Akala niya ay iuuwi na siya nito ngunit pagkatapos ng ilang oras ay bumyahe ulit sila.Pagbaba niya ng kotse ay sumagap siya ng hangin.Hindi nya alam kung bakit tila init na init siya gayong malamig naman ang aircon sa sasakyan.
"Come!"
Maya maya'y sabi nito sa kanya.Inalalayan siya nito papunta sa,sa dagat???
"Bakit tayo nasa dagat ?
Anong ginagawa natin dito?.""May paguusapan lang tayo"
Dahil narito narin ay nagpaunlak narin siya.Nagtataka naman siya sa kanyang sarili kung paano siya nakumbinsing sumama sa lalaki?anong mayroon ito at hindi man lang siya nagdalawang isip.Mukhang natutunugan na niya ang sasabihin nito at naihanda niya narin ang kanya.
Tamang tama,ito na marahil ang hinihintay niyang pagkakataon.Nang nakapanhik na sila sa yate, sa pinaka deck nito ay nakakita siya ng isang bilog na mesa na may mangilan ngilan na pagkain. Sa tabi ni nito ay alak na nakalagay sa bucket, kasama nito ay ang dalawang kopita.
"Hindi naman kaya masyadong espesyal ang gabing ito para sayo? Birthday mo ba?Pinahahanga mo ako!Una, humiram ka ng sasakyan,ngayon naman umarkila kapa ng yate?"
Ni isa sa mga tanong niya ay wala itong sinagot.
"Nag uumpisa na akong malula sa mga inihanda mo ah?hindi ba masyado namang magastos ito para lang sa pag uusap na sinasabi mo?Baka malugi ka?."
Naninibago siya sa mga ikinikilos nito.Kanina pa niya nararamdaman ang pag iwas nito sa mga tanong niya.
Ipinagwalang bahala nalang na niyon dahil hindi naman siya ang mamomroblema ng mga hiniram ng lalaki.
Hindi nga ba?"Kumain muna tayo."
Sa halip ay sagot nito.Umupo naman siya sa hinatak na upuan nito para sa kanya.
Habang sumusubo siya ay sinusulyapan niya ito,seryosong seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya.Tinutubuan tuloy siya ng takot at kaba."I want out."
Anito sa kanya na ikinabigla niya."I beg your pardon?"
Hindi nya ito gaanong nasakyan.
"Gusto ko ng kumalas sa napagkasunduan natin."
Balewalang sabi nito pagkatapos ay sumubo lang na parang kaswal."What??! What do you mean by that?"
"I think I've done my part well, good, and quick!One of this days ay malalaman mo kung ano ibig kong sabihin."
"Teka muna!"
Bigla siyang tumayo.Muntik na siyang matumba ng hindi niya napansing wala na sila sa pampang.Lumingon siya at nakita niyang malayo layo na sila."Bakit umaandar ang yate?saan tayo pupunta?"
Nagpapanik niyang tanong dito."Relax Rebeca.Mayroon bang sumasakay sa yate ng hindi umaandar?"
Nahintakutan siya ngunit pilit na
pinalis ang kabang unti unting namumuo sa kanyang dibdib.
"So ano pang ginagawa natin dito?ano pang dapat nating pag usapan?
sabi mo nga'y tapos kana?Teka nga muna!Alalahanin mong may mga pinirmahan ka at alam mong sasabit ka dito!"Pagtitiyak niya sa lalaki."Go on!Do what you will."Walang kakabakabang sagot nito sa pananakot niya.
"O yeah?tingnan mo lang kung hindi ko gawin?"
Napatingin siya rito bigla.Anong gusto nitong mangyari?.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...