"Sira ulo kaba? Anak ko ang pinag-uusapan natin dito Zia!" Galit na sigaw ko sa kaniya."Sorry, I'm just kidding you know? Siyaka ayaw kong ipalaglag 'yang soon to be my inaanak." Humiga ito sa kama at napatingin sa kisame.
"Wala talaga akong maalala kung sino ang ama ng dinadala ko. Ganun na ba ako ka gaga para kalimutan kung sino ang gumalaw sa akin?" Napaluha ako at umupo sa kama.
Rinig ko ang pag buntong hininga ni Zia.
"May gusto akong sabihin sayo pero hindi pa ito ang tamang oras. Give me two days Ven at malalaman mo ang lahat." Napatingin ako sa kaniya, nasa kisame parin ang tingin nito aat parang malalim ang iniisip.
Anong ibig niyang sabihin na malalaman ko ang lahat? Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Huh? Anong pinag-sasasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya ngunit tumayo ito at naglakad patungo sa pinto.
"Malalaman mo rin." Lumabas na ito ng kwarto at iniwan akong nalilito. Hindi kaya may tinatago siya sa akin? Pero imposible naman dahil palagi kaming magkasama. Lahat naman sinasabi sa akin ni Zia, pero anong sinasabi niyang malalaman ko?
Biglang sumakit ang ulo ko kaya naman napapikit ako at hinilot-hilot ang sintido. Nagulat ako nang may biglang nag flash sa isip ko. Isang lalaki. . . naka itim, hindi ko makita ang muka niya.
Napamulat ako habang habol ang paghinga. Sino siya? Bakit parang pamilyar ang lalaking iyon?
.
.
.
.
.
.
.
.
[Gaben POV]Agad akong nagtungo sa pinagpupulungan ng mga kalahi ko. Nakakainis! Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na h'wag silang mag aanyong lobo kapag may araw pa! Napaka tigas talaga ng ulo nila!
Padabog kong binuksan ang pinto.
"Oh Gabo andito kana pa-"
"Sino?!" Sigaw ko kaagad.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Berto. Lumapit ito sa akin pati narin si Albert. Silang dalawa ang maasahan ko palagi. Mga kanang kamay ko sila.
"Pasinsya na kuya Gabo." Biglang nagsalita si Anjo, ang nakakabatang kapatid ni Berto.
"Anong ibig-sabihin nito?" Nagtatakang tanong ni Berto, may bahid nang galit at pag tataka ang pananalita niya.
"Sorry kuya Gabo, magdidilim na kasi noong araw na iyon at malayo pa ang lalakarin namin kaya naman nag anyong lobo kami para madali kaming maka rating dito." Sagot nito at yumuko. Biglang tumabi si Avil sa kaniya at yumuko narin.
"Pati ba naman ikaw Avil?" Galit na rin si Albert. Kapatid niyang babae si Avil.
"Alam niyo ba ang kung gaano kadilikado ang ginawa niyo?" Tinapik-tapik ni Albert ang balikat ko, alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Sa susunod ayoko nang maulit ito, maliwanag?"
Kita ko kung paano tingnan ng masama nila Albert at Berto ang kanilang mga kapatid. Batid kong pangangaralan nila ang kanilang mga kapatid."Opo pinuno." Sagot nilang dalawa.
"Aalis ako mamayang gabi, kayo na ang bahala rito." Bilin ko kay Albert at Berto. Tumango ang mga ito.
Ang ibang nandito ay tahimik lamang na nakikinig, iilan nalamang kaming natitira, ang iba ay lumuwas na upang manirahan sa syudad dahil natatakot silang maulit-muli ang nangyari. Nilusob kami ng mga itim na lobo limang taon na ang nakakalipas, ang iba sa amin ay namatay at mabuti nalamang ay may mga kasama kaming nga puting mangkukulam at kahit papano'y nanalo kami. Ngunit hindi pa kami nakaka siguradong hindi babalik ang mga itim na lobo, alam kong nag hihintay lamang sila ng pag kakataon upang lusobin kaming muli. Hindi ko hahayaang mangyari ulit ang nangyari noon. Ipinapangako kong dadaan muna sila sa bangkay ko.
Umuwi ako sa bahay at naabutan ang inay na kinakausap ang nakakabata kong kapatid.
"Wala kang kasama roon anak." Nag aalalang sabi ni inay. Nagtaka ako at lumapit sa kinaroroonan nila.
"At saan mo nanaman balak pumunta?" Taas kilay kong tanong kay Gary, ang nakakabata kong kapatid na lalaki. Mas matanda ako ng sampung taon sa kaniya.
"Ikaw pala Kuya," nagulat ito nang makita ako.
"Pagsabihan mo nga itong kapatid mo anak, gustong pumunta ng bayan." Ani ni Ina. Medyo may katandaan narin si Ina ngunit magaling parin ito pagdating sa pakikipaglaban at paggagamot.
Si ama ang dating alpha ngunit namatay siya dahil sa labanan noong lumusob sa amin ang mga itim na lobo. Galit na galit ako nang mamatay si ama, gusto kong ipanghiganti si ama ngunit hindi pa ako lubusang malakas at hindi pa ito ang tamang panahon.
Maimtim ko siyang tinitigan.
"Pupunta ako mamaya ng bayan, kasama si ate mo Zia at Hevean.""Talaga? Pwede ba akong sumama kuya?" Galak nitong tanong.
"Kung iniisip mong makakasama si Avil at Anjo nagkakamali ka. Alam kong alam mo ang ginawa nila." Tiim bagang ko siyang tiningnan.
Bumuntong hininga ito.
"Alam kong magagalit ka sa kanila kuya, kaya naman hindi ko sinabi sa iyo."Umupo ako at binigyan siya ng matalim na tingin. Si Ina ay tahimik lamang na nakikinig.
"Alam mo kung ano ang nangyari kay ama, Garyo. Gusto mo bang mapahamak tayong lahat? Mamatay tayong lahat?" Galit na tanong ko sa kaniya.
"Hindi po kuya, hindi na po mauulit."
"Inaasahan ko iyan mula sayo." Tumayo ako at tinapik-tapik ang balikat niya.
"Maiintindihan mo rin ako balang araw. Maiwan ka rito at samahan mo si Ina, maasahan ba kita?"
Tumango ito.
"Opo kuya." Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.Kinagabihan ay sinundo ko na si Zia at Hevean.
"Ikaw na ang bahala sa kanila Gabo, alam kong hindi mo sila pababayaan."
Tumango ako sa sinabi ni Mang Lemuel.
"Alis napo kami." Rinig kong paalam ni Hevean mula sa loob.
Lumabas narin silang dalawa, kahit madilim ay kitang-kita parin ang kaputian nila.
"Para kayong white ladies." Natatawang sabi ko sa kanila.
Natawa silang dalawa at lumapit sa amin ni Mang Lemuel.
"Aalis napo ka kami Tito." Paalam ni Hevean.
"Wag mag papagabi."
"Opo Itang." -Zia
Agad na akong hinila ni Zia at Hevean.
"Hindi naman halatang excited kayo ano?" Natatawang sabi ko sa kanilang dalawa."Syempre naman, ngayon lang ulit gagala sa bayan." Nakangiting si Ven. Nahawa narin ako sa ngiti niya kaya naman ngumiti narin ako. Napaka ganda talaga niya, mula pa noon ay may pag tingin na talaga ako sa kaniya ngunit nang mamatay ang mga magulang niya ay hindi ko na siya muling nakita pa.
"Gusto ko lang talaga kumain dun, alam kong maraming tinda ngayon sa bayan." Dugtong pa ni Zia.
"Takaw mo lang 'e."
"Huwag kang hihingi sakin mamaya ha!"
"Joke lang ito naman."
Napapailing nalamang ako sa kulitan nilang dalawa, hindi parin talaga sila nagbabago. Sumakay na kami ng motorsiklo at nakarating na sa bayan.
"Naamoy mo ba yun?" -Zia
"Oo naamoy ko, parang nagutom agad ako. Tara bili tayo Zi." Naghihilaan silang dalawa habang tumitingin ng mga binibentang pagkain.
Sinundan ko nalamang silang dalawa kung saan sila pupunta. Andami nilang binibiling pagkain, hindi pa nila nauubos ang nabili ay bibili nanaman sila ng iba. Mga babae nga naman, hindi makuntento sa isang putahe.
Napahinto ako ng biglang nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy. Fuck! That smell! Iyon ang amoy na pinaka ayaw ko. Ang amoy ng isang itim na lobo.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...