Nagising nalamang ako dahil sa sakit ng araw na tumatama sa balat ko. Sa tingin ko ay mataas na ang araw at tanghali na, pinilit kong bumangon at ganun na lang ang pag daing ko dahil sa sakit ng katawan lalong-lalo na sa ibabang parte ng katawan ko. Mukang hindi yata ako makakalakad, sobrang sakit talaga. Ganito ba talaga pag first time? Kung alam ko lang na ganito pala ka sakit sana umayaw nako kaagad kagabi."Gising kana pala Ms. Hevean."
Biglang pumasok si Wena na may dalang pag kain. Nakakahiya! Agad akong nag takip ng katawan gamit ang kumot dahil hubo't hubad parin ako hanggang ngayon. Bakit hindi man lang ako ginising ni Xyrus? At bakit wala siya sa tabi ko?
Nakaramdam ako ng lungkot, hindi kaya pinag sisisihan niya ang nangyari kagabi? Kung ako ang tatanungin wala akong pinagsisihan sa mga nangyari dahil alam ko sa sarili ko na ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking mahal ko.
May ngiting nanunukso ang nakita ko sa muka ni Wena. Mas lalo tuloy akong nahiya.
"Natutuwa ako dahil magaling at maayos kana Ms. Hevean, ang sabi ni sir Xyrus ay kailangan mo munang kumain." Ganun parin naman siya kung mag salita at walang bahid ng panunukso mula roon. Hindi kaya narinig niya kami kagabi? Napalakas ba yung boses ko? Sumasakit ulo ko sa kakaisip.
"Ah-ahm thank you Wena, sige iwan mo nalang diyan." Nginitian ko ito pero sa loob-loob ko ansakit ng buong katawan ko. Para akong dinaganan ng limang tao. Yumuko ito naglakad patungo sa pinto. Nung nasiguro ko ng wala na siya, siyaka lang ako naka hinga ng maayos. Pano ako makaka pag shower kung ganito ang sitwasyon ko? Bahala na, mamaya ko na iisipin at kakain na muna ako.
Nabusog ako sa dalang pagkain ni Wena, ansarap niya talaga mag luto. Katulad siya ni Zia kung mag luto ng pagkain, namimiss ko na tuloy ang bruhang yun. Umuwi na kaya muna ako sa bahay? Total pwede naman na akong puntahan anytime ni Xyrus. Sasabihan ko nalang siya mamaya para maka pag paalam na rin.
Tiniis ko ang sakit patungo sa banyo at doon ako lumublub sa bath tub. Para akong nahimasmasan dahil nawala ang paglalagkit na nararamdaman ko kanina.
Halos kalahating oras din akong nasa bath tub hanggang sa naisipan ko ng mag bihis. Humiga ulit ako sa kama, parang inaantok nanaman ako, kasi naman anong oras na kaming natulog ni Xyrus kagabi, hindi ko alam kung naka tulog nga ba siya? Ang huling naaalala ko e tinititigan niya ako bago ako tuluyang naka tulog.
"Nasaan na kaya si Xyrus?" Tanong ko habang naka tingin sa kisame, hindi ko rin natanong kanina kay Wena dahil nahihiya parin ako.
Bumangon ako sa kama at paika-ikang nag lakad patungo sa pinto, sumilip muna ako kung may tao sa labas siyaka ako lumabas ng tuluyan. Baka mag taka sila kung bakit ako paika-ikang mag lakad. Ano naman ang isasagot ko? Na Nakipag chukchakan po ako kay Xyrus kagabi? Arghh bahala na talaga basta hahanapin ko si Xyrus. Baka nasa sala lang siya o kaya naman sa garden?
Napahinto ako sa pababang hagdan, so paano pala ako baba na ganito ang sitwasyon? Ang hirap na ngang mag lakad ng maayos, bumaba pa kaya ng hagdan? Feeling ko tinuturture ako nito.
"We're are you going, Baby?"
Napapitlag ako ng may nag salita sa likuran ko. Ang kaninang hinahanap ko ay nasa likuran ko lang pala. Agad akong humarap sa kanya at ngumiti.
"Hahanapin sana kita" Paliwanag ko.
Tumaas ang kilay nito at walang sabi-sabing binuhat ako na parang bridal style, kulang nalang mag damit ako pang kasal para perfect!
"At bakit mo naman ako hahanapin?" Tanong nito. Parang wala lang yata sa kanya ang bigat ko? Sabi saakin ni Zia napaka bigat ko raw pero bakit parang napaka gaan ko lang nang buhatin ako ni Xyrus?
"K-kasi gusto kitang yakapin? Tapos humingi ng morning kiss." Sabay nguso ko. I heard him chuckle at tuluyan na kaming naka pasok sa kwarto.
"Take a rest first I know you're not feeling well right now. " Inihiga ako nito sa kama at kinumutan.
Alas dose palang ng tanghali tas pinapatulog niya na agad ako, pero sabagay inaantok parin ako.
"Still sore?" biglang tanong nito, nakita ko sa muhka niya ang pag aalala. Agad kong hinawakan ang muhka niya at hinalikan siya.
"It's normal i think? Don't worry about me mawawala din siguro to." At ngumiti ako ng pagka tamis-tamis. Tumango ito at tumayo, hinalikan ako nito sa noo.
"Rest well baby,"
Nakangiti ako habang naka pikit ang mga mata, kinikilig ako ng todo. Bakit parang ang sarap sa tenga kapag tinatawag niya akong baby? Hindi talaga siya pumapalya kapag pinapakilig niya ako. Bago paman ako tuluyang naka tulog ay narinig ko pa ang pag 'i love you' nito saakin. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Xyrus, napaka sweet niya masyado. Kahit siguro asin lalanggamin sa kaniya.
~
~
~
~"Please... gusto kong maka usap si Xyrus," pakiusap ko sa isang lalaking mas matangkad saakin, hindi ko maaninag ang muka niya.
"Kung ano man ang mangyayari mamaya Ven mag pakatatag ka." payo nito saakin, pinahiran ko ang mga luha ko at tumango. Gusto ko lang naman siyang maka usap at ayusin ang relasyon namin, ayokong mawalan siya saakin. Ayokong mawala siya saamin. Hinimas ko ang tiyan kong may malaking umbok. Nararamdaman kong malapit na akong manganak at gusto kong naroon si Xyrus kasama ko.
May sinabi itong hindi ko maintindihan at biglang nasa harap na kami ng altar, naka talikod si Xyrus ganun din ang babaeng papakasalan niya. Kulay pula at itim ang tema ng kasal. Naka itim si Xyrus at naka pula naman ang babae.
"Itigil ang kasal!!" Umalingaw-ngaw ang boses ko at lahat sila ay naka tingin ngayon saakin. Mukang nagulat naman si Xyrus at agad na lumingon sa direction ko. "Xyrus..." tawag ko.
Nakita ko ang pag tataka at lungkot sa muka ni Xyrus.
"Hevean? Baby?" mahina ngunit rinig kong pag tawag niya saakin.Hindi ko na napigilang mapa iyak dahil sa pag tawag niya saakin.
"Xyrus, b-bumalik k-kana saakin, bumalik kana saakin please.. " kahit nanginginig ang boses ay patuloy parin akong nakikiusap. Wala akong pakialam kung nag mumuka akong kawawa basta makuha at bumalik lang saakin si Xyrus.
"Sino ang babaeng yan? Isang mortal at isang puting mangkukulam? Paano kayo napadpad sa lugar na ito?" Tanong ng lalaking may korona sa ulo. Patuloy parin ako sa pag iyak. Hindi ko alam kung sasagot ako sa tanong niya. Parang kamuhka din siya ni Xyrus, hindi kaya ama niya ito?
"Hulihin ang dalawang iyan!" utos niya sa mga lalaking naka itim.
"Wag!" sigaw ni Xyrus, napa tingin kami sa kanya. Madilim siyang naka tingin sa lalaking may korona. Bumalik ang tingin nito saakin.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...