(Three Weeks Later)Nakakainis talaga, paano ko ba talaga malalaman kung sino ang ama ng dinadala ko? Hindi kaya sira talaga itong PT na nabili ko?
"Wag mukong pinaglololoko Hevean ha! Nako paano ka mabubuntis kung wala ka ngang boyfriend aber?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Zia na wala nga akong naging boyfriend, siyaka kapag meron man sasabihin ko naman agad sayo e."
Kanina pa kami nag tatalo sa lintik na Pregnancy Test na to. Lokang-loka nako kung bakit positive ang resulta.
"Need na siguro nating ipa tingin talaga sa doctor baka cancer or ano yang nasa tiyan mo! Baka mamaya alien pala laman niyan."
Hinamapas ko ito ng mahina sa braso, nakaka takot naman mga pinag sasabi nito.
"Wag ka ngang mag biro ng ganiyan!"
"Hay nako ewan ko sayo Hevean!"
Inirapan ko nalamang ito at hinimas himas ang maliit kong puson.
"Siyaka nga pala uuwi tayo sa probinsya bukas, mag impake kana. Damihan mo na ha, baka matagalan tayo bago maka uwi."
Takang tiningnan ko ito,
"Anong meron?" tanong ko rito."Wag nang maraming tanong basta mag impake ka ha alas dyes tayo aalis bukas."
Napa kamot nalamang ako sa ulo at tumango. Napa dako ang tingin ko sa kalendaryo, malapit na pala ang byernes santo. Umakyat nalamang ako sa kwarto, nag impake na agad ako ng mga damit na dadalhin ko. Buti nalamang malaki ang maleta na meron ako.
Napa buntong hininga ako ng matapos ako, naka dalawang oras din ako bago tuluyang naka tapos. Bakit parang feeling ko may hinahanap ako? Ganito ako lagi pag nasa kwarto ako, parang may presensya na gusto kong nandito sa kwarto ko. Diko alam nangyayari sakin, nag tataka nga Rin ako kung bakit may napapanag hinipan akong lalaki tuwing matutulog ako. Hindi ko makita ang muka niya pero yung mga nangyayari sa panaghinip ko ay parang totoo talaga. Feel na feel ko yung bawat pangyayari sa panaghinip ko. Naka pag tataka lang dahil hindi naman iyon nangyari sa buhay ko pero parang nangyari na.
"Nakakainis!! Ano bang nangyayari sakin? Ilang week nakong nagsusuka at masama lagi pakiramdam tapos nalaman ko kanina na buntis ako? Tanginaaaaaaa!!! Buntis nga ba ako? Nalasing bako sa bar at nakipag sukshakan sa lalaki at hindi ko lang maalala?" Parang mababaliw nako sa kakaisip.
Ipinikit ko nalamang ang mga mata, parang pagod na pagod ako lagi kahit wala naman akong ginagawa buong mag hapon. Bumuntong hininga na lamang ako at natulog.
KINAUMAGAhan ay nag ayos na kami ni Zia paalis. Ilang oras din ang byahe pauwi ng probinsya. Nakakamiss din umuwi roon, kamusta na kaya yung gubat na lagi naming pinupuntahan nila mama at papa kapag uuwi roon?
"Hoi Hevean tara na!!" Tawag sa akin ni Zia. Sumakay na ito nang bus.
"Ito na nga sandali." Agad akong sumakay at umupo sa tabi nito.
"Ang lutang mo ngayon." sabi nito. Inirapan ko ito at inilapag ang maliit na bag sa ilalim ng upuan namin.
Ilang oras ang lumipas at naka tulog ako sa balikat ni Zia.
"Tulog ka ng tulog... ansakit na nang balikat ko. Malapit na din tayo kaya umayos kana diyan at baka maiwan ka." pag bibiro nito. Ayoko ngang maiwan, hindi ko alam ang daan pabalik.
"Ilang years din ako bago ulit bumalik dito."
"Ayaw mo naman kasing sumama sakin pag uuwi ako, ayaw mo siguro makita si Gaben yieee."
"Oo nga pala, kamusta na kaya ang mukong na yun? Last time na nag kita kami nung inilibing sila-"
"Oo na, makikita mo naman siya mamaya e." Pag putol nito sa ibang pang sasabihin ko.
"Pa epal ka lam mo yun?"
"Oo alam ko na yan." Sagot nito. Napa tawa nalang kaming dalawa sa mga pinag sasasabi namin. Di kala unan ay naka rating na kami.
Malayo palang ay kitang-kita ko na sa malayo sila Tita Felia at Tito Limuel na naka ngiti. Agad nila kaming nilapitan.
"Mabuti at nandito na kayo anak,"
Niyakap agad ako ni Tita Felia.
"Antagal na nung huli kitang nakita hija. Kamusta ka?""Ayos naman po ako Tita, kayo po? Kamusta kayo rito?"
"Aba'y mabuti naman kami. Limuel paki dala nga ng mga bagahe nila sa loob. "
Napalingon naman ako kay Tito Limuel na nasa sa likod ni Tita Felia.
"Kay ganda nang aking pamangkin, ikaw ba ay may boyfriend na?" Tanong nito sa akin. Bigla naman akong nahiya sa tanong nito.
"Ahmm.."
"Nako Itang.... wag niyo muna unahin iyan at kami'y napagod sa byahe." Reklamo ni Zia. Naka hinga naman ako ng maluwag.
Pag pasok namin sa bahay ay agad akong napamangha sa maka lumang mga kagamitan. Andito parin pala ang mga ito. Parang walang nagbago, ganun parin ang pwesto ngunit malinis at pulido ang bawat sulok ng bahay.
"Mag bihis na muna kayo at maghahanda na muna kami ng hapunan."
"Sige po Tita Fe."
Iniwan nila kami ni Zia dito sa ikalawang palapag ng bahay.
"Dito ang kwarto mo at ito naman sakin. Mag bihis kana dahil amoy syudad kapa HAHA!." paalam ni Zia. Pumasok na ito sa kwarto at ganun din ako.
Agad akong humiga sa kama, medyo maliit ito at kasya lang ang isang tao. Medyo dumidilim na rin sa labas at inaantok nanaman ako. Lagi nalang akong inaantok, nakakainis!
Napa tingin ako sa bintana at kitang kita mula rito ang malawak na gubat sa likod ng bahay nila Zia. Marami ring kabahayan ang nandito at pagsasaka ang tanging hanap buhay, nakapa simple lang ng buhay dito sa probinsya at masasabi kong mas masaya rito kaysa doon sa syudad. Napa pikit ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Napaka sarap sa pakiramdam.
Napa kunot ang noo ko nang may natatanaw akong parang aso sa di kalayuan.
"Teka aso ba yun? Bakit parang anlaki?" Malayo ang kinaroroonan nito at kitang kita mula rito kung gaano ito kalaki. Hindi ko Makita kung anong kulay ang aso dahil medyo madilim na rin. May ganitong aso pala rito, nakakatakot palang gumala pag gabi sa gubat. Kung ganun kalaking aso ang lalapa sakin baka isang kagat lang patay nako kaagad.
Nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Hija.. kakainin na." Anang boses ni Tita Felia."Opo, sandali lang po." Napatingin muli ako sa kinaroroonan ng aso ngunit wala na ito. Isinara ko nalamang ang bintana at nag bihis. Nagugutom narin ako kaya naman agad akong lumabas ng kwarto. Itatanong ko mamaya kita Tito Limuel ang tungkol doon sa malalaking aso na nakita ko.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...