Chapter 31

279 4 0
                                    


[Hevean POV]

"Magkano po?" Tanong ko sa babaeng nagbebenta ng bibingka.

"Sampung piso isa ining." Sagot naman nito.

"Dalawa sakin ha," Biglang sabat ni Zia.

Inirapan ko nalamang siya at bumili ng limang pirasong bibingka, bibigyan ko rin si Gabo. Teka nasaan na pala yun?
Inabot ko na ang bayad at hinanap ng paningin ko si Gabo.

Nandito lang siya kanina, hindi kaya iniwan niya na kami? Imposible naman dahil hindi niya naman magagawang iwan kami ni Zia.

"Nakita mo ba si Gabo?" Tanong ko kay Zia, busy itong kumakain ng fishball.

"Dwee kwoo allaahmm.. . ." Salita niya habang ngumunguya. Napaka takaw talaga! Ubos na yata pera namin kakabili ng pag kain. Hindi pa nag sisimula ang singing contest ubos na pera ko.

"Tara hanapin natin siya."

Hinila ko kaagad si Zia at naglibot-libot, napaka raming tao. Hindi ko masyadong makita ang muka ng mga tao dahil medyo madilim ang lugar.

"Tulungan mukong hanapin si Gabo, Zi!" Reklamo ko kay Zia na busy parin sa pagkain. Ano mang oras pwede nang pumutok ang tiyan niya kakakain.

"Oo ito na tutulungan na nga diba?!"

Pareho kaming lingon ng lingon sa paligid. Ang alam ko naka gray na T-shirt siya kanina. Nasaan na kaya siya? Umuwi na kaya yun?

"Doon natin siya hanapin." Turo ko sa medyo hindi mataong lugar. Tumango si Zia at sumunod naman sa akin patungo sa tinuro kong lugar.

"Nakakainis naman si Gabo! Bakit ba niya tayo iniwan?" Naiinis na reklamo ni Zia. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad habang tinititingnan ang mga damit ng mga taong nandito sa paligid. Gray ang suot na damit ni Gabo kanina.

"Gray. . . gray. . . gray. . ."

Dumako ang mata ko sa lalaking naka talikod na lalaki sa di kalayuan, naka gray ang suot nitong T-shirt. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ito sa balikat para humarap sa akin.

"Gab- Ay s-sorry po." Naiilang na sabi ko nang makita ang muka ng lalaki. Hindi siya si Gabo.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Zia at bumuntong hininga.

Bigla akong naka amoy ng mabaho. Sobrang baho talaga, para siyang balahibo ng manok na sinunog at parang amoy sunog na gulong.

"Ang baho!" Reklamo ko.

"Huh?" Suminghot - singhot si Zia at kinunutan ako ng noo. "Ano ba naamoy mo? Tae ba?"

"Gaga hindi! Ang baho talaga." Hinanap ko kung nasaan nanggagaling ang baho na naamoy ko. Biglang may dumaan sa harapan naming mga lalaking naka itim. Napa takip ako sa ilong ko dahil mas lalong nanuot sa ilong ko ang baho. Sa kanila ba nanggagaling ang baho na naamoy ko? Pero mukang malinis naman sila. Nagtaka ako dahil lahat sila naka itim at ang lalaking nauuna ay parang leader nila?

Gangster ata sila o mafia?

Napatingin sa akin ang isa sa kanila, kita ko sa muka niya ang pag tataka ng makita akong nagtatakip ng ilong.

Bigla tuloy akong natakot, agad kong hinila si Zia paalis sa lugar na iyon.

"Yung mga lalaking naka itim pala ang mabaho kanina." Sabi ko kay Zia.

"Huh? Ang bango-bango kaya ng lalaking nauuna kanina, gusto ko ngang singhutin lahat ng amoy niya 'e, gusto ko tuloy bumalik doon, baka nandoon pa siya." Mahabang linyahan niya. Napataas ang kilay ko, anong mabango ang sinasabi niya e muntik nakong masuka sa baho nila kanina. Iba talaga taste ni Zia, gusto niya talaga ang mga amoy basura. Tss!

"Tumigil ka nga jan! Batukan kita u want?"

"Bakit ba? Baka dito ko na mahanap ang forever ko kaya wag ka ngang pa epal pwede?" Inirapan niya ako at kinuha ang bibingka na binili ko kanina.

"Forever mo kumain pwede pa. Kailangan nating mahanap si Gabo. Ayokong umuwi na hindi natin siya kasama."

"Doon naman tayo maghanap." Turo niya sa medyo madilim na parte ng plaza. "Iniwan na niya siguro tayo." dugtong pa niya.

"Tumigil ka nga, hanapin mong mabuti gamit 'yang mata mo. Pag pogi kita mo agad pero pag si Gabo hindi?" Naka pamewang na saad ko. Napapagod nakong maglakad. Kainis talaga! Parang gusto ko na tuloy umuwi at wag nalang manuod ng singing contest.

"Samahan mo muna ako, naiihi nako kanina pa." 

"Mamaya kana umihi." Saway ko sa kaniya.

"Malapit lang naman ang Cr 'e, ayon ohh." Turo na sa pinaka dulo. Bumuntong hininga ako dahil parang mas nadadagdagan ang inis ko.

"Sige hihintayin kita dito, bilisan mo lang ha."

Agad itong tumango at iniwan ako, tinanaw ko nalamang siyang  naglalakad patungo sa pinaka dulo ng plaza kung nasaan ang Cr.

"Oi may chiks oh!"

Napapitlag ako ng may nagsalita sa likuran ko. Napalunok ako nang harapin ko ang tatlong lalaki, amoy alak ang mga ito at sa tingin ko ay mga lasing na.

"Oo nga pare, ang puti niya! HAHAHA"

Umatras ako at sinubukang umalis ngunit bigla akong hinawakan ng isang lalaki sa pulsuhan.

"Ano ba! Binitawan mo nga ako!" Pinilit kong ialis ang kamay niya ngunit masyado siyang malakas.

"Ano ba!"

"Wag ka ng pakipot Ms. . . mag eenjoy ka naman-"

Nagulat ako ng biglang may sumuntok sa lalaki, humandusay ito sa sahig. Sunod naman niyang sinuntok ang isa pang lalaki.

"Sino ka?! Wag kang mangialam dito!" Singhal ng lalaking naka hawak sa akin.

Napatingin ako sa damit ng lalaking sumuntok sa dalawang lalaki. Gray ang damit niya at ang pangangatawan, parang pamilyar.

"Gabo?" tawag ko sa kaniya. Nakatalikod ito sa akin.

"Kilala mo yan?!"

Humarap ang lalaking sumuntok sa dalawang manyak na lalaki at hindi nga ako nag kakamali, si Gabo nga. Madilim ang muka nito at ano mang oras ay parang papatay siya ng tao. Nakakatakot!

"Bitawan mo siya." Mahinahon ngunit may bahid ng galit ng tono ng pananalita niya.

"Sino kaba? Sabing wag kang mangialam!"

Binitawan ako ng lalaki at akmang susuntukin si Gabo ngunit mabilis na umilag si Gabo at sinuntok ang lalaki sa tiyan sabay siko sa likod ng ulo nito.

Napasinghap ako sa ginawa ni Gabo. Ang bilis niya kumilos at parang wala lang sa kaniya ang pag suntok ng malakas.

Napa igik ang lalaki at humandusay sa sahig kasama ng dalawang kasama niya.

"Ayos kalang ba?" Agad itong lumapit sa akin at tiningnan kung may galos at nasaktan ba ako. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Totoo bang si Gabo ang nakita kong nagpatumba sa tatlong lalaki na 'yon?

"Ohh nandito kana pala Gabo." Biglang sumulpot si Zia.

"Teka bakit may natutulog diyan?" Turo niya sa tatlong lalaking naka handusay sa sahig.

"Tara na, umuwi na tayo." Hinila na kami ni Gabo paalis at agad na sumakay ng tricycle.

Napatakip nanaman ako sa ilong ko nang maamoy ang mabahong naamoy ko kanina. Nanggagaling ito ngayon kay Zia.

Hindi naman ganito ang amoy niya kanina.

"Ang baho mo Zi." reklamo ko. Nandito kami ni Zia sa loob ng tricycle at nasa labas naman naka sakay si Gabo.

Sininghot-singhot niya naman ang sarili. "Hindi naman ah! Masyado ka namang harsh. Naligo kaya ako!"

"Saan kaba galing at ganiyan ang amoy mo?"

"Diko alam. . . sa Cr lang naman ako galing kanina siyaka alam mo ba? Nakita ko ulit ang lalaking pogi. Nakipag kilala pa nga siya sakin 'e." Kinikilig na sabi niya. Sinong pogi ang tinutukoy niya?

"Sino?"

"Yung lalaking kasama nung naka itim kanina. Rex pala pangalan niya."

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon