Nagkakape siya habang nakaupo sa tapat ng salaming bintana ng pad niya,kitang kita niyang humarurot ang sasakayan ng babaeng tigre dahil nasa ika anim na palapag lamang ang kanyang pad.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon,laging umaayon sa kagustuhan niya."
Hindi niya na kailangang mag isip kung paano mapapalapit dito dahil ito na mismo ang lumapit sa kanya.'Masasabi niyang hindi nga ito kagandahan pero parang may sarili itong karisma na hindi nito alam.
Nachachalenge siya sa kaalamang tila hindi ito interesado sa kanya.Hindi kaya pusong lalake ito? Subalit ayon sa mga balita ay wala namang kumalat na ganoon.
Private person ito, ngunit hindi ka makakapagtago sa mga reporters na gustong manghalukay ng buhay ng may buhay, kahit isa kapang presidente.Habang nagsasalita ito kanina'y ipinapakita nito sa kilos ang katatagan at lakas ng loob.Ibang klaseng babae ang tulad nitong ma awtoridad,.Tila ba isang pinunong nangangalaga sa isang batalyong mandirigma kung magsalita.At kung paanong kumikilos ito ng may igting.Hindi katulad ng mga babaeng dumaan na sa kanyang mga palad."He wants to unleashed her in her shell and he cannot wait for that moment to come.He had this feeling of something he cannot fathom. Parang sa lahat ng laro niya ito ang magiging paborito niyang laro. Hindi niya alam, pero sa sandaling ito'y nakakaramdam kaagad siya ng pagkainip. Pagkainip sa bagay na hindi niya alam.
Sinagot niya ang nagriring niyang cellphone sa ibabaw ng coffe table.
"Hello. nay napatawag kayo?"
Sabay higa sa kama"Sige po pauwi na rin ako." Sabi niya sa inang naghihintay.Nang bigla siyang natigilan.Ang amoy na 'yon!.Pamilyar sa kanya habang nakahiga siya sa kama ay naamoy niya ang pamilyar na amoy na nangagaling kung saan.Inamoy niya ang bandang pinaghigaan ng babae magmula unan kumot at bed sheet.
Shit!I know that smell!
The smell of that mysterious woman in the dark!It's smell like a shea butter.
Kahit nakaulayaw niya sa magdamag ang babae ay hindi niya napagtuunan ng pansin ang amoy nito.
Kaya pala ibang klase ang dating sa kanya ng babae at may pakiramdam siya na nagkita na sila nito.Biglang sumagi sa isip niya ang babae sa dilim ng gabing iyon saksi ang mga puno't halaman sa paligid.
napangisi siya.
Ang pangyayaring hindi maalis sa kanyang isipan."I'll do anything just to get her, by hook or by crook!"
Mas masarap ang putaheng hindi mo pa natitikman.Kumbaga sa pagkain "EXOTIC FOOD"..
kung maririnig lang siya ng mga kaibigan niyang gigolo ay matatawa sa kanya.
Ngayon lang siya nagkainteres sa ganong klase ng babae.
Or should he say:Ngayon lang siya nakakilala ng ganoong klase.Maraming tumatakbong plano sa isip niya habang nakahiga.Habang naiisip niya ang pangyayari kanina ay nangingiti siya.
Hindi siya naniniwalang walang kiliti ang babae.
Ang lahat ng babae'y may kanya kanyang kiliti.Naalala niya ang pangyayari kanina.Muntik na siyang hindi nakapagpigil dito.Ewan ba niya kung ano ang mayroon ang babaeng iyon dahil kung sa kanyang hinagap man lang ay wala ito sa kalingkingan ng babaeng gugustuhin niya. O hindi kaya dahil sa iba ang amoy ng salapi nito kaysa sa barya barya lang? Kung baga sa bangko ay dollar account hindi peso. Magkaiba ng amoy.
...
Naghahabulang mga daga ang sabay sabay na naghahabulan sa dibdib ni Rebeca kahit ngayong nasa loob na siya ng sinasakyang kotse.Akala niya'y kakantiin siya ng lalaki kanina.Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong takot.Isang babala ba ito na dapat siyang mag ingat sa lalaki? Hindi nga ba't kilala na siya nito?Paano siyang nakilala ng lalaki?Sa bagay ang isang katulad nito ay may kakayanang malaman ang lahat lalo na ang mga katulad niya.Hindi siya makapapayag na may makielam ng kanyang buhay.Tama,dapat siyang mag ingat rito.Ang akala ba nito'y isa siyang tanga?Bakit niya nga pala pagtutuunan ng pansin ang katulad nito?Habang tumatakbo ang kanyang sasakyan ay sumasabay ang kanyang isipan.
Pagkatapos maglinis ng katawan ay nahiga na siya sa kama.
Bumangon siya saglit at may hinalungkat sa kanyang cabinet.
Kasabay ng ala ala ng nakaraan ay Inilabas niya ang mga letratong nanging bahagi ng kanyang buhay.Ito ang nagpatibay sa kanya upang matutong lumaban at tumayo sa sariling paa sa mundong napakalaki ng kompetisyon.Nakabalatay sa kanyang mukha ang pait ng nakaraan,kung paanong minsan sa kanyang buhay ay nagmahal siya ng maling lalaki.Nang lalaking hindi siya kayang panindigan.Nang lalaking walang buto.Kung lalaki nga itong maituturing.Ang lalaki para sa kanya ay kayang pangalagaan at proteksiyunan ang babaeng minamahal.Dapat naba niyang kalimutan ang nakaraan?Kaya naba niyang mabuhay ng malayo sa alala ng lalaking minsan nagpatibok sa kanyang pusong tanga?Kung darating man sa kanyang buhay na magmamahal siya ulit.Nga ba?sisiguraduhin niya na sa tamang lalaki na.Kung hindi man ay mananatili nalang siyang nag iisa kung iyon ay magiging pag iwas niya sa isa nanamang pighating napakahirap kalimutan.Hawak ang mga larawan at lumabas ng kanyang bahay dala ang ilang pansindi ay inumpisahan niyang sunugin ang mga bagay na nakakapagpaalala sa kanya ng mga hindi magandang pangyayari nuon.Pinanunuod niya ang unti unting paglamon ng apoy na tumutupok sa mga larawan.Nang maabo na ay nakaramdam siya ng pag gaan ng kalooban.Para bang nakakawala siya sa isang sumpang pilit na nagbabalik sa kanyang alaala.Napabuntunghininga siya at pagkatapos ay pumasok na sa loob.
Napahinto siya saglit ng makita niyang nasa salas ang kanyang kapatid at may kausap ito sa telepono.Pilit niyang pinakikinggan kung ano ang pinag uusapan ng mga ito subalit malayo ang kanyang pinagkukublihan.Nakita niyang kumunot ang noo nito at may ilang sinabi,pagkatapos ay pinutol na nito ang pag uusap at biglang napalingon lingon sa paligid na wari'y nakikiramdam kung may ibang taong naroroon maliban dito.Nakita niyang umalis narin ito,siguro'y magpapahinga narin.Saka siya pumasok at sinigurong nasa loob na ito ng silid.
Sino kaya ang kausap ng kanyang magaling na kapatid?At bakit nga pala biglang nanumbalik kanikanina lang ang ala-alang mapapait?
...
Kung dati'y laging nag aabang si Devon sa ibang babae noon,Iba na ngayon.Ang babaeng sinusundan ng kanyang tingin ay ang babae noong nakaraang araw.Kitang kita niya ang babaeng niyuyukuran ng mga manggagawa.Bakas rito ang kaistriktuhan siguro ay hindi lang sa trabaho marahil sa totoong personalidad ng babae.Naka business attire ito.Nakapusod ang mahabang buhok.Tila kahit hindi niya pa ito nilalapitan tiyak niyang mabango ang babae.Ano kaya ang kulay ng panloob nito ngayon?Mahilig rin kaya ito sa mga sexy lingeries?Hindi na siya makapaghintay sa sandaling hapitin niya ito sa kanyang katawan.Sisiguraduhin niyang mapapahiyaw ito sa kanyang mga kamay sa ligaya.Napapalatak siya sa mga iniisip.Bigla siyang nakaramdam ng ibang init sa katawan partikular sa kanyang alaga.Bumaba ang kanyang tingin at nakita niya ang ebidensiya.
Down boy,down.Just wait for the right time and it will be soon.'
Napangisi siya.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomanceShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...