11

397 8 0
                                    

It's been two days mula ng umalis siya, tinatanong ko naman si Wena pero wala siyang sagot. Wena introduce herself, ang sabi niya matagal na daw siyang nagtratrabaho bilang kasambahay dito. Nakakatakot nga siya minsan pero okay lang, maganda siya at mukang seryoso palagi. Kakaiba din siya kung kumilos. Pumapasok parin naman ako sa trabaho ko pero binabantayan ako ni Wena sa labas. Para siyang bodyguard/kasambahay/alalay ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa akong bantayan. Hindi naman na ako bata pero sabi niya utos daw iyon ni Xyrus kaya hinayaan ko nalang, baka ako pa dahilan kapag sinisante siya ni Xyrus. Gusto ko na ngang umuwi sa bahay namin ni Zia pero pano pag bumalik si Xyrus? Sumasakit ulo ko sa kakaisip.

"Bakit ba ayaw mo dito matulog? Saan kaba nag stastay ngayon ha?" tanong saakin ni Zia. Umuwi ako dito sa bahay namin para mag paalam ulit na hindi ako matutulog dito ngayong gabi. "Nag aalala nako sayo Hevean." dugtong niya.

Bumuntong hininga nalamang ako, sasabihin ko ba sa kanya?

"A-ano kasi... ahmm doon ako nag stastay kila Xyrus." nauutal na saad ko.

"Xyrus? Lalaki?" napataas na ang kilay nito. Tumango ako bilang sagot.

"Are you out of your mind? Kailan mo nakilala yang Xyrus nayan? Boyfriend mo ba yun ha?" Sunod-sunod niyang tanong.

Boyfriend ko nga ba talaga siya? Wala akong choice kundi e' kwento sa kanya lahat. Siguro naman maiintidihan niyako diba? Ngayon lang naman nangyari to e, kahit ako hindi ko alam ang nararamdaman ko.

"Seriously Hevean?" mukang galit na siya.

"Please Zia sana maintindihan muko." Pakiusap ko sa kanya.

"Do you like him? Or do you love him?" diretsiyang tanong niya. Napalunok ako, anong isasagot ko? Hindi ko pa naman alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Xyrus.

"I can't answer that Zi, aalamin ko muna kung anong nararamdaman ko."

"Fine. But still uuwi ka parin dito tuwing linggo, is that clear Ms. Hevean Andora Cavellente?"

Kakatakot talaga ang babaeng to.
"Yes ma'am." Sagot ko.

Niyakap ako ni Zia bago ako umalis, alam kung nagtatampo siya saakin. Babawi ako sa kanya, not now. Maybe later pag bumalik na si Xyrus. I already missed him. Kailan ba siya babalik?

"Don't worry Ms. Hevean babalik si Sir Xyrus." Napatingin ako kay Wena na nag dridrive. Siya ang kasama ko palagi kaya magaan na ang loob ko sa kanya. Naka rating na kami sa bahay ni Xyrus kaya agad akong pumasok sa kwarto ko. Busog pa naman ako kaya bukas nalang ako kakain. Pinikit ko na ang mga mata ko, pero bakit siya ang nakikita ko? Ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Gusto ko ba siya? Mahal kona ba siya?

IT'S BEEN two weeks pero hindi parin siya bumabalik. Medyo nasasanay na akong si Wena at mga katulong ang kasama sa bahay. Miss ko na ang presensya niya.

Pumasok nako sa trinatrabahohan ko kahit masama ang pakiramdam ko, parang sumasakit kasi ang ulo ko tapos nilalamig ako. Dahil siguro sa pagod at pa iba-ibang panahon.

"Oi Ven² okay kalang ba?" Napansin ata ni Dave na masama ang pakiramdam ko.

"Oo okay lang ako." Ngumiti ako sa kanya pero parang hindi siya kumbinsido. Lumapit saakin si Cali at inilapat ang palad nito sa noo ko.

"May sakit ka Hevean, umuwi kana muna at mag pahinga." Nakita ko sa mga muka nila ang pag aalala.

"Don't worry ako bahala sayo, sasabihan ko si Manager na mag leleave ka ng one week." Nginitian ako nito.

"S-salamat Dave"

"Ikaw pa, malakas ka sakin." Binatukan naman siya si Cali.

"Puro ka kalokohan, sige na Hevean umuwi kana okay? Pahinga ka ha."

"Samalat talaga Cal," Tinanguan lang niya ako. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng resto. Nakita ko si Wena salabas naghihintay. Kung nakinig lang ako kanina sa kanya, sinabihan niya akong mag pahinga dahil mukang masama ang pakiramdam ko pero nag pumilit parin akong pumasok sa trabaho.

"Uwi na tayo Wena," Sabi ko ng maka lapit ako sa kanya. Nanghihina na din ako,

Inaalalayan ako nito papasok sa kotse, pinikit ko na ang mga mata ko. Parang hinihigop talaga ako na mag pahinga at matulog. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Pag-gising ko parang nanginginig ang katawan ko sa lamig, arghh.. ansama ng pakiramdam ko. Hindi ko masyadong maimulat ang mga mata ko. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at doon ko napag tanto na nasa kwarto ko na pala ako. Pero sinong bumuhat saakin? Kaya ba akong buhatin ni Wena? Hindi kaya si Xyrus ang bumuhat saakin? Naka balik naba siya? Parang maiiyak ako kapag iniisip kong naka uwi na siya.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko, naramdaman ko nalang na may pumasok sa kwarto ko. Narinig ko ang mga patak ng tubig, naramdaman ko nalang ang malamig na bimpo sa noo ko.

"X....Xyrus ..." tawag ko sa kanya. Ngunit walang sumasagot.

"Hindi pa po siya bumabalik Ms. Hevean." Boses ni Wena.

Hindi ko napigilang mapa luha kahit naka pikit ang mga mata ko. Bakit antagal niyang bumalik? Saan ba siya nag punta? Muli nanaman akong dinalaw ng antok kaya naman natulog akong may nga luha sa mga mata. Sana pag gising ko nandito na siya. Miss na miss ko na siya.

===========================

Xyrus

"Hindi ka maaaring bumalik Xyrus! Tandaan mong isa kang pure blood Vampire!" sigaw ng aking amang hari.

"It doesn't matter. I don't care if I am a pure blood hindi ko gustong umupo sa trono mo." Angil ko.

"Ikaw ang kaisa-isa kong anak Xyrus at ikaw ang mag mamana ng trono ko sa ayaw at gusto mo." Namumula na ngayon sa galit ang mga mata nito. Alam ko sa umpisa palang ito na ang kahahantungan ko pero ayaw kong umupo sa pwesto niya at hintayin na magunaw ang mundo.

"You can't stop me Father. Mataas ang respeto ko sa inyo dahil nangako ako sa aking Ina na susundin kita, but not this time." Ramdam ko ang pag bigat ng presensya niya. Ano mang oras pwede niya akong sugurin pero mas malakas parin ako sa kanya dahil mas lamang ako ng kapangyarihan.

"Yes I can. Papakasalan mo ang anak ng Vamos Clan o papatayin ko ang taong iyon?"

"Vamos Clan? Are you out of your mind Father? And don't you dare to touch her, I swear father.....I can kill you all by myself." Vamos Clan is a Half Blood Vampire, sila ang mga bampira na kinagat lamang ng mga pure Blood. Kayang kaya ko silang patayin lahat, wala akong pakialam kahit maubos ang lahi ko at lahi nila.

"You chose, papakasalan mo ang anak ng Vamos Clan or I will kill that human?!"

"She's not an option. Try to touch her and you'll regret it. Whenever you likes it or not.... I will choose her over this bullshit!"

Agad ko siyang tinalikuran at lumabas ng silid. Halos madurog at mawasak ko ang pinto ng lumabas ako, hindi ko na ma control ang galit na nararamdaman ko.

No. I can't let that happen. Fuck those Vamos Clan. Uubusin ko ang lahi nila kung kinakailangan.

I can't lost her........

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon