Two days bago ang kasal, pauwi siya ng bahay at nakasakay sa kotse ng may namataan siyang kotse na pamilyar na pamilyar sa kanya.Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita.
Kotse iyon ni Devon.Hindi niya makita ang laman ng loob nito, dahil tinted.Kinakabahan siyang sinundan ito.Nakita niyang papasok ito sa isang sikat na hotel sa lugar na yon.Nakita nyang inalalayan ni Devon ang isang babaeng seksing seksi sa black dress nito.Mahaba rin ang buhok ng babae.Bigla siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili niya at biglaang panlulumo.Siguro'y ito ang bagong flavor of the month ng lalaki.
Lumakad ang mga ito na nakikita nyang nakaalalay ang isang kamay ni Devon sa likod ng bandang bewang ng babae kahit nakatalikod ang babae ay alam nyang napakaganda nito.
Pinahid niya ang unang luhang tumulo sa kanyang mga mata, at huminga ng isang malalim,Hindi nakatiis sa nasaksihan at dali daling umalis sa lugar na iyon.Pag uwi niya sa malaking bahay ay nakita niyang papasok sa kwarto ang kanyang kapatid na may kaakay na lalaking, tila lasing na lasing dahil sa paraan ng pag akay dito ng kanyang kapatid.Nakatalikod ang mga ito sa kanya kayat lumiko na siya sa kanyang silid.Kailan pa naisipang mag uwi ng lalaki ang kanyang kapatid?Bumalik nanaman ba ito sa dating gawi?Bakit may kasama itong lalaki sa kanyang pamamahay?.
Nakahiga na siya'y hindi parin mapuknat ang larawan ni Devon at ang babaeng kasama nito sa kanyang isip lalo na't lumilipas ang mga araw na bihira niyang makasama ang lalaki.Kaya pala, dahil abala ito.
Mukhang unti unti na itong nawawalan ng interes sa kanya.
Dumating naba ang kinatatakutan niya?amg araw na magsawa na ito sa kanya?Hindi nga ba't hindi narin ito sumisiping sa kanya?Ano pa bang rason para maglagi pa sa kanya ito?Bakit hindi pa siya kausapin ng magkaalam alam na.Ano kaba Rebeca!Hindi nga ba takot itong iwalay niya ang kanyang anak?
Kahit saan kasi makarating ay talo ang lalaki dahil siya ang ina.Hindi pa kasama rito ang kabit kabilang pambabae nito.
...............
"So kailan mo balak sabihin sa kanya?"
"Siguro'y pagkatapos na pagkatapos ng aming kasal."
"Hindi ba mas mabuti kung bago kayo ikasal?Bakit patatagalin mo pa?"
"I have my plans.Gusto kong makita ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya."
"Ikaw talaga Devon.Hanggang ngayon ay hindi ka parin nagbabago."
"You know me!"
"No I dont!Iba kasi ang pagkakakilala ko sa iyo."
Sabay humalakhak ang babae.
"Ikaw,kailan mo sasabihin sa kanila?Hindi kaba nahihirapan sa ginagawa natin?Now,ako ang magbabalik sa iyo ng tanong.Bakit hindi pa sa malao't madali?
Why prolonging the agony?"Napangiti ang babae.
"At ako naman ang gagamit ng salitang ginamit mo.I have plans."
Kumindat ang babae sa kanya."Sometimes we need to sacrifice just to protect our love ones.Because truth always hurts.Knowing the people might say and do the things you dont want to see and hear and the fear of being hurt.That's my reason."
"But why minding others may think?If they love you,they will understand."
Bigla itong napatingin sa kanya.
"What?"
Tanong niya rito."Im right in the very beginning.That is not you!But I like the way you are right now.More human."
"Ow?and now do you like me to kiss you?"
"Later when I see someone I know."
Siya naman ang natawa.
Matagal na silang magkakilala ng babae.Tumatakbo ito sa piling niya kapag kailangang kailangan na siya nito.Hindi lang ganoong kalalim ang kanilang relasyon.Higit pa sa inaakala ng ilan.Dito niya natutunan kung paanong makibaka.Higit sa lahat ay ito ang mas maraming alam kaysa sa kanya.Ito rin ang nakakakilala sa kanya.
Kapag ito na ang humingi ng pabor,kahit na ano pa ay handa niyang pagbigyan.
Higit kanino man,tulad nito ay siya lang din ang nakakakilala sa tunay nitong pagkatao.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...