15

366 7 0
                                    


Naramdaman kong may nakatitig saakin kaya agad kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad saakin ang muka ni Xyrus na prenteng naka tingin saakin habang may mumunting ngiti sa mga labi. Pero teka! Bakit siya nandito? Paano siya naka pasok? Luminga linga ako sa paligid at doon ko lamang napag tanto na wala ako sa loob ng kwarto ni Zia kundi nasa sarili ko mismong kwarto. Pero paano?

Kunot noo ko siyang tinitigan. Paano ako naka rating dito sa kwarto ko? At paanong nandito siya?

"Good morning baby," bati nito saakin. Hahalikan sana ako nito sa labi ngunit umiwas ako. Baka mabaho hininga ko tapos ma turn off siya sakin. Agad akong bumangon at dali-daling lumabas ng kwarto para pumunta ng banyo. I-isa lang ang banyo namin ni Zia at wala naman kaming problema pag dating doon. Hindi nga kami sumasabay gumising, maligo pa kaya?

Agad akong naghilamos at nag mumug, tiningnan ko muna ang muhka ko sa salamin. Todo ngiti pako sa salamin para malaman ko kung maganda ba ako, baka mainip yun sa kakahintay sakin? Agad na akong lumabas ng banyo at pumasok sa kwarto. Nandoon parin siya sa kinaroroonan niya pag balik ko.

"Good morning." Bati ko at naka ngiting lumapit sa kaniya. Naka ngisi lang ito na parang nanunukso. "What's with that face?" Takang tanong ko.

"Nothing, come here baby." Tumayo ito at mariin akong niyakap. Parang na miss ko tuloy siya kahit kahapon lang kami nag kita, ganito ba talaga kapag inlove?

"Kahit hindi ka mag mumug or whatsoever.......your breath still smells good." Nambola pa nga. Mahina ko siyang sinampal sa balikat.

"Bolero,"

"Nope I'm not. Do you want a prof?" hamon nito saakin. Tumango ako. He gently lean his face closer and kissed me. It's was a passionate kiss and it was wonderful, it taste like heaven. Bago paman lumalim ay agad na akong lumayo sa kaniya, may trabaho na pala ako ngayon.

"I need to work first," pagkasabi ko nun ay agad kong kinuha ang damit at pantalon ko sa closet, kumuha rin ako ng undergarments. Nag madali akong naligo at nag ayos ng sarili. Pag balik ko kanina sa kwarto wala na siya, saan kaya yun nag punta? Bumaba na ako para mag almusal at aalis narin ako kaagad.

Ganun nalamang ang gulat ko ng makita ko si Xyrus na naka upo sa sala at parang may hinihintay. Hindi ko nalamang siya pinansin at dumiretso sa kusina. Buti nalang palaging nag luluto si Zia bago umalis. Hindi ko na naubos ang pag kain ko at agad na niligpit ang mga gamit ko, paalis na ako ng napako ang tingin ko sa couch ng sala. Wala na doon si Xyrus, nasaan nanaman siya ngayon? Para siyang kabute, kung saan-saan sumusulpot.

Lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto. Sunod kong nilock ang gate ng may naalala ako.

Teka! Baka naiwan si Xyrus sa loob? Nako naman, bakit hindi ko naisip yun?

*BEEEEEPPPPPP*

"Ay kabayo!" napatalon ako sa gulat ng may bumusina sa likod ko. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ang kotse ni Xyrus. Buti naman at nasa labas siya, akala ko naiwan ko na siya sa loob ng bahay. Naka hawak parin ako sa dibdib ko ng maka sakay ako at isinuot ang seat belt.

"Did I scare you?" Nag aaalang boses nito. Umiling-iling ako at inalis ang kamay ko na kaninang nasa dibdib. Inaamin ko kinabahan ako, masyado kasi akong magugulatin kaya naman palagi akong sumisigaw kapag nagugulat.

"Hindi naman, ahmm.... ihahatid mo ba ako?" tanong ko. Tumango naman ito, pinaandar na nito ang makina ng sasakyan. Mga 20 mins lang naman ang layo ng pinag tratrabahohan ko.

"Gusto mo ba talagang mag trabaho?" Binasag nito ang katahimikan.

"Oo, para mabuhay. Wala kaming gagastosin kapag hindi kami magtratrabaho ni Zia." Paliwanag ko. Eh si Xyrus kaya? Ano kaya trabaho niya? Baka sa opisina?

"Ikaw ba? Saan ka nag tratrabaho?" Biglang tanong ko, curious ako e.

"I don't have, but sometimes I do work. Sariling lakad at trabaho para sa ikabubuti ng lahat." Napakalalim ng pag kakasabi niya pero hindi ko maintindihan. Sinong lahat? Mga trabahador ba nila ang tinutukoy niya?

Hindi nalang ako umimik dahil parang ayaw niya namang pag usapan. Tumahimik nalang ako buong byahe wala naman akong naisip na pag usapan namin. Bumaba na ako ng dumating na kami sa tapat ng resto na pinag tratrabahohan ko. Nakakahiya dahil bakit sa harap pa kami mismo bumabang pareho? Nagtaka ako dahil ibinigay ni Xyrus ng susi ng kotse sa isang staff ng resto at kasamahan ko rin sa trabaho. Hindi ko nalang pinansin at patuloy lang sa pag lalakad patungo sa staff room. Pag dating ko ay pareho silang natigilan.

"Venven?" tawan ni Dave. "Ikaw nga, buti naman at magaling kana. Miss kana namin." Lumapit ito saakin at inakbayan ako.

"Oo nga Hevean, nakaka miss kang babae ka, ohh kamusta na pakiramdam mo?" Lumapit narin saakin si Cali.

"Okay na ako, na miss ko din kayo." Ginulo naman ni Dave ang buhok ko.

Natigilan kami ng pumasok ang manager namin. Bigla kaming nataranta kaya naman hindi agad kami naka kilos agad. May sumunod na lalaking pumasok. Teka! Si Xyrus? Anong ginagawa niya rito? Madilim ang muka nitong naka tingin sa direksyon ko, sumunod ang tingin ko kung nasaan ito naka tingin at ganun nalang ang kaba ko dahil sa kamay pala ni Dave ito naka tingin, naka akbay parin pala si Dave saakin. Agad kong kinuha ang kamay ni Dave sa balikat ko. Patay! Hindi pa naman ako naka pag paalam kanina bago ako pumasok at diredirestyong naglakad at hindi man lang ako lumingon sa kaniya.

"Everyone, this is Mr. Vlad our new owner." Pakilala ni manager Ruel sa kanya. Ruel nga ba? o Ruela? Kaya mailap sa babae si Manager dahil hater siya ng mga kababaihan, mas maganda daw kasi siya, psh kasinungalingan!

Pero teka, new owner? So ibig sabihin siya na ang boss namin? Tinotoo niya talaga yung sinabi niya saakin?

"Good morning sir," bati ng mga katrabaho ko samantalang tulala parin ako at nag sisink in parin sa utak ko ang mga nangyayari.

"Okay, back to work." medyo sigaw saamin ni Manager. "As we continue sir--" Hindi na natapos ni Manager ang iba pang sasabihin nang mag salita si Xyrus, este si sir Xyrus.

"You!" nagulat ako ng ituro niya ako. Bakit ako? tanong ko sa sarili ko. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Give me a glass of water in my office, now!" napapitlag ako dahil medyo tumaas ang boses nito. Bakit parang galit siya? Tumalikod na ito at lumabas na ng silid. Mukang na tension naman si manager Ruel at mga kasamahan ko.

"Narinig mo siya Hevean, bilisan mo wag kang tatanga-tanga." agad na sabi ni Manager Ruel bago ito lumabas at hinabol si Sir Xyrus. Umirap ako sa hangin sa inis na nararamdaman. Tinawag ba naman akong tanga.

"Parang nakakatakot' ang bagong boss natin ano'? Pero ang gwapo.." tili ni Cali. Tanging ngiwi lang ang reaction ko. Yung gwapong sinasabi niya 'e boyfriend ko lang naman. Kumuha ako ng isang basong tubig at agad na dumiretso sa office ni Sir Xyrus.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Sir--" Nagulat ako ng biglang may humila saakin at isinandal ako sa pader, medyo napa daing ako dahil sa pag tama ng likod ko sa pader. Ang baso na kaninang hawak ko ay nasa sahig na at basag. Napatingin ako sa taong nanghila saakin at walang iba kundi si Xyrus.

"How dare him to touch you."

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon