Chapter 46

208 3 0
                                    

Mahinahong linusob namin ang kaliwang parte ng palasyo, kaunti nalang ang natitira sa kaninang maraming kawal, ang iba sa kanila ay mga mangkukulam, half blood vampires at mga black wolves.

Nag-anyong lobo ang mga kasama namin at ang mga ibang mangkukulam ay ginagabayan kami upang hindi lubusang mapuruhan sa laban.

Hinila ko ang katawan ng dalawang bampira at itinapon sa nagsisiliparang mga itim na mangkukulam, naka sakay sila sa mga walis at gumagamit ng mahika upang tamaan kami mula sa itaas. Buti na lamang ay narito sila Zia upang bigyan kami ng proteksyon.

Ramdam ko ang takot ng ibang mga bampira, alam nilang mas malakas ako kaysa sa kanila. Walang kapangyarihan ang mga half blood kaysa sa aming mga pure blooded vampires.

Ang iba sa kanila ay ginawa lamang bampira upang maging kaanib ng Vamos Clan, pati mga inosenteng tao ay dinadamay nila at ginagawang bampira.

Lumipad ako sa ere at sinipa ang isang mangkukulam pababa, lumading ito sa dalawang bampira, nadurog at naging abo ang mga ito. Tumingin ako sa paligid at ang mga kasama ko ay may kaniya-kaniyang laban. Nang maubos namin ang lahat ng kalaban ay agad naming tinungo ang kanang bahagi ng palasyo, kailangan naming tulungan and mga kasama namin roon.

Pagdating namin ay agad kaming lumaban, mas marami sila kaysa kanina. Ang ibang mga kasama namin ay may mga sugat, lalo na ang mga lobo. Maraming bampira ang naririto kaya nahihirapan sila.

“Shit!” mura ko at agad gumamit ng kapangyarihan upang patayin ang sampung bampira na papunta sa kinaroroonan ko.

Rinig ko ang pag ungol ni Gabo. May roong lubhang nasugatan, i‘yon ang kaniyang pahiwatig.

Kaliwat-kanan ang pag patay ko sa mga kalaban. Halos hindi sila nauubos. Hindi ko aakalain na ganito na pala karami ang umanib sa aking ama.

Kahit gaano pa sila ka rami ay walang makakapigil sa aking mailigtas ko si Ina.

“Mahal na prinsipe, marami pang mga kalaban ang paparating.” rinig kong sabi ni Wena, sumulpot ito kasama ng mga bilanggo, mga pure blooded vampires ang nakita kong kasama niya.

“Mahal na prinsipe.” Anang kasama nitong lalaki, namumukaan ko ito.

Ngunit wala akong oras para alamin pa.
“Subukan niyong tulungan ang iba.” Utos ko.

Susugod na sana ako ng biglang yumanig ang lupa. Bumibiyak ito at may mga itim na aninong lumalabas. Ang portal patungo sa mundo ng mga halimaw.

Lumabas ang mga malalaking halimaw at pinatay ang mga itim na lobo at mga haft blood vampires. Brutal naman nilang pinagtutulungang patayin ang mga itim na mangkukulam. Halatang galit  na galit sila sa mga ito. Ngumisi ako at patuloy lang sa ginagawang pag patay sa mga bampirang kalaban.

Mukang nakuha ko ang loob ng Hari ng mga halimaw. Akala ko ay hindi siya aanib sa akin.

“Nagagalak akong makita ka.” Saad nito ng maka lapit ito sa akin. Ang itsura nito at parang agila at ang katawan ay parang lion at meron itong buntot ng scorpion, meron din itong pakpak ng isang demonyo.

Tumango lamang ako at patuloy parin sa pag patay. Ang ibang mga kasama ni Gabo ay pagod na sa laban.

Nakita kong nahihirapan na ang iiba sa kanila. Huminga ako ng malalim at inilabas ang kaunting kapangyarihan ko, gumamit ako ng malakas na hangin at ipinalipad ang mga kalaban at agad akong gumamit ng apoy upang sunugin sila at tanging abo nalang ang nag sisiliparan kasama ng hangin. Kaunti nalang ang natitira sa mga kalaban.

“Ggrrrrrrr.....”  anang malaking lobo na nasa harapan ko. Sa tingin ko ay siya ang pinuno ng mga black wolves. Napaka talim ng tingin na ibinibigay nito. Hindi ako na tinag at hindi ko ito binigyan ng kahit anong emosyon.

“Die.” Tanging nasabi ko at agad ko siyang linusob. Bago paman ako tuluyang naka lapit ay agad na siyang kinagat ng isang lobo, si Gabo ang kumagat sa kaniya. Alam ko ang pinapahiwatig niya, gusto niyang siya ang bahala sa isang ‘yon.

Tumango ako at isinama ang ibang pure blood vampires. Ayokong mahuli ang lahat. Gumamit ako ng bilis at tinungo ang likurang bahagi ng Palasyo. Doon ko nakita ang maraming naka tali sa kahoy na nasa gitna ng gubat. Napaka raming half blood vampires ang naririto, kasama na roon ang ama at pinuno ng vamos clan.

Ramdam nila ang pag dating namin at agad silang naging alerto. Hingal na hingal ako sa galit ng makita ko ang aking ina na naka tali sa pinakang gitna. Naka yuko ito at parang nanghihina.

“Ina!!” Sigaw ko. Ngunit nanatiling naka yuko ang ulo nito. Huli na ba ako?

“Sa wakas ay dumating ka.” Isang pamilyar na boses na kinamumuhian ko.

Hindi ko ma kontrol ang sarili ko. Parang gusto kong magwala. Gusto ko siyang durugin at patayin.

“Magbabayad ka!! Pinapangako kong papatayin kita!” galit na galit kong sigaw at inilabas ang kapangyarihan ko.

“Huminahon ka. Baka hindi mo ma kontrol ang kapangyarihan mo.”

Wala na akong pakialam sa sinasabi niya o kung sino man siya. Ang gusto ko lang ngayon ay patayin ang taong pinagkatiwalaan ko noon, ang taong itinuring kong ama!

“Ahhhhh!!! Rrrrr (Growling) Ahhhhh!” Sigaw ko at inilabas ang halimaw na gustong kumawala sa loob ko. Ramdam ko ang lahat ng kapangyarihan kong nananalaytay sa buong sistema ko. Napaka sarap nito sa pakiramdam.




[ Gabo POV ]

“Huminahon ka. Baka hindi mo ma kontrol ang kapangyarihan mo.” Saad ko ngunit parang wala itong narinig.

“Kailangan nating itakas ang mahal na reyna.” rinig kong sabi ni Wena.

Itinuro niya ang babaeng naka tali sa gitna. Pero paano? Napaka raming kalaban. Pagod na ang lobo sa loob ko.

Tiningnan ko ang mga natitirang mga kalahi ko, ang ibang sa kanila ay lubhang nasugatan.

“Mukang hindi natin kakayanin.” Saad ko.

Malungkot na tumingin sa akin si Wena. Nakikiusap ang mga mata. Bakit ba hindi ko matiis ang mga matang ‘yan? Parang may kung ano talaga sa mga mata niya na gusto kong titigan.

Bumuntong hininga ako at tumango sa mga kasama ko. Para sa ikakabuti ng lahat. Para sa kapayapaan.

“Awoooohhhhh.” Umungol ako, hudyat ng pag sugod. Binalingan ko ng tingin si Xyrus.

Humaba ang mga kuko at pulang-pula ang mga mata nito. Ibang iba ang itsura niya. Para syang halimaw. May kuryente at hangin na pumapalibot sa kaniya, pati ang mga apoy ay parang kinokontrol niya rin. Ganito ba kalakas ang kapangyarihan niya? Isa ba siyang Diyos? Paano niya nagagawang kontrolin ang hangin, apoy at kuryente? Hindi siya isang normal na bampira lamang, isa syang diyos ng mga bampira.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon