(SPECIAL CHAPTER)

227 4 0
                                    


Matapos ang digmaan ng mga lobo, bampira at mga mangkukulam ay naging payapa na ang ang aming pamumuhay. Parang kailan lang ang limang-pung taon.

“Baby?” Rinig kong tawag ni Xyrus. Nandito kami sa gitna ng gubat na kung saan ay nag hahanap kami ng hayop. Nauuhaw nanaman ako sa dugo.

“Hmn?” Binalingan ko ito at may mga pagtataka sa muka nito. Hindi ko namalayan na natulala pala ako.

“Ayos kalang ba?” Tanong nito.

Tumango ako at ngumiti.
“Oo, may iniisip lang ako.”

“About what?”

“Hindi parin ako maka paniwala na kasama kita, may anak ako–siyaka nag ka ayos na ang mga lobo at bampira, na noon ay na ekwekwento lamang sa akin na lagi silang mag ka away.”

“It's because of you, kung hindi dahil sayo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. And thank you for that, baby.” Napangiti ako sa sinabi nito.

Naka amoy ako ng isang baboy ramo sa malapit. Agad akong gumamit ng bilis at hinabol ang baboy ramo, nahuli ko ito at kinagat ko ang leeg nito upang sipsipin ang dugo. Nang mabusog na ako ay ibinigay ko naman kay Xyrus ang baboy ramo.

“Thank you,” Saad nito at kinagat ang kabilang leeg ng baboy ramo. Inubos nito ang dugo ng baboy. Bumalik na kami sa kaharian. Mag kahawak kami ng kamay habang papasok ng pinto.

Nadatnan namin si Herus na may kausap. Ang anak iyon nila Gabo na lalaki, ang pinakang bunso. May kasama rin silang kaibigan na lalaki na sa tingin ko ay ang anak ng itim na lobo at bampira. Kalahating lobo at bampira rin ito kagaya ni Waren.

“Waren, nandito ka pala.”

Pag kuha ko ng kanilang attention.

“Hi, Tita. Napadaan lang kami ni Jero. Binisita lang namin si Herus.” Naka ngiting saad nito.

Lumapit ito sa akin at bumeso.
“Kamusta ang papa at mama mo?” Tanong ko dito.

“Still the same Tita, laging nagbabangayan.” natatawang sabi nito.

Napatawa naman kami.
“Good to see you kid.” Ani ni Xyrus kay Waren.

“Hay nako Tito, iniisip mo parin na bata ako.” Pagyayamot nito.

“Kamusta narin pala ang mga kapatid mo?”

“They having a family na tito.”

Tumango ako sa sinabi nito at ginulo ang buhok niya. Binatang binata na talaga sila ni Herus. Parang kailan lang. Hindi na nag iba ang itsura ni Herus ng tumuntong siya ng twenty years old, at kasing gwapo niya si Xyrus. Aakalain mong parang magkapatid lamang sila. Minsan nalamang dumalaw sila Gabo at Wena dito sa palasyo. Masyadong busy si Gabo sa pagiging pinuno ng mga lobo.

“Ikaw kailan ka mag aasawa?”

Napakamot ito sa ulo.
“Hindi ko pa po nahahanap Tita, hahanapin ko palang.”

“Ano bang pinag uusapan niyo? Mukang ang seryoso niyo kanina.” Natatawang tanong ko sa kanila. Seryoso lamang ang kasama nilang si Jero, ganun naman palagi ang ekspresyon nito, parang si Xyrus din. Napaka lamig ng muka.

“Pinag uusapan namin ng puting lobo ma.” Saad ni Herus.

“What about it?” Si Xyrus na mukang nagkaroon ng interest.

“Iniisip namin kung meron pabang white wolf's na nag eexist now a days.”

Bigla kong naalala ang sinabi ni Gabo fifteen years ago. May sinabi itong tungkol sa pagpatay ng mga itim na lobo sa puting lobo. Dahil isang threat daw ang puting lobo sa mga itim na lobo.

“Yes they are.” Saad ko. Ngunit hindi ako sigurado. Ang huling rinig ko ay mukang inubos na ng mga itim na lobo ang mga puting lobo.

“Ohh siya sige, maiwan na muna namin kayo.” Sabi naman ni Xyrus at hinila ako paalis.

“Mag iingat kayo.” Huling sabi ko bago mag pa hila kay Xyrus.

“I know what you're thinking,” Humawak ito sa balakang ko at inalalayan ako habang paakyat ng hagdan.

“Sa tingin mo ba meron pang natitira sa mga puting lobo? Hindi pa ako nakakakita ng puting lobo sa tanang buhay ko.”

“I don't know but I know they exist. Maybe they are so far away from us, that's why.” He kissed me at pumasok kami sa kwarto.

Alam ko na ang gusto ng bampirang ito. Bakit ba kasi sobrang lakas ng sex energy ng mga bampira. I kissed him back passionately, napahiga ako sa kama. Hindi naman natutulog ang mga bampira pero nag lagay parin kami ng kama para dito gumawa ng milagro. This is my life now and I'm happy with it.

Xyrus and Herus is my life, my forever. I hope they find their love in a right time, just like mine.






__________________________
__________________________
__________________________

I have a new story po related din po sa story ‘kong ito pero tungkol na po ito sa tatlong binata na nasambit kanina sa POV ni Hevean. ‘The White Wolf's Mate’ the title of my new story, side story napo ito. If you're interested, just check it on my story works. On-going na din po siya. Thank you so much for reading my stories. Mahal ko kayo❤️

🎉 Tapos mo nang basahin ang Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING] 🎉
 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon