Chapter 28

260 2 0
                                    


Tahimik lamang kaming kumakain sa hapag kainan nang maalala ko ang malaking aso na nakita ko kanina. Nag dadalawang isip ako kung itatanong ko ba. Bahala na, na-cucurious ako e'.

"Ahm.. Tito may itatanong po sana ako" pag uumpisa ko. Napatingin naman sa akin sila Tita at Tito habang si Zia ay patuloy paring kumakain. Ang takaw talaga ng babaeng to!

"Ano ba iyon hija?"

"Ahmm.... m-may nakita po kasi akong malaking aso kanina doon malapit sa gubat, ano pong aso iyon?" Takang tanong ko sa kanila ngunit bigla nalamang silang napatahimik at hindi nag salita. Pati si Zia ay napa hinto sa pag kain.

Napakunot noo ako nang tumingin si Tita kay Tito na parang nag uusap sila sa isip. Seriously anong mali sa tinanong ko?

"Hija anong kulay nang aso ang nakita mo?" tanong ni Tita Felia. Sa pag kakaalam ko kulay brown ang nakita ko.

"Brown po yata." Sagot ko. Para naman silang nabunutan ng tinik sa sagot ko. Nagtataka na talaga ako. Aso lang naman yung tinanong ko pero bakit parang napaka big deal yata sa kanila?

"Hevean hija, mabait ang asong iyon ngunit kapag naka kita ka ng itim na malaking aso-"

"Felia!"

Napa hinto si Tita nang sitahin siya ni Tito Lemuel. Meron pang itim na aso? So hindi nag-iisa ang asong nakita ko kanina?

Seryoso ang muka ni Tito Lemuel habang tahimik lamang si Zia at si Tita Felia. Napa lunok ako nang biglang mag bago ang aura nito, seryoso na ang muka nito.

"Wag kang lalayo sa bahay Hevean lalong lalo na wag kang pupunta sa gubat ng mag isa."

"Pero dati naman po-"

"Iba dati at iba ngayon ang panahon Hevean, sumunod ka nalamang maaari ba?"

Tanging tango nalamang ang naisagot ko kay Tito. Ganun naba kadelikado sa gubat na pinupuntahan namin noon nila mama at papa? Gusto ko sanang puntahan ang dating talon na nililiguan namin noon pero ayaw kong mapagalitan nila Tito at Tita.

Nang matapos kaming kumain ay nag prisenta akong tumulong mag hugas ng pinggan ngunit ayaw ni Tita, mag pahinga nalamang daw ako kaya naligo nalang ako at pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko ulit ang bintana at tinanaw ang gubat sa di kalayuan.

Nakapa dilim at parang nakakatakot puntahan kung ganiyan ka dilim lang din naman ang gubat di talaga ako pupunta. Tumingin ako sa langit at parang uulan pa yata dahil wala akong nakikitang bituin man lang sa langit.

Bumuntong hininga ako at humiga sa kama, inaantok na ako at gusto ko nang matulog. Hinimas-himas ko ang tiyan ko dahil feeling ko parang may gumagalaw sa loob. Buntis ba talaga ako?

"Pasinsya kana anak naging pabaya akong babae kaya hindi ko alam kung sino ang daddy mo." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Paano ko ba sasabihin kila Tito at Tita na buntis ako at hindi ko alam kung sino ang ama. Alam ko magagalit sila sa akin ngunit anong magagawa ko? wala akong maalala na may naging karelasyon akong lalaki.

"Sino ba talaga ang bumuntis sa akin?" Tanong ko sa hangin.
Humikab ako ng ilang beses at doon na tuluyang naka tulog.



(Third person POV)

Habang mahimbing na natutulog si Hevean ay nakalimutan nitong naka bukas ang bintana. May tatlong lalaking nag roronda sa gabi at nakita ng isa sa kanila ang bahay na bukas ang isang bintana. Agad nitong inakyat ang bukas bintana, isasara niya na sana ito ngunit nakita niya ang magandang dalaga na mahimbing na natutulog. Napahinto ito at tinitigan pa ng mas matagal ang dalaga mula sa bukas bintana.

Ngayon niya lamang ulit nakita ang dalaga at masasabi nitong hindi kumukupas ang angking ganda nito mula noong bata pa sila. Napangiti ang binata at tuluyan nang isinara ang bintana. Bumaba ito na may ngiti sa mga labi.

"Anong nangyari sayo?"

"Oo nga bakit naka ngiti ka anong nakita mo sa loob?"

Tanong ng mga kasama nito.

"Wala may nakita lang akong maganda sa loob." Napakunot noo naman ang mga kasama nito.

"Huh?"

"Wala, tara na mag ronda na tayo." Aya nito sa mga kasama.



(Xyrus POV)

"Nahanap mo ba siya Wena?"

Agad na tanong ko nang maka balik ito. Hindi ko na siya mahanap mula noong umalis sila ng pinsan niya. Alam kong hindi niya na ako naaalala dahil inutusan ko si Wena na alisin ako sa alaala nito pati narin sa mga taong nasa paligid niya. Masakit man ngunit kailangan kong gawin iyon para sa kapakanan niya. Ayokong may masamang mangyari sa taong mahal ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay Hevean.

"Hindi ko po siya nahanap mahal na prinsipe. Parang may pumipigil sa akin na mahanap siya, patawad."

Kinuyom ko ang aking palad sa inis na nararamdaman. May kinalaman nanaman dito ang Amang Hari. Gagawin niya ang lahat para maipakasal lang ako sa anak ng Vamos Clan.

"Kailangan ko pang maging malakas para matalo ang aking Ama." Marami siyang kaalyansa ngayon dahil pati ang Vamos Clan ay umanib na rin sa kaniya. Hindi ko kakayanin kapag mag isa lamang ako.

"Wag niyong sabihin na papasok ulit kayo sa portal?" Alam na ni Wena ang naiisip kong paraan. Isang linggo ay katumbas ng sampung taon sa loob ng portal. Doon ako nakulong ng mamatay ang aking Ina. Limang libong taon ay katumbas ng sampung taon sa mundo ng mga tao.

"Iyon nalang ang tanging paraan para maka pag handa ako at maging malakas Wena. Dalawang linggo akong mawawala, gusto kong hanapin mong muli si Hevean. Kapag naka balik nako gusto kong marinig mula sayo na alam mo kung nasaan siya."

"Masusunod po."

Kung nasaan man siya ngayon sana ay ayos lang siya. Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para ma protektahan lang siya, ngunit sa ngayon hindi ko pa kaya.

Naka tingin lamang ako sa malawak na kaharian ng Pure Blooded Empire. Sa dami ng mga bampirang nandito iisa lang ang kaaway ko at iyon ang sarili kong Ama. Hinding- hindi ko siya mapapatawad kapag may ginawa siya sa taong mahal ko. Wala akong pakialam kahit sarili ko pa siyang ama, papatayin ko siya kung kinakailangan.

"Tawagin mo ang puting mangkukulam, dalhin mo siya dito." Papasok na ako sa portal upang makapag simula nang mag sanay at mailabas pang lalo ang kapangyarihan ko.

"Masusunod mahal na prinsipe."

Hintayin mo sana ako Hevean.
"Pinapangako kong pag balik ko.... maproprotektahan na kita mahal ko."

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon