Chapter 40

288 2 0
                                    


[Xyrus POV]

Malakas kong sinuntok ang dalawang malalaking halimaw na kumalaban sa akin, sa isang suntok ko lamang ay agad silang tumilapon. Lumalakas na ng tuluyan ang kapangyarihan at katawan ko.

Muli akong sinugod ng mga halimaw, isa 'rin silang bampira ngunit mga hayop sila at mas malaki sa ordinaryong laki ng isang normal na hayop. Dalawang halimaw na aso ang kaharap ko, sobrang bilis din nila at sa tingin ko ay sanay na sa mga labanan, naalala ko dati napatay ko na ang iilan sa kanila.

"Sh't!" Bulyaw ko nang tamaan ako ng isa sa kanila. Agad akong umiwas nang akma akong kakagatin ng isa pang halimaw.

May naiisip akong paraan upang matalo sila. Kailangan silang patayin mula sa loob.

Tumalon ako ng mataas, ito lang ang pwedeng maka talo sa isa sa kanila. Nang malapit na ako sa isang halimaw ay agad niyang ibinuka ang bibig para saluhin ako at kainin ng buo, kagaya ang plinaplano ko.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko at mabilis pa sa kidlat na tinusok ang mahahaba kong kuko sa lalamutan nito patungo sa puso, dahilan para maging abo ito. Ang tanging kahinaan at kamatayan ng isang bampira ay saksakin ito sa puso.

Nanghina ako dahil sa kapangyarihan na inilabas ko, ilang araw ko na 'ring ginagamit ang kapangyarihan ko at wala pakong pahinga mula nang pumasok ako sa mundong ito.

Napa luhod ako sa sahig at habol ang hininga habang naka tingin sa isa pang halimaw na papalapit sa akin. Siguro hindi pa talaga ako ganun kalakas. Siguro hindi ko pa talaga kayang protektahan siya. Napa pikit ako dahil nanghihina na ang buong katawan ko.

"Mahal na mahal kita Xyrus."

Napa mulat ako dahil sa boses na narinig ko mula sa isipan ko. Boses ni Hevean, naghihintay siya sakin. Hindi ako pwedeng sumuko!

"Ahhhhh!!!!" Tumayo ako at buong tapang na hinarap ang halimaw, sing bilis ng kidlat ko siyang sinuntok at sinipa. Hindi ito natinag at patuloy sa pag atake, mas malakas siya kaysa sa isang halimaw kanina.

Napa hilata ito nang suntukin ko ito mula sa panga, inilabas ko ang matatalim kong kuko at agad na tinusok ito sa dibdib ng halimaw, mas lalo ko pang idiniin hanggang umabot ito sa kaniyang puso. Di kalaunan ay naging abo narin ito.

Napa higa ako sa sahig at habol ang hininga habang naka tingin sa kulay abong kalangitan. Natatakpan ng makapal na usok ang langit dahilan upang hindi maka labas ang sikat ng araw. Lahat ng mga halimaw na naririto ay galing sa mundo ng mga mangkukulam, dito nila itinatapon ang mga nagagawa nilang mga halimaw.

"Mahal na prinsipe!! Kailangan niyo nang bumalik!! "

Rinig kong tawag ni Wena. Gumamit ito ng mahika upang tawagin ako sa mundong ito, agad na pumasok sa isipan ko si Hevean,  nasa panganib ito at kalaingan ko siyang iligtas.






[Hevean POV]

Takot na takot ako ng makita ang isang malaking itim na lobo na bigla nalang sumulpot sa harapan namin. Nakakatakot ang mapupulang mata at malalaking matalim na ngipin nito, tumutulo din ang laway nito habang naka tingin sa amin ni Albert. Humahangos si Albert ng tingnan ko siya, sa tingin ko'y mag aanyong lobo din ito. Bakit ganun kaaga silang sumugod? Ngayon naba ang digmaan na magaganap?

"Albert..." Tawag ko sa kaniya ngunit mukang hindi niya ako narinig dahil maimtim itong naka titig sa itim na lobo.

"Tumakbo ka ng mabilis at wag na wag kang lilingon." Mahina nitong sabi.

Napakagat ako ng labi at humikbi, natatakot ako. Napa hawak ako sa tiyan ko, ayokong may masamang mangyari sa akin, sa mga kasama ko at sa lahat ng nandito. Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba ang sinabi ni Albert.

"Bumalik ka kila Zia. . . . mag iingat ka." pag tapos niyang sabihin 'yon ay nag anyong lobo na ito, kulay puti na may halong kayumanggi ang kulay ng balahibo niya. Umungol ito ng napakalakas at agad akong tumakbo paalis sa lugar na iyon.

Sinunod ko ang sinabi niyang wag akong lilingon, alam kong malakas si Albert pero alam kong hindi nag iisa ang itim na lobo na 'yun.

Ramdam ko rin ang pananakit ng tiyan ko.

"Anak. . . k-kumapit kang mabuti please. . . ." humihikbing sabi ko habang naka hawak sa tiyan ko. Humihina na rin ang pag takbo ko dahil sa pagod.

Malapit nako sa lugar nakung saan huli kong nakita sila Zia at Gabo.

Nakarating na ako sa lugar kung saan ko huling nakita si Zia at Gabo at may labanan na nangyayari dito, ang mga batang lobo ay tumutulong sa pakikipag laban, naawa ako sa sitwasyon nila dahil marami na sa mga kasamahan namin ang sugatan.

Napatulala ako habang patuloy parin sa pag iyak.

"Hevean!!"

Rinig kong tawag ni Zia, hinanap ko kung nasaan nanggagaling ang boses niya at nakita ko siya sa di kalayuan, tumatakbo ito patungo sa kinaroroonan ko.

"Zia!!" Tawag ko rin dito. Napalaki ang mata ko ng may nakita akong isang lobo sa likuran niya at akma itong kakagatin, parang nag slow mo lahat ng mga pangyayari, huminto ang paghinga ko ng muntik na sanang kagatin si Zia. Buti nalamang ay dumating ang isang brown na lobo na sa tingin ko ay si Albert, may kalmot ito sa tiyan, hindi mabuti ang lagay ni Albert. Sa pag kaka tanda ko may halong lason ang kuko ng isang itim na lobo.

Gumapang si Zia paalis sa nag aaway na dalawang lobo at agad na tumayo at tumakbo, niyakap ako nito. Nanginginig din ang mga kamay niya.

"Kailangan na nating mag tago."

"Hindi, paano sila. . . tulungan natin sila."

Hinawakan niya ang balikat ko.
"Hindi mo sila matutulungan sa lagay mo, please makinig ka sakin."

"Pero Zia ang mga bata at sila Albert at Ga-"

"Kaya na nila ang mga sarili nila, sa ngayon kailangan kitang itago dahil ikaw ang pakay nila!" Sigaw sa akin ni Zia. Ako? Bakit ako?

"A-ano?"

Hindi ito sumagot bagkos ay agad akong hinila patungo sa kakahuyan.

Mula rito ay rinig ko ang mga ungol at sigaw. Naawa ako sa mga kasamahan ko na naiwan sa labanan, ayos lang kaya sila? Wala akong magawa, napaka hina ko! Wala akong magawa para tulungan sila.

Muli nanaman akong umiyak.

Nanginginig parin ang kamay ni Zia habang patuloy parin sa pag hila sa akin.

Nakarating kami sa malaking puno. Anong ginagawa namin dito?

"Mas safe ka dito."

May sinambit itong hindi ko maintindihan at biglang may bumukas na parang pintuan mula sa ugat ng malakit puno.

Hinila niya ako papasok at agad akong inabutan ng tubig.

"Dito kalang, kahit anong mangyari wag na wag kang aalis. Hintayin mong balikan kita rito."

"Pero paano ka?"

"Babalikan ko sila."

Hinawakan ko ang mga kamay nito.
"Mag-iingat ka, ipangako mong babalik ka Zi." Tumulo ang luha ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. Walang kasiguraduhan kong makakabalik nga talaga siya.

"Pangako." Ngumiti ito at hinaplos ang muka at ang tiyan ko.


HALOS ilang minuto na rin ang naka lipas ng iwan ako ni Zia. Mas lalong sumasakit ang tiyan ko. Napapapikit at napapasigaw ako dahil sa sakit.

"Ahhh!" Sigaw ko ng muli nanamang sumakit. Parang gumagalaw ito sa loob at parang gusto na nitong lumabas. Manganganak na yata ako.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon