11.

3.3K 85 4
                                    

Ilang segundo lang ay pinagbuksan na si Devon ng kanyang ina. Pagpasok niya  sa loob ng bahay ay may nakita siyang nakatayo buhat sa sala.Isang malaking lalaking nasa katanghalian ang edad.Mahahalata mong magandang lalake ito noong kabataan.Tulad niya ay kulay abuhin din ang mata .Kinutuban si Devon sa nakita niya lalo pa't halatang magkahawig sila ng hindi nakikilalang lalaki.
hindi na kumibo pa ang kayang ina ng mapansin ang reaksyon niya.

."Maiwan ko na muna kayo anak.''
Sinabi ng kanyang ina kay Devon.

Saglit siyang natigilan.
"Upo po kayo."
Sabi ni Devon sa may edad na lalaki.

"Son''
Bigla siyang niyakap nito.

Natigilan na naman siya.Hindi  alam ni Devon kung ano ang kanyang mararamdaman.
Napag alaman niyang matagal na silang hinanap nito hanggang sa ito'y naaksidente at nagkaroon ng epekto sa utak nito.Ngayon lang sila naalala.Anim na taon lamang siya noon ng iniwan sila ng kanyang ama kaya wala man lang siyang letrato nito.At  dahil narin  sa sobrang galit dito ng kanyang ina ay pinagsusunog nito lahat ang naiwang alaala rito.Mula raw ang kanyang ama sa mayamang pamilya.Kung bakit nagustuhan nito ang kanyang ina sa kabila ng trabaho nito ay lubos na  ikinatutuwa iyon ni Devon.
Ayon sa kwento ng kanyang ama'y nakapag asawa ito subalit namatay pagkaraan din ng anim na taon sa sakit at wala raw itong naging anak sa nasirang asawa.

"From now on Son,I would like to make it up to you, for all the times that I'm not at your side.I'll be a good father if you will give me a chance.?"

Nginitian niya ito ng may kasamang tango.
Narinig naman niyang sumisinghot ang kanyang ina sa sulok habang nakatingin sa kanilang mag ama.

''Dont get me wrong anak kung gusto ko sana kayong isama sa bahay para doon na kayong mag ina.
Yun e kung ok lang sa iyong mag ina?"
Sabay lingon ito kung nasan naroong nakatayo ang ina ni Devon.

"Dahil mag isa lang naman ako doon anak, matanda narin ako at kailangan ko kayong mag ina.Sana'y kalimutan na lang natin ang mga nangyari."

''Inay ano pong isasagot nyo?
Tanong ni Devon sa inang kanina pa nakikinig sa kanilang mag ama.

''E anak, kung ano ang magiging pasya mo iyon din ang sakin."
Sagot ng kanyang ina.

''Tay???,,Pa,,.?? Ano po bang gusto nyong itawag ko sa inyo?''.
Naiilang na tanong niya.

''Ikaw ang bahala anak!."

''Kailan po nyo binabalak tay?"

''Abay sa lalong madaling panahon at sabihin mo kagad kung kailan at mag paparty ang tatay mo!"
Maluwang ang ngiti ng kanyang ama na ikinangiti niya rin.

"Hindi po ba parang nakakahiya naman po tay?"

"Abay hayaan mo namang ipagyabang ko ang nag iisa kong anak na kasing gwapo ko!kahit man lang iyon ay huwag mo sanang ipagkait sa akin anak."
Nakikiusap na sagot nito.

"Siguradong matutuwa ang mga uncle at mga tita mo anak,sabik narin silang makita ka.''Kasunod pa'y sabi ng kanyang ama.

Isang pangyayari lang ang nagdaaan ngunit malaki ang mangyayaring pagbabago.Totoo nga ang kasabihang, hindi mo kayang saklawan ang nakatadhan na.Hindi ito  inaasahan ni Devon.Malayo sa hinagap niyang magkikita pa sila ng ama,lalo na na balikan pa sila nito.

Matagal na niyang naipalagay sa isip niya na matagal na itong patay.Hindi naman niya kayang sumbatan ito dahil unang una wala itong planong pabayaan sila noon pa at wala siyang nakikitang nagawa nitong kasalanan.Walang lugar ang galit mula sa kanilang mag ina,walang may gusto ng nangyari kaya wala siyang nagawa kundi ang patawarin ang ama.Sa wakas ay hindi na sila muling maghihirap.Bigla tuloy niyang naisip ang babaeng iyon.Ano ngayon ang gagawin niya rito kung ang sa palagay niya ay mukang hindi na niya kakailanganin ang isang katulad nito.

Ngunit tila hindi siya inaayunan ng kanyang damdamin.Gusto pa nitong maglaro.Huling laro upang mapatunayan kung talaga ngang walang nakakatanggi sa isang Devon.Ngayon pa?Na may ipagyayabang na siya? Kung sino ang babangga at magiging balakid sa kanyang daan at sa kanyang mga kagustuhan ay tiyak na may kalalagyan.

...

Tila biglang binundol ng kaba si Rebeca ng mga sandaling iyon.

"Bakit nakakaramdam ng ganitong kaba?May kinalaman kaya ang panaginip niya kagabi?"

Ayon sa kanyang panaginip ay nilalamon daw siya ng malaking baha at habang paparating ito sa kanyang kinalalagyan ay mabilis siyang kumapit sa malaki niyang devider at duon ay kapit tuko siya.Nang lalamunin siya ng tubig ay pumikit at huminga ng malalim upang hindi siya malunod at duoy biglang baba ang tubig.Paulit ulit nito siyang nilulunod at paulit ulit din niyang ginagawa ang ganon at nakapagtatakang hindi siya natitinag.

"Totoo nga kayang ang simbolo ng tubig ayon sa kahulugan ng panaginip ay PAGSUBOK?Kung ang pagbabasihan ay kung gaano kalaki ang tubig ay mukhang malaking malaking pagsubok ito.Nakahanda ba siya?At maniniwala ba siya sa kahulugan nito?"

Pinili niyang balewalain ang naisip.Kung ang indikasyon noon ay pagsubok sa kanyang negosyo ay hindi na siya maninibago dahil halos lahat naman ng unos patungkol dito ay nalagpasan na niya.Ngayon pa ba naman siya matatakot?

Biglang sumagi sa isip niya ang taong iyon.Bakit ba naman naisip niya ang walang kwentang lalaking iyon?Paano kung pagkaperahan siya nito?hindi nga ba't marami na ang gumawa sa kanya ng ganoon?Mapait siyang napangiti.Tama na ang isang beses na nagtiwala siya noon.Umasa sa isang bagay na akala niya ay may kahihinatnan.Narito siya ngayon sa kanyang kinalalagyan dahil sa pagiging tuso niya.Sino ang magbabalak na gawan siya ng hindi maganda?Malalaman nila kung ano ang magiging resulta.

Bukas nga ay titingin siya ng libro tungkol sa kahulugan ng mga panaginip at kung ano ang mabisang pangontra rito.Saan niya nga ba nalaman ang ganoong kwento?Ah,hindi na niya maalala.Mabuti na lamang at malinaw ang tubig sa kanyang panaginip.Kung nagkataong kulay pusali ito at totoo nga ang tungkol sa kahulugan nito ay dapat nga siyang mabahala.
Mag iingat na lang siguro siya sa mga taong nakakasalamuha.Sabagay hindi naman siya basta basta nagtitiwala.
Bago siya nakatulog ay nagdasal muna siya at humingi ng tawad sa mga nagawa niyang kasalanan.

...

Napabalikwas si Devon ng bangon at naramdaman niyang pinagpapawisan siya ng malamig.Nanaginip siya na naliligo raw siya,ngunit ang kakaiba sa panaginip niya imbes na pangkaraniwan ang gamit niya sa paliligo ay hose ng bumbero kaya nagkandalunod lunod siya ngunit ayaw niya namang bitawan.
Napailing at napangisi si Devon sa napanaginipan.

"Ano lulunurin ba niya ang sarili?"

"Anong klaseng panaginip iyon??

Bumangon siya at kumuha sa ibaba ng tubig at uminom.Pagkainom ay umakyat siya at muling nahiga sa kanyang malaking kama.Ilang minuto lang at nakatulog siya ulit.
Napabalikwas nanaman siya dahil ang panaginip kanina ay biglang naulit.Eksaktong eksakto.

Kahit hindi siya naniniwala sa kasabihan ay binaligtad niya ang kanyang unan...

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon