34 SPILLING THE BEANS

3K 71 5
                                    

"Pwede ba tayong mag usap mamayang uwian?"

Siya habang kausap niya sa telepono.Tinugon naman siya  ng lalaki.

Nagpapasalamat nalang siya na kahit papano ay wala pang tumatawag sa kanila galing sa ibat ibang bangko.
Ilang araw na siyang nababahala sa mga ito kung ano ang isasagot niya.
Nagtataka man kaninang pagtawag niya si Leonard ay umoo naman ang lalaki.

Siya namang pagbukas ng pinto.Si Devon na may mga bitbit na pagkain na mga nakabalot pa.

"Anong ginagawa mo rito???"

Nagulat siya dahil bigla na lamang sumusulpot ang lalaki, lalo na sa mga panahong hindi niya inaasahan.

''Pinagdala kita ng pagkain.Alam kong kanina kapa hindi kumakain''


''Bakit mo ginagawa ito?''
Hindi ito kumibo.Inilapag lamang nito  sa kanyang table ang mga pagkaing bitbit.Hinawi patapon ang mga papeles na pinipirmahan niya at lumakad ito paupo sa mahabang upuang itim sa pinakadulo ng kanyang opisina.Gaya ng nakagawian nito, sumandal  sa upuan at sabay taas ng paa sa center table.


"I'm not going anywhere unless you eat''
O baka naman gusto mo pang subuan kita?

"Leave me alone will you?"

''You eat then I'll leave..

''Damn you!!!..
 Bigla itong lumapit sa kanya.Inilapit ang mukha.

"Kakain ka o tatawagin natin ngayon si Leonard?
Inilabas nito sa bulsa ang dalang cellphone.

Tinignan niya naman ito ng masama at sinimulang buksan ang daladala nitong naglalaman ng masasarap na pagkain, kasama ang ibat ibang klase ng prutas.
Ng susubo na sana siya ay bigla siyang hinalikan nito sa labi ng mariin.

''See you honey''
Sabay tayo nito at lumabas ng kanyang opisina.

Iiling iling siya ng lumabas ito.
Saka nya napatunayang gutom na gutom na pala siya, bigla siyang napahaplos sa impis niyang tiyan.
Kaya pala nitong nakakaraan ay parang nagsisikipan ang mga damit nya.
Paano pag bigla nalang lumaki ang kanyang tiyan?
At sino naman sa palagay nila ang makakapagsalita ng hindi maganda sa kanya?. At bakit tila may kakaiba ngayon sa lalaking iyon?Nagdala pa ng makakain.Kinakabahan man ay pinalis niya sa kanyang isipan ang unti unti nabubuo rito.Ipinagkibit balikat niya lang ang nag uumpisang mamuo sa kanyang isip.Mahirap ang laging nag iisip sa kalagayan niya ngayon.

After lunch ay nagsabi na siya kay Besy na lalabas na muna siya at kung may importanteng gagawin ay babalik siya kaagad.Kahit na hindi tama sa oras ang gagawin nyang pagtatapat ay kailangang sa malaot madali.Mahirap na  baka maunahan pa siya ng kung sinong poncio pilato.
Malapit na siya sa meeting place nila ay nakita na nya itong nakaupo sa may bandang kanan sa dulo.
Nakita nitong papalapit na na siya kaya bigla siyang sinalubong nito ng halik sa noo.

''What do you like to order sweety?''

''Juice will be better,tutal busog pa naman ako,and..um" samahan mo narin ng letcheflan''
Sabi pa niya.
Nagtawag na ito ng waiter at umorder.

''Sweety ano ba ang mahalaga nating paguusapan?mukha kasing hindi na makapag antay hangggang mamaya?Nakangiti ito sa kanya.

May biglang bumara sa lalamunan niya hindi nya malunok ang mga inorder niya sa kaba.
Nakataas ang kilay nitong naghihintay ng kanyang isasagot ng biglang may nagsalita sa likod nya at biglang umupo sa hinatak nitong upuan.

''Sorry leonard but it ends here!We have a relationship dati pa,sorry brod kung medyo natagalan bago namin sabihin sayo at naghintay pa kami ng tamang pagkakataon. Hindi namin sinasadya, but it happened.''
Tuloy tuloy na sabi ni Devon na kadarating lang at hindi nila napansin.

Tumingin sa kanya si Leonard ng naghihintay ng kanyang sasabihin.At ng mapunang wala siyang balak magsalita ay may pagdaramdam itong tumayo kaagad at iniwan silang dalawa.
At pagkatapos noon ay iyong pagbaling sa kanya ng tingin ni Devon ay siyang lakas ng lagapak ng kanyang palad sa pisngi nito.

"How dare you na pangunahan ako!"
Pulang pula ang mukha niya sa galit.Matalim ang kanyang tingin at tumalikod siya rito na planong habulin si Leonard.

Bigla nitong dinakma ang braso niya at napapapihit siya paharap rito.

"Hanggang kailan mo siya paghihintayin?Sa palagay mo ba,kung hindi ako dumating ay sasabihin mo sa kanya ang lahat?"

"At bakit hindi!Sa palagay mo ba ay may kakayanan pa akong itanggi?"

"Hah! When you even lose your tounge when you started to tell him the truth!You're supposed to thank me for that."

"Well,salamat at sinaktan mo siya!"

"Why?sa palagay mo hindi siya masasaktan kapag sinabi mo na ang totoo?"

"Wala kang pakielam! Damn you!"

"Sige sundan mo siya!at pagkatapos mo siyang aluin saka ka bumalik!"
Sabi nito sa kanya na tila nang iinsulto.

Ipiniksi niya ang kanyang braso at lumakad paalis sa lugar na iyon.

...........

Galit na galit siya ng mga oras na iyon.Simula pa ito ng makita niya noon ang dalawa sa restaurant dati.Pakiramdam niya ay nagpupuyos ang kanyang kalooban sa pambabalewala ng babae sa kanya.Ito na nga ang nilalapitan niya ngunit ito pa ang nagmamalaki.

Sinundan niya ang babae at nakita niyang palingalinga ito at pilit hinahanap kung saan dumaan ang lalaki.
Nakita pa niyang sumakay ito ng taxi.
Napa ingos siya.

Sa palagay mo ay kakausapin ka noon pag naabutan mo?hah! Tingnan natin.Ngayon ay malaking alas ang hawak niya at tiyak niyang panalo ang hawak niyang baraha.

Kanina pa nag bibibrate ang kanyang cellphone at ng tingnan kung sino ang tumatawag ay lalo siyang nabadtrip.Pinatay niya ang cellphone at umalis na rin.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon