kinuyom ko ang kamao at tiningnan ang anak ko. Karga ko parin ito at ramdam kong kumakalat sa katawan nito ang dugo ng isang bampira.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na buntis siya?" Malamig at galit kong tanong.
Yumuko si Wena at lumunok ng ilang beses bago sumagot. Marahil ay natakot dahil sa tono ng pananalita ko.
"P-patawad mahal na p-prinsipe, gustuhin ko mang sabihin sayo ng lumabas ka sa portal pero nakiusap si Ms. Hevean sa akin na wag sabihin sa iyo. Alam kong gusto niyang siya mismo ang mag sabi sa 'iyo tungkol sa anak ninyo." Paliwanag nito.
Huminga ako ng malalim at umupo at tinabihan ang pinakamamahal ko. Rinig ko na ang pag hinga ng anak namin. Ngumiti ako ng mag mulat ito ng mga mata pula ang kabilang mata nito at asul naman sa kabila, iginalaw nito ang kamay para abutin ang muka ko. Napakagat ako ng labi dahil nalulungkot akong makita na hindi parin nagigising ang ina ng anak ko. Naghihinayang na hindi niya nakita ang unang pag mulat ng anak namin.
"Wake up baby, our son wants to see you. Please. . . wake up." Hinalikan ko ang kamay nito. Umaasa akong magigising na siya. Umaasa akong sa wakas ay makakasama ko na ang mag ina ko.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...