Chapter 19

344 3 0
                                    


Nagising ako ng nakaramdam ako ng lamig, kinapa-kapa ko ang katabi ko pero wala siya roon. Napa bangon ako at agad siyang hinanap sa buong kwarto ngunit wala talaga siya. Saan siya nag punta?

Itinakip ko ang kumot sa katawan ko at tumayo mula sa kama. Sumasakit ang buong katawan ko lalo na ang pagkababae ko, hindi ko mabilang kung ilang beses akong inangkin ni Xyrus kagabi. Napangiti ako ng maalala ang pinag saluhan namin kagabi, napaka wild niya talaga, parang wala siyang kapaguran.

Kumuha ako ng malaking t-shirt at panty sa closet at agad itong isinuot. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Xyrus. Nasaan kaya siya? Hindi kaya umuwi na siya? Bakit hindi niya man lang ako ginising?

Pumunta ako ng kusina at kumuha ng tubig sa ref, bumuntong hininga ako at ibinalik ang tubig sa ref. Mukang umuwi na nga siya talaga. Bumalik ako sa kwarto at agad na humiga sa kama.

"Bakit gising kapa?"

"AYYY KABAYO!!" Agad akong napa balikwas ng bangon. Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Agad kong nakita si Xyrus na naka upo sa madilim na sulok ng kwarto. All this time nandun lang siya? Pero hindi ko siya nakita doon kanina.

"Xyrus? B-bakit nandiyan ka?"

Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan ko, umupo ito sa tabi ko at tumingin sa mga mata ko. Ang mga makahulugang mata nito ay kitang kita dahil sa liwanag ng buwan na nag mumula sa bintana ng kwarto.

"Hindi kaba makatulog?" Tanong ko rito pero umiling lang ito.

"No, I just need to think." Ngumiti ito pero ang mga mata niya mukang hindi masaya.

"Think of what? May problema ba?"

Bumuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko.

"What if I'm a monster? Do you still love me?" Malumanay na tanong nito. Napakunot noo naman ako.

"Anong klaseng tanong yan? Syempre naman mamahalin parin kita, kahit may sungay o may pakpak kapa, ikaw parin ang Xyrus na mahal na mahal ko." Hinawakan ko ang pisngi nito at ngumiti ng pag ka tamis-tamis sa kaniya.

"I love you so much." Hinalikan ako nito at agad na ipinagdikit ang mga noo namin.

"I love you more."

"Matulog kana ulit, you need to rest." Tumango ako at humiga sa kama, agad kong ipinikit ang mga mata habang hawak parin ang mga kamay niya. Ramdam ko ang pag yakap nito sa akin kaya agad akong naka tulog.

(Xyrus POV)

"So what's your plan?"

"I will tell her everything, alam kong tanggap niya ako." Napa dako ang tingin ko sa babaeng mahimbing na natutulog sa kama. She's too innocent, that's why I really love her.

"Pero paano kung mali ang iniisip mo? Paano ang Hari? Baka tuluyang niyang patayin si Ms. Heaven." Tiningnan ko ng masama si Wena.

"I will protect her, kahit ubusin ko pa ang lahi ko wala akong pakialam."

"Malakas ang Hari, marami siyang pwedeng gawin upang mapapayag kang mag pakasal sa anak ng Vamos Clan."

Napakuyom ako ng kamao, hindi ako pwedeng mag pakasal sa babaeng yun. Si Hevean lang ang gusto kong pakasalan at maka sama habang buhay.

(Hevean POV)

Nandito ako ngayon sa mansyon ni Xyrus, nahahalata ko rin na kaunti nalang ang mga katulong, siguro binigyan ni Xyrus ng bakasyon? Kasama ko si Wena habang naglilibot kami dito garden. Ang gaganda ng mga rosas, may puti at pula at may iba't ibang bulaklak rin. Puno rin ito ng mga paro-paro.

"Sa tingin mo? Namamatay din ba ang mga bulaklak?" Napalingon ako sa kinaroroonan ni Wena.

"Sa tingin ko hindi Ms.Hevean."

Nagtaka naman ako sa sagot nito.
"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil kapag namatay ang isang bulaklak, mabubuhay ito ulit. Ang ugat nito ay naiiwan sa lupa dahilan para mabuhay sila ulit, maliban nalamang kung ang ugat nito ay tuluyan naring namatay."

Napatango-tango ako, sabagay tama siya. Mamatay lang ang isang halaman kapag ang ugat nito ay tuluyan ng namatay.

"Ikaw ba Ms.Hevean, naniniwala kaba sa mga halimaw? Katulad ng mga bampira?" Napa upo ako sa maliit na kahoy at nag isip. Naniniwala nga ba ako?

"Siguro oo, walang impossible sa mundo. Lahat may kababalaghan, hindi lang tao ang naninirahan sa mundo, noong bata ako na kwekwento sa akin ng mama at papa ko ang tungkol sa mga bampira at mga lobo. Mag ka away daw sila at hanggang ngayon mag ka away parin, bakit ngaba hindi sila mag kaayos diba? Siyaka pati yung Black at White Witch mag ka away din. Bakit kailangan pang mag away kung pwede namang mag ka ayos at ayusin ang problema."

Napa yuko si Wena sa sinabi ko.
"Hindi kasi ganun kadali Ms. Hevean, ang itim at ang puti ay hindi dapat ipagsama. Ang kabutihan at kasamaan ay hindi kayang kontrolin, maliban nalamang kung may taong nag papatunay na ang kasamaan at kabutihan ay pwedeng magsama."

Napatango ako sa sinabi nito. Ganun pala yun? So kapag napatunayan ibig sabihin pwede na silang mag sama at hindi na sila mag ka away?

"Maiwan muna kita Ms.Hevean" Yumuko ito at agad na umalis.

Naiwan ako sa gitna ng harden, napakasarap talaga sa mata ang mga bulaklak. Napadako ang mata ko sa isang itim na bulaklak. Parang rosas ito ngunit itim. Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan ng itim na rosas, medyo malayo ito at nasa bandang likod ito ng mga bulaklak. Hinawi ko ibang bulaklak ipang maka lapit ako ng husto, nasusugatan narin ako dahil sa tinik ng mga rosas.

Hindi na ako maka lapit ng tuluyan kaya naman inabot ko nalang ang itim na bulaklak. Agad kong hinawakan at binali, nasugatan ako sa tinik nito kaya agad akong bumalik sa kina uupoan ko kanina. Napa ganda nito ngunit itim ang kulay, ngayon lang ako naka kita ng itim na bulaklak. Bakit parang umiilaw ang petals nito kapag nasisinagan ng araw?

Napangiwi ako dahil sa kirot ng daliri ko, dumadaloy ang dugo mula rito. Bakit parang ang hapdi ng tinik ng itim na bulaklak na ito? Napa hawak ako sa ulo ko dahil parang nahihilo ako, bumibigat din ang katawan ko.

"Tu---long...." bago paman ako maka tayo ay agad na akong bumagsak sa sahig at tuluyan ng nawalan ng malay.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon