Nagising siya sa malakas na sigawan sa ibaba ng umagang iyon.
Wala namang nagbago sa araw araw na ginawa ng Diyos .Kasama na ito sa pag gising sa umaga.
Pagbaba n'ya mula sa itaas ng malaking bahay ay nakita nanaman niya ang kanyang madrasta at step sister na nagbabangayan.
Eto nanaman po kami.
Isa lang lang ang nagbibigay ligaya at kakuntentuhan sa buhay ni Rebeca Rallios,ito ay ang malaking bahay na isa sa mga naipundar na niya sa loob ng matagal na pagsusumikap at pagbabanat ng buto sa sariling pawis.
Bata pa lamang siya ay naulila na siya sa ina.Ang kanyang ama naman ay nakapag asawa kaagad wala pang isang taong namamatay ang kanyang ina.Noong una'y hindi niya iyon matanggap,ngunit ano ang kanyang magagawa kung ang mismong mahal niyang ama ang may gusto?Isa siyang masunurin at mabait na anak,bakit pa siya hahadlang kung iyon ang makakatulong sa kanyang ama sa pangulngulila nito sa nasirang asawa?Ang nagtataka siya sa kung anong nagustuhan ng kanyang ama sa madrasta gayong ito ay ubod ng tamad at sugarol at may anak na napaka materyosa at intrimitida.
Dahil siya si Cinderella'y pinagtiisan niya iyong lahat.Nakapagpundar naman kahit papaano ang kayang ama dahil narin sa ito ay isang enhinyero.Kaya't noong nasalamin na niya na walang mangyayari sa lahat ng pinaghirapan ng kanyang ama ng dahil sa kauli nito ay siya namang pagsisikap niya sa pag aaral at sa pagpupursige na makatapos ng mga gusto niyang kurso.
Nakapagtapos siya ng Business management major in accounting with flying colors dahil isa siyang Cum laude.
Ang maliit na kumpanya ay nagsimulang mag boom.
Bukod sa naipon niya ay nakipagsapalaran siyang umutang sa bangko na ang colateral ay ang mga naipundar ng kanyang ama na sa huli ay ang kapakanan niya rin ang inisip at iyon ang malaking ipinagpapasalamat niya.
At pagkatapos niyon ay namatay ito sa sakit na canser sa baga.Magkasama na ito at ang kanyang ina ngayon sa langit.
Ipinagpapasalamat naman niya na bago namatay ang ama'y napatunayan naman nitong mahalaga parin siya rito.Yun nga lang sa kasamaang palad at iniwanan naman siya nito ng dalawang pasanin sa buhay.Ang kanyang step sister ay isa sa mga tauhan niya sa kumpanya. Dahil puro katamaran ito ay kung ano ano ang inaatupag.Lahat halos yata ng mga kalalakihan na mayayaman ay hindi nito pinalalagpas.
Dahil sa maganda sexy ay matangkad pa ang babae at dahil sa kahawig rin ito ng nasirang ama na may lahi ay hindi nakapagtatakang marami ang nahuhumaling rito .Napakaganda ng kanyang step sister kumpara sa kanyang itsura na hindi kagandahan.
Isa siyang morena, payat at hindi katangkaran ang taas.Hindi rin katangusan ang ilong at ang labi niya ay may kakapalan .
Maraming nagsasabing minanana niya raw ito sa kanyang ina,
na kahit ganoon ang itsura ay minahal ng kanyang ama dahil sa taglay nitong kabaitan at pagiging maalaga.Kaya nga siguro kinuha kagad ng Diyos.Ngunit aanhin niya ang kabaitan kung wala naman yatang naghihintay na relasyon sa kanya?Walang nagtangkang manligaw sa kanya dahil sa taglay niyang itsura. Ang maipagmamalaki lang yata niya ay ang kanyang malalantik na pilik mata at magagandang pares ng mapupungay na mata na hindi mo naman mapapansin dahil sa kapal ng kanyang salamin sa mata.Noong bata palang siya ay malabo na ito.
Kung bakit naman kasi nung magbuhos ng kagandahan ang Diyos ay hindi man lang siya nabiyayaan kahit isang tabo lang.Heto ang binigay sa kanya puro utak!bukod doon ay wala na siyang makita pang iba.
Ayaw niya namang makisunod sa uso ngayon.Sa ibat ibang bansa ay nauuso na ang mga cosmetic surgery.Siguro'y sa panahon ngayon na tanggap na sa industriya na kapag maay pera ka ay talamak ang pagpapaayos at pagpapaganda na sumasailalim sa operasyon.
Una'y takot siya sa karayom lalo na't isipin niya palang na bibiyakin siya ay nangingilamkam na siya.
Bigla siyang napatingin sa salamin.
Hindi rin naman siya matatawag na sexy.Sabagay wala naman sa bukabolaryo niya ang mag asawa.Sa edad na 34 ay dalaga pa siya.
Isa lang ang iniisip niya na magugustuhan ng lalaki sa kanya.
Ang kanyang pera.Sa pagbaba niya palang ng hagdan ay sinalubong na siya ng boses mg kanyang step sister na tila sisirain na naman ang kanyang araw.
"Hey Dear sister!
Mamayang gabi pagkatapos ng trabaho ay may lakad kami ng mga kaibigan ko.Guto mo bang sumama?
May ipakikilala ko sa iyo na siguradong magugustuhan mo."
Sabay ngisi ng nakakaloko
ng maldita niyang kapatid na hindi niya napunang nasa harapan na niya pala."'Wag nalang at salamat but I have a meeting after lunch.Yung pinagagawa ko sayong paper works na ipepresent sa meeting nagawa mo naba?"
Ganting sagot niya sa patutsada nito."Oo naman mamaya ipapasa ko na."
Sabay ingos at dulog sa mesa para kumain.Akala mo'y sa party pupunta dahil sa kapal ng makeup na nakakulapol sa mukha."Oo nga pala, mamaya baka malate ako ng uwi.Bahala na muna kayo tutal lima lima naman ang katulong na mag aasikaso dito sa bahay."
Ang madrasta niya habang kumakain.Hindi man nito sinasabi ang pupuntahan, ngunit tiyak niyang sa sugalan na naman ang punta nito kasama ang mga amiga.
"Ok lang po tita."
Agarang sagot niya rito.Pagkatapos kumain ay
Nag prepara na si Rebeca ng kanyang isusuot.
As usual, business attire.Pencil cut ash brown na skirt na hanggang tuhod ang haba, white blouse at coat na itinerno ang kulay sa kanyang skirt, ini updo niya ang buhok na higit na higit sa anit. Sa kanyang balikat ay isinukbit ang kanyang mamahaling luis vuitton bag na binili niya pa sa Paris nung minsang napapunta siya roon.Sakay ng kotse niyang puti, ay dahandahan niyang iniabante ang sasakyan.Nang makita nanaman niya ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaking matangkad at mestisuhin na sisilip silip sa labas ng gate ng kanilang bahay.
Nagtataka siya kung bakit halos araw araw niya itong nakikita roon. Napuna niya ang hawak nitong mga bulaklak .Tulad ng dati ay hindi niya ito pinansin dahil tuwing makikita niya ang lalaki'y lagi siyang papasok ng opisina.
Isa sa mga araw na ito'y tatanungin niya ang lalaki kung ano ang ginagawa nito doon halos araw araw?
Ano ba ito may lahing intsik?Dahil tuwing umaga ito kung makita niya.
Baka isa ito sa manliligaw na nagkakandarapa sa kanyang kapatid?Tulad ng dati'y nilagpasan niya uli ito kasunod ng mapanuring mga mata na nakatingin ngunit kahit nakatingin ito sa gawi niya ay tiyak niyang hindi siya nakikita dahil sa tinted ang salamin ng kotse niya.
Habang habol ng tingin nito ang kotse ay nilingon niya ang lalaki.
Hindi nga nagkabula ang kanyang sapantaha.Maya maya lamang bago siya nakalayo ay nakita niyang lumabas ang kanyang step sister na nakasibangot na hinarap ang lalaki.Nag umpisa na ulit ang araw ng kanyang pakikibaka .Hiling niya lang ay walang gaanong demands ngayon.Noong nakaraan kasi ay muntik na silang hindi umabot sa quota.Mahirap na at malaki ang nawawala sa kanya kapag nagkakaganon.Kailangang hindi siya nasisira sa mga ka business deal niya.Siya kasi ang taong ayaw na ayaw ang inconsistency.
Pareparehas lang ang routine niya pagkatapos ng trabaho ay bahay naman.Ngunit hindi siya nagsasawa dahil iba ang kaway ng salapi para sa isang katulad ni Rebeca Rallios...
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...