10

425 9 0
                                    


Halos hindi ako maka lakad ng maayos dahil sa dala kong mga stuff toys. Kung kanina hindi makuha-kuha, ngayon naman daladalawa yung nakukuha, minsan nga tatlo tas apat, diko alam pero parang may kung ano sa claw na ginamit ni Xyrus. Hindi kaya dinaya niya? O baka naman gumamit siya ng pinag babawal na tiknik?

Nauna ng maglakad si Xyrus saakin, binigay niya saakin lahat ng nakuha niyang stuff toys. Sa dami ba naman nito baka mapupuno agad yung maliit kong kwarto. May nadadaanan akong mga bata kaya palihim kong binibigyan ng iilang stuff toy.

Hanggang sa lima nalang natira saakin. Okay lang naman, angsaya ko nga habang binibigay ang ibang stuff toys. Ang cucute din ng mga batang yun, kapag nagka anak na kaya ako ganun din ba sila ka cute? Pero sa tingin ko magiging cute naman talaga kasi mag mamana sila saakin. Napa hinto ako ng mabunggo ako sa isang matigas na dibdib. Antigas, parang gusto kong hawakan. De joke lang.

Napa angat ako ng tingin sa kanya, naka taas lang kilay nito habang naka tingin sa mga dala kong stuff toys.

"A-ahmm binigay k-ko kasi sa mga bata." Agad na paliwanag ko. Rinig ko ang pag buntong hininga nito.

"It is okay to you?" Tanong niya saakin. Agad akong tumango-tango.

"Oo naman, okay na okay sakin. Siyaka diko naman kailangan ng marami, okay na saakin to." sabay pakita ko ng iilang stuff toys. Mukang kumbinsido naman siya at hinawakan ako sa pulsuhan sabay hila niya saakin palabas ng mall at sumakay na kami sa kotse. Nasa back seat din ang mga pinamili namin kanina.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng buhayin niya na ang makina.

"In my house, you need to rest it's already 6 pm." Napa kunot noo nalamang ako. At bakit naman sa bahay niya ako mag papahinga? May bahay naman ako siyaka ang aga pa para matulog.

"Sa bahay namin ni Zia mo nalang ako ihatid," suhestiyon ko.

"No. Sa bahay kita matutulog. Aalis ako mamaya at mas gusto kong nasa bahay parin kita pagbalik ko."

Mukang seryoso nga siya. Ayaw ko makipag talo. Mahina ako pag dating sa pakikipag talo. Tumango nalang ako bilang pag-sang ayon. Tetext ko nalang si Zia na hindi ako makakauwi. Lagot ako Kay Zia panigurado.

Pag dating namin sa malapalasyo niyang bahay agad niya akong hinila papunta sa isang kwarto. Napaka laki ng kwartong ito, malaki pa ata to sa bahay namin.

"This is your room now."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, talaga? Saakin nato?

"A-ah ang laki naman nito,"

"It's okay as long as your safe here." Napa taas ang kilay ko. Safe? Ahmm bakit naman? May mangyayari ba sakin?

"Anong ibig mong sabihin?" agad na tanong ko.

"Nothing, if you need anything just call the servant. Aalis na muna ako,"
Bigla naman akong nalungkot, aalis na pala siya. Babalik naman siya kaagad diba?

"I will. Babalik ako, stay here for a while okay?"

Dahan dahan itong lumapit saakin habang naka tingin sa mga mata ko, hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at dahan dahang inilalapit ang muka niya, ang bilis ng tibok ng puso ko. Pumikit ako at naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa mga labi ko.

Gumalaw ang mga labi nito kaya sinabayan ko siya hanggang makapasok ang dila nito at ninamnam ang pinag sasaluhan naming halik. Dinadala ako ng mga labi niya sa kong saan, napakasarap nito, nararamdaman kong umiinit ang buong sistema ko. Siyaka ko lang napag tanto na naka higa na pala ako sa malambot na kama. Bumaba ang mga labi nito sa leeg ko, napa pikit ako dahil sa kiliti at init na dala nito.

Di kalaunan ay huminto ito at tumingin sa mga mata ko. Habol ang hininga ko habang naka tingin din sa mga mata niya. Muli ako nitong hinalikan sa labi ngunit mabilis lang iyon. Tumayo na ito at tumalikod saakin.

"I'll be back for you my love. Can you wait for me?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tinawag niya akong 'my love'. Tumango-tango ako.

"H-hihintayin kita." nauutal na sagot ko.

Nalulungkot ako dahil aalis siya. Ma mimiss ko siya.

"I will miss you too." pag ka sabi niya nun ay agad na siyang lumabas ng silid. Naiwan akong naka tulala sa pinto. Parang nanikip ang dibdib ko, paano pag hindi siya bumalik? Saan ba siya pupunta? Matatagalan ba siya?


=================

Xyrus

Agad akong lumabas ng kwarto kung nasaan siya naroroon. Baka hindi ako maka pag-pigil at hindi na ako makaalis. Matatagalan bago ako maka balik pero babalikan ko siya, tatapusin ko muna ang problema ng kaharian. Tinawag ko si Wena, ang tauhan ko dito. Siya ang malakas sa buong angkan ng kababaihan sa kaharian kaya siya ang pinagkakatiwalaan ko.

"Take care of her. I trust you Wena, ikaw na ang bahala sa kanya habang wala ako. I know she will safe as long as your here with her."

Tumango ito at yumuko. Bumaba na ako patungo sa harden dahil nandoon ang mga tauhan mula sa palasyo.

"Let's go." agad na sabi ko.

Bago paman ako tuluyang umalis, nilingon ko muna ang bintana ng kwarto niya. Babalik ako, babalik ako para sa kanya.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon