Chapter 38

267 5 0
                                    

( Hevean POV)

Pabalik-balik ako ng lakad dito sa loob ng kwarto, nagising ako dahil sa kaba na nararamdaman. Hinanap ko si Zia at sinabi sa akin lahat ni Tita Felia na umalis ito para mag hanap ng isang bampira. Natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Zia, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nasaktan at mamatay siya ng dahil sakin. 

Bumuntong hininga ako at umupong muli sa kama. Asan na ba siya? Bakit hindi pa siya bumabalik? Mag uumaga na.

Kasalanan ko 'to! Ako lagi ang puno't dulo ng lahat.

Naka rinig ako ng katok mula sa pinto at agad akong napa tayo at binuksan ang ito. Agad kong nakita ang muka ni Zia at Gabo.

Niyakap ko agad si Zia at umiyak.
"Akala ko ano nang nangyari sayo."

"Shhhh walang mangyayari sakin, kasama ko si Gabo siyaka si Albert kaya wala kang dapat na ipag alala."

Tumango ako at dumako ang tingin ko sa babaeng kasama at hawak² ni Gabo sa pulsuhan. Pula ang mga mata nito at parang natutuwa itong naka tingin sa akin?

"Ms. Hevean..."

Sambit niya. Kumunot ang noo ko. Kilala niyako? Siyaka bakit parang familiar siya? Nakita ko na ba siya noon?

"Sino siya?"

Tanong ko kay Gabo, ngunit wala itong imik. Tumingin ako kay Zia at tanging pait na ngiti lang ang sinagot niya sa akin. May kinuha itong maliit na bote sa maliit niyang bag at inabot ito sa akin.

"Inumin mo na ito para maalala mo na siya."

Napatingin ako sa bote. Ito ba ang potion na makababalik ng alaala? Pero natatakot ako.

"Tandaan mo sanang mahal na mahal ka niya." Rinig kong sabi ng babae. Napa lunok ako at kinuha ang maliit na bote sa kamay ni Zia. So this is it, maibabalik na ang alala ko, ang alaala niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim at binuksan ang bote, agad ko itong tinungga at inubos ang laman. Mapait at parang biglang sumakit ang ulo ko.

Napa daing ako dahil sa pag kirot ng ulo ko. Inalalayan ako ni Zia at pinaupo sa kama. Parang lumilibot ang paningin ko, side effects ba to? Biglang may nag flasflash sa isip ko, ang muka ng isang lalaki. Pumasok lahat sa isip ko ang mga alaala na magkasama kaming dalawa ni Xyrus.

Humagulgol agad ako ng iyak. Ang ama ng anak ko. . . si Xyrus, ang taong mahal ko.

"Xyrus...." pag sambit ko sa pangalan niya habang humihikbi.

Naalala kong siya ang dahilan ng pag kamatay ng mga magulang ko. Nagagalit ako pero gusto ko siyang makita at yakapin.

"W...wena, n-nasaan si Xyrus?"

Tumingin ako kay Wena na nakayuko.
"B-bumalik po siya sa kaharian upang mag sanay sa portal."

"Portal?"

Tumango ito.
"Opo, doon po siya nagsasanay at ilang linggo na po siyang naroon."

Tumayo ako sa kama at nilapitan si Wena upang yakapin. Nagulat pa ito sa ginawa ko pero mas nanaig ang pasasalamat ko dahil nandito siya.

Napa kagat ako ng labi at ngumiti ng mapait.

"Patawad kung kinuha ko ang mga ala-ala niyo."

"Ikaw pala ang kumuha ng alaala ko sa kaniya? Pero bakit?"

"Pasinsya napo Ms. Hevean kung kinuha ko ang alala ng mahal na prinsipe sa inyong isipan. Inutusan niya lamang ako dahil gusto niyang mabuhay ka ng mapayapa." yumuko ito.

"Patawad Ms. Hevean."

Tumango ako at muli nanaman siyang niyakap.
"Ayos lang Wena, ang importante nandito ka at naaalala ko na siyang muli."

KINAUMAGAhan  ay nag pulong kaming lahat upang sa papalapit na digmaan na sinasabi ni Wena.

"May plano silang patayin ang mga natirirang mga lobo at mga puting mangkukulam, pag katapos ng pulang buwan ay magsisimula na silang umatake." Mahabang linyahan ni Wena. Naniniwala ako sa kaniya, kilala ko siya, hindi siya magsisinungaling lalo na sa akin.

"Paano kami nakaka sigurado sa sinasabi ng bampirang iyan?!" Sigaw ng isang punong lobo.

Hindi umimik si Wena.

"Mas mabuting maging handa tayo. Maniwala man tayo o hindi kailangan parin nating maging handa sa mga kalaban."  Nakita kong napa tango sila sa sinabi ko.

"Ikaw ang naiiwang malakas mula sa mga kalahi mo, ikaw ang pag asa namin." dugtong pa ng isang may kantadaang babae.

Napatingin ako kay Zia at Gabo. Hindi ko alam kung ano ang isasaggot ko. Ang kapangyarihan ko ay hindi ko pa lubusang nailalabas at hindi ko pa ito  nasusubukang gamitin.

"Inaanyayahan ko ang lahat na mag sanay  mula bukas ng umaga. Maari na kayong umuwi at magkita nalang tayo bukas ng umaga sa lugar na kung saan tayo mag sasanay." Tanging nasabi ni Gabo at kaming anim nalamang ang naiwan.

Naka upo lamang si Albert at ang kasama niya habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Gabo.

"Hindi ako maaring mag tagal sa lugar na ito. Kailangan kong bumalik sa palasyo, hihintayin kong bumalik ang mahal na prinsipe, ipapaalam ko sa kaniya ang lahat ng ito."

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya.
"Maari sanang wag mo nang sabihin sa kaniya ang tungkol dito." Hinimas-himas ko ang medyo may kalakihang umbok ng tiyan ko.

Ngumiti siya at niyakap ako.
"Makakaasa ka Ms. Hevean."

Hinila ni Zia si Wena at may sinabi ito sa kaniya. Hindi ko sila masyadong marinig kaya tumingin nalang ako sa labas, napaka ganda ng panahon.

"Ayos kalang?"

Tumango ako sa tanong ni Gabo binigyan siya ng ngiti.

"Ngayong naaalala mo na yung lalaking mahal mo. . . pwede mo na ba siyang ekwento sakin?"

Bigla kong naalala kung paano kami nag ka kilala ni Xyrus.

"Sa ngayon wag muna. Nakikita ko naman na may mabubuong kwento tungkol sayo." I chuckled at tumingin sa direksyon na kung saan nag uusap si Wena at Zia.

Umiling-iling naman si Gabo.
"Pwede ba Ven² alisin mo yan sa isipan mo? Hinding-hindi ako iibig sa isang bampira, sa isang kaaway ng lahi ko."

Napahinto ako sa sinabi niya.
"Bakit? Wala namang may nagsabi na hindi pwedeng umibig sa isang kaaway."

"Meron. At ako yun."

Bumuntong hininga ako at tinapik-tapik ang balikat niya.

"Kung mahal mo ang isang tao, kahit kaaway mo man ito gagawin at gagawin mo ang lahat makasama at makuha lang siya. Alam ko naman na magiging masaya ka sa kaniya, just give it a try."

"Kahit mamatay ako, hinding-hindi ako iibig sa isang kaaway." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya akong tinalikuran at umalis. Sumunod naman sa kaniya ang dalawang kanang kamay nito at nakita ko kung paano tingnan ni Albert si Zia.

"Maiintindihan niya rin balang araw. Alam kong mag mamahal din siya ng kaaway kagaya ko." tanging nasabi ko habang naka tingin sa mga batang lobo na naglalaro sa labas.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon