22 YOU'RE MINE..

3.8K 101 9
                                    

Nakailang ring na ang kanyang cellphone, ng i off nya ito.
Narinig niyang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina,

"Come in"...

"Boss Nandiyan po sa baba si Mr.Devon hinahanap po kayo!papaakyatin ko na po ba?"

"Huwaggg !!!! ah"....sabihin mong wala ako.
N

agsimula na siyang magpanik ng hindi niya namamalayan.

"E  Boss..twing pumupunta ho siya ay puro yan nalang ang sinasabi ko, nagagalit na po eh,tinatanong po kung saan kayo pumupunta.
N

agtataka naman ang kanyang sekretarya sa mga ikinikilos niya.

"Sabihin mong nag out of town,ah,ah, ah..!!!
Hinabol niya ng salita ang sekretarya bago pa makapunta sa pintuan.

"Sabihin mong nasa ibang bansa at may importanteng inaasikaso.
At lumabas na ang kanyang pobreng sekretarya.

Ilang linggo na nya itong pinagtataguan,hindi nya lang alam kung nakakahalata na ito.
hindi pupwedeng ganito nalang palagi. Ilang araw nalang ay mauubusan na siya ng idadahilan.A hindi nya alam kung ano ang gagawin dito.
sa twina nalang ay lagi na siyang gabing gabi na kung umuwi.Dahil sa takot na baka nag aabang ito sa baba.

Napa pagod na siya, ngunit anong magagawa nya?hanggang ngayon ay wala pa siyang naiisip na solusyon.
Sumasakit ang ulo nya araw araw.

Nasaan kana Leonard??
magbalik kana.
Kailangang kailangan kita.


Kagaya ng dati'y alas onse pasado na siya bumaba, wala ng tao sa baba kundi siya lang, tumingin tingin muna siya sa paligid bago siya bumaba sa parking sa pinaka ground level ng hotel.

Tahimik na tahimik sa ibaba at magilan ngilan lamang na kotse ang nakapark.
Kung hindi lang siya matapang ay kanina pa siya natakot, dahil tahimik na tahimik ang lugar.Bubuksan na nya ang pinto ng kanyang kotse ng biglang may humila sa kanya na naka jacket na itim.
Hindi nya makita ang mukha nito.Takot na takot siya, hindi siya makasigaw.

Bigla siyang itinulak nito papasok sa kotseng itim.
Sabay  hubad nito ng hood.

"Ikaw ??!.......

"Masaya kaba sa mga araw na pinagtaguan mo ako Rebeca??"

Amoy na amoy nya buhat dito ang alak na humalo sa pabango ng lalaki.


"Devon ano ba ang nagawa ko sayo, bakit mo ko ginaganito?ayoko na!kalimutan na natin ang lahat naiintindihan mo?bakit ba pinipilit mong ipagsiksikan ang sarili mo sakin?"

"Hindi bat sinabi ko sayong akin kalang? Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko?"

"Devon sinabi ko rin naman sayong may mahal nakong iba!ibaling mo nalang sa iba ang pagtingin'mo.Maraming babae diyan. Bakit ako?"
Sinampal niya ito ng ubod lakas.

"Hindi mo siya mahal!.
Hindi kababakasan na natinag ito sa lakas ng sampal niya.

"At ano sa palagay mo ang karapatan mp upang panghimasukan ang buhay ko?marami diyan.Dumampot ka ng isa.Iyong ka lebel mo.Wala akong planong pumatol sa isang baliw na katulad mo!"

Parang lalo itong naulol sa sinabi niya kayat
hindi siya nito sinagot at mabilis na pinaharurot nito ang kotseng itim.

"Saan moko dadalhin?
san tayo pupunta?!"
Unti unti na siyang sinasalakay ng kaba.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon