Chapter 41

218 2 0
                                    

[Xyrus POV]

Nang maka labas ako ng portal ay agad akong sinalubong ni Wena.

"Mahal na prinsipe. Mabuti't narito na kayo. Kailangan kayo ngayon ni Ms. Hevean."

Kumunot ang noo ko.
"Anong nangyari?" Agad na tanong ko.

"Pag pasok ko ng palasyo ay narinig kong sinugod ng vamos clan at ng iyong ama ang kuta ng mga puting mangkukulam at natitirang mga lobo, a-at doon nagtatago ngayon si Ms. Hevean. Marahil ay dahil sa akin kaya nahanap kung saan siya nag tatago, patawad mahal na prinsipe, kasalanan ko." Lumuhod ito at yumuko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nag madaling umalis. Hinanap ko kaagad ang amo'y niya. Amo'y na amo'y ko ang dugo niya kahit napakalayo ng kinaroroonan nito. Mukang may nangyari nga sa kaniya. Galit at lungkot ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako na baka may nangyari na nga sa kaniya at nagagalit ako dahil sa sarili kong ama at lahi. Papatayin nila ang taong mahal ko.

"Sh*t!! Please. . . wag mukong iiwan Hevean." pag mamakaawa ko. Agad ko'ng ginamit ng kapangyarihan ko upang mabilis na maka rating sa kung saan naaamoy ko ang dugo niya. Sumama sa akin si Wena dahil ramdam ko ang presensya nito na naka sunod sa akin. Mas binilisan ko pa ang pag takbo nang may iilang bampirang naka sunod sa amin. Huminto ako at hinarap sila.

Ang ayoko sa lahat ay ang mga sagabal lalo na't nagmamadali ako.

Tumalon ako at sinaksak ang mga dibdib nila. Mabilis ko silang pinatay gamit ang bilis ko, agad silang naging abo, mas double ang bilis ko kaysa sa kanila. Kita ko rin na may pinatay din si Wena. Tumango ito sa akin at muli nanaman akong mabilis na tumakbo. Mas lalo kong naamoy ang dugo ni Hevean. Malapit nako mahal ko. Magkikita na tayo'ng muli.

Ilang minuto rin ang naka lipas at sa wakas ay naka rating na ako sa kuta ng mga lobo. Amo'y na amoy ko ang mga itim na lobo. Patuloy parin silang naglalaban. Naaawa ako sa mga batang naka handusay sa sahig. Sa tingin ko ay mga batang lobo at puting mangkukulam. Mga walang awa ang mga itim na lobo at mangkukulam. Agad kong pinatay ng iibang itim na lobo na nadadaanan ko. Nagulat ang ibang bampira sa ginawa ko. Nagtataka kung bakit pinapatay ko ang dapat na kakampi ko.

Mas lalo akong nainis ng makita ko ang pinsan ni Hevean na sinasakal ng isang bampira. Wala pang isang segundo ay nasa likuran na ako ng bampira at sinaksak ito hanggang sa puso. Naging abo ito at humandusay sa sahig si Zia habang habol ang hininga nito.

"Zia nasaan si Hevean?! Nasaan siya!"

Niyugyog ko ang balikat nito ngunit ubo lang ito ng ubo.

"Xy-xyrus. S- si Hevean. . . . ilig-tas mo s-siya." hirap na hirap na sabi nito.

"Sabihin mo kung nasaan siya." para akong nawawala sa sarili ko. Nag aalala ako na baka ano nang nangyari sa kaniya. Hindi ko kakayanin, ayokong mawala siya sakin.

"Na-naroon s-siya sa gubat. Ilig-tas mo siya." Pag ka sabi nito ay agad ko na itong iniwan kay Wena.

Binitbit niya si Zia at dinala sa kung saan. At ako naman ay patuloy lang sa pag patay sa mga itim na lobo at bampira. Ang ibang puting mangkukulam at lobo ay nagtataka kung bakit pinapatay ko ang mga kalahi ko.

Mas nanuot ang dugo niya na sa hangin. Sh*t!!

Ramdam ko ang galit at gustong kumawala na kapangyarihan ko. Kapag may nangyaring masama sa taong mahal ko, pinapangako ko, papatayin ko silang lahat at wala akong ititira!!

Agad akong tumakbo papunta sa gubat at hinahap ang amo'y nito. Sana hindi pa huli ang lahat.









[Hevean POV]

Sobrang sakit! Habol ang hininga ko habang mahigpit akong naka kapit sa tela. Parang binibiyak ang ibabang parte ko. Sobrang sakit!!

"Ahhh!!!!" sigaw kong muli. Parang lalabas na talaga ang anak ko. Diyos ko, walang tutulong sakin. Baka anong mangyari sa anak ko. Patuloy ako sa pag iri habang umiiyak. Hindi ko kaya ang sakit.

Ramdam ko ang pag galaw nito sa loob at pinipilit nitong lumabas. Ramdam ko ang ulo nito na lumabas kaya agad kong kinapa at mahinang hinila ang ulo.

"AHHHH!!!" huling iri ko. Binigay ko lahat upang mailabas na ng tuluyan ang anak ko. Nang sawakas ay inilagay ko ito sa dibdib ko. Humagolgol ako ng iyak habang natutuwang makita ang anak ko. Puno ito ng dugo at hindi pa napuputol ang pusod nito.

"S-salamat sa Diyos. A-anak ko." Patuloy parin ako sa pag iyak. Kinuha ko ang kutsilyo at tinali ang pusod ng anak ko siyaka ko ito pinutol at inilagay ko itong muli sa dibdib ko. Kahit hirap na hirap ay pinilit kong tumayo at umupo sa kabilang gilid.

Tahimik lang ito at wala ni anumang hikbi na nag mumula sa kaniya. Nag taka ako kaya naman inilagay ko ang isang daliri ko sa ilong nito, doon ko nalamang napag tanto na hindi ito humihinga. Lumalamig din ang katawan nito.

"Anak!! H-hindi. . . . anak!!" Hindi Ako maka paniwala. Ang anak ko. . . ang anak ko hindi siya humihinga. Dapat ay humihikbi ito pag labas mula sa sinapupunan ko.

Muli akong umiyak at hindi ko alam ang gagawin. Ang anak ko, ayokong mamatay ang anak ko.

"Anak!! Please. . . wag mong iiwan si mama. Please. . . . anak." Niyugyog ko ito at mahinang pina-pump ang dibdib ngunit wala. Ilang minuto ko iyong ginawa ngunit wala parin. Nauubusan nako ng lakas. Ang anak ko, kailangan niyang mabuhay, kahit wag na ako kahit anak ko nalang. Ilang minuto ko iyong ginawa ngunit hindi parin ito umiiyak at patuloy lang sa pag lamig ang katawan nito. Nawawalan nako ng pag-asa.

"W-wag ang anak k-ko. Diyos ko wag mo munang kukunin ang a-anak ko. Wag mo siyang kunin!! Please!" Pag mamakaawa ko. Kung naririnig man niya ang panalangin ko. Sana kahit ngayon lang. Kahit ang anak ko nalang, wag nalang ako. Kahit yung anak ko nalang.

Patuloy parin ako sa pag iyak habang kayakap ang anak ko. Ilang minuto din akong naka upo sa pinaka sulok habang karga ang walang buhay kong anak.

Nanghihina ako. Bumibigat din ang takulap ng mga mata ko. Kitang kita ko ang nakapa raming dugo sa sahig. Habol ang hininga habang naka titig ako sa anak ko. Napaka gwapo nito, kamuka siya ni Xyrus, mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, manipis na labi at makapal na kilay. Ngumiti ako ng mapait, bakit hindi ko man lang narinig ang pag iyak ng anak ko? Bakit hindi ko man lang siya nabigyan ng pag kakataon upang mabuhay? Bakit napaka walang kwenta kong Ina! Pinatay ko ang anak ko! Namatay siya ng dahil sakin!

Nawawalan na ako ng hininga at biglang dumilim ang buong paligid ko. Siguro ay ito na rin ang katapusan ko. Masaya parin ako dahil sa wakas ay makikita ko parin ang anak ko kahit sa kabilang buhay man lang.

'Hintayin mo ako anak, mag sasama na tayo.'

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon