"Oii! Gising! Para kang mantika kung matulog."Mahina kong binuksan ang mga mata, kinusot-kusot ko muna mukang may muta pako. Agad akong napatingin kay Zia, kakadating lang ata ng babaeng to.
"Kakadating mo lang ba?" Tanong ko sa kanya. Humikab pako, mukang ilang oras din akong naka tulog.
"Kani-kanina lang." Maikling sagot nito bago tuluyang umalis sa harapan ko at dumiretso sa kwarto niya.
Naglakad nako papunta sa kusina, bigla tuloy akong nauhaw. Bakit kaya kapag gigising ang isang tao parang na dedehydrate? Saan napunta yung tubig kapag natutulog?
Napaisip naman ako, binuksan ko ang ref at kinuha ang manok na lulutoin ko. Siguro napupunta sa pantog? Tama! Kapag gigising ang isang tao parang naiihi diba? So sa pantog nga.
"Parang kang timang alam mo yun?" Napalingon ako kay Zia na nag salita sa pintuan ng kusina.
"Che! May iniisip lang ako." Agad na sabi ko. Kahit kailan talaga pa epal!
"Kailan kaba nag isip ng maayos?" Lumapit ito saakin at kinuha ang manok na hawak ko. Sa tingin ko siya na mag luluto. Buti naman kung ganun, mas masarap siya mag luto kaysa sakin e.
"Ikaw diko alam kong kakampi ba kita o ano? Ansama ng ugali mo sakin!" reklamo ko. Ganito talaga ugali niya mula pagkabata. Baka nung pinag bubuntis palamang siya e masama na talaga ugali? Pasalamat siya mabait ako.
"Kakampi muko Hevean pero minsan diko alam takbo ng utak mo. Masyado kang lutang." Sabi niya pa.
Inirapan ko siya at tiningnan lang siya habang nag hihiwa.
"Anong plano natin bukas?" Tanong ko. Free time namin pareho siyaka palagi naman kaming nag bobonding kapag linggo. Mas gusto ko sa park pumunta or sa arcade ng mall. Kaso baka pa epal nanaman tong babaeng to, kung anong gusto kong gawin e ayaw niya naman.
"Gusto kong matulog mag hapon. Ayoko nang istorbo." Ansungit talaga. Napa 'tsk' nalang ako.
"Sige matulog ka hanggang hindi kana magising!" sigaw ko at padabog na pumunta sa kwarto ko.
Kung ayaw niya e di wag! Kaya ko naman gumala mag isa. Kinuha ko ang wallet sa drawer at tiningnan ang pera ko. Napa sampal ako sa noo ko. 500 pesos nalang pala pera ko. Binayad ko pala sa kuryente at pinang grocery nung naka raang linggo. Ako this month nag bayad tas siya naman next month. Next week pa sweldo ko. Pano to?
Umupo ako sa kama at bumuntong hininga. Hiram kaya ako pera kay Zia? Next month pa naman siya mag babayad ng kuryente at mag grogrocery e. Ngumiti ako ng nakakaloko at bumaba papunta sa kusina. Nagkukunwari akong malungkot.
"Hindi kaba talaga sasama? Pano naman ako?" Sabi ko sa malungkot na tono. Hindi niya parin ako nililingon. Busy siya sa pag gigisa.
"Feeling ko talaga hindi muko 'Bestfriend'" diniinan ko talaga ang pag kakasabi para naman umepek.
Huminga ito ng malalim at inilapag ang sandok sa lababo. Naglakad ito papunta sa kwarto niya, pag balik may dala na siyang isang libo. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. Baka mamaya mahalata niya.
Lumapit siya saaakin at idinikit sa noo ko ang isang libo. Napapikit pako baka kasi tamaan ang mata ko. Mahirap na baka mabulag pako.
Malapad akong ngumiti at kinuha ang isang libo sa noo ko. Alam na alam niya talaga ang gusto ko.
"Wag na wag mo akong iistorbohin bukas." sabi nito at nag patuloy sa pag luluto. Tumango-tango naman ako na parang bata at hindi parin umaalis ang ngiti sa mga labi. Pa kanta-kanta akong pumasok sa kwarto at inilagay sa wallet ang isang libo. Baka mamaya mawala pa,
Kinaumagahan na ligo agad ako at nag bihis. Kumain na rin muna ako at pumara ng tricycle para mag pa hatid sa sementeryo. Dadalawin ko muna sila bago gumala.
Bumili ako ng kandila at posporo. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila. Agad kong nakita ang pangalan ni Mama at Papa.
'Helen Ann Andora-Cavellente'
'Vernardo Cavellente'
Huminga muna ako ng malalim bago pilit na ngumiti. Sinindihan ko ang dalawang kandila para kay mama at dalawa rin para kay papa. Hinaplos ko ang mga lapida nila. Pinipigilan kong umiyak. Ayoko nang umiyak kapag dumadalaw ako tuwing linggo sa kanila. Alam kong ayaw nila akong nakikitang umiiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Alam niyo naman kung anong nangyayari saakin araw-araw, alam kong binabantayan niyoko....." napa hinto ako at yumuko. "k-kung masaya na kayo kung nasaan man kayo ngayon, siguro oras na para maging masaya narin ako. Lilibangin ko muna ang sarili ko, siguro kapag naka hanap nako ng taong mag papasaya sakin hindi na siguro ako mangungulila sa inyo." Tumawa ako ng may naisip akong kalokohan. "Sana di ako tumandang dalaga, HAHA. Alam ko sasabihin mo papa sayang lahi natin, sabagay tama ka. Sayang yung egg cells ko kapag nabulok lang." Ngumiti ako at hinaplos ulit ang lapida nila.
"Aalis napo ako, mag bobonding muna ako, tinamad po kasi si Zia e. Pagalitan niyo po siya next time." Pag bibiro ko.
Ilang sandali pa akong naka tayo doon at nag paalam na kila mama at papa. Sumakay na ulit ako sa tricycle at dumiretso sa park. Madami ngang tao sa park tuwing linggo. Bonding day ng mga pamilya, kagaya namin noon. Mahirap para saakin at hindi ko parin matanggap pero ilang taon na ang lumipas. Pagod na akong isipin ang lahat ng mga nangyari noon.
Umupo ako sa isang bench, wala namang naka upo doon kaya malaya akong naka upo mag isa. Naka harap ako sa fountain. Ilang beses na kaya akong nag wish dito. Na scam lang ako palagi,
Napalingon ako sa lalaking umupo sa kabilang side ng upuan. Hindi naman masyadong mahaba ang upuan nato, kasya lang ang apat na tao.
Paborito ba nito ang itim kaya puro itim suot niya? Naka v-neck t-shirt siya tas naka slacks na black tapos ang buhok niya pure black din na parang nasisilaw ako kasi parang kumikislap e. Pati relo at glasses niya itim din. Bakit di nalang buong katawan niya lagyan niya ng itim na tinta? Kaloka!
"Done checking?" bigla itong nagsalita. Napa kunot noo naman ako. Ako ba kausap niya? Lumingon-lingon ako sa paligid baka kasi nag kakamali lang ako tas baka sabihin assuming ako. Tumingin ulit ako sa kanya. Sino ba kausap nito? Baliw ata to e.
Hinubad nito ang glasses at tumingin saakin. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Ang mga mata niya kulay brown na parang gray. Ano ba siya hybrid? Baka dahil medyo malayo ako kaya diko masyadong makita.
"Staring is rude Ms." Napapitlag ako ng magsalita siya ulit. Napa iwas naman ako ng tingin. Iniingles ako, syempre di ako papatalo.
"Then don't look at me too Mr." agad na sabi ko at inirapan siya. Akala niya ha.
"You look at me first." rinig kong sabi nito. Bumuga muna ako ng hangin at pekeng ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]
Vampire[ COMPLETE ] Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na i...