3.

5.8K 120 8
                                    

Pagbaba ni Rebeca ng sasakyan ay deretso na siya sa kanyang opisina.Tulad ng dati'y maaga siyang pumapasok.Nais niyang tulad ng mga tauhan niya ay maging halimbawa siya sa mga ito.
Alisto ang bawat isa.Seryoso ang mga nakaupo sa mga pwesto nila.

"Good morning boss"
Bati ng mga ito sa kanya at sa bawat makakasalubong niya.
Simpleng tango at seryosong mukha lamang ang sagot niya sa mga ito.

"Besy coffee pls!"
Utos niya sa kanyang sekretarya.

"Yes Boss"

Tumalima naman ito agad.

Siya si Rebeca Rallios.Ni minsan ay hindi nagpakita ni konting bahid ng ngiti sa kanyang mga labi sa buong opisina.Kilala siya sa kanyang kaistriktuhan at pagiging seryoso sa lahat ng bagay .

Sa kabila noon lahat naman ng pangangailangan ng mga tauhan niya tulad ng mga benepisyo ay ibinibigay ng kumpanya sa tamang oras at panahon.Kaya lahat ng mga ito ay todo ang dedikasyon sa trabaho.

"Besy naipasa na ba ng mam Carla mo ang mga kailangan ko mamayang after lunch meeting?"

"Naku boss wala papo si mam Carla eh."


"Try to call her"
Sagot niya sa sinabi nito.

"Boss kanina ko pa po siya tinatawagan pero wala pong sumasagot."

"Tell them na medyo maantala ng ilang minuto ang meeting."
Sabi niyang nauubusan ng pasensya.


"O -Ok Boss"
Natatarantang sagot nito sa kanya.

Palibahasa'y medyo malapit lang dito ang bahay niya kaya alam niyang kaya nitong makarating kaagad. Kung tulog pa ang babae'y makakarating ito ng maaga kung magigising at kung may planong gumising.
pagkatapos ng 20 attempt sumagot din ang nasa kabilang linya.On the way palang daw ang babae at halatang paos ang boses sa pagsasalita.Pihong galing nanaman sa kung saan kagabi kasama ang mga anak ng mayayaman na alam mo namang may mga sariling agenda.Ang iba'y mga nagtatapon lang ng pera sa kung saan saang mga luho at aliw.

"Ano ba Carla?Come to my office immediately!"
Nang sa wakas ay macontact niya ito.Noon di'y binagsakan niya ito ng telepono.Hindi niya napigilan ang kanyang galit lalo na't mag aalas dos pasado na ng itoy dumating.

At pagpasok pa lamang ng kanyang opisina ay sambakol na ang pagmumuka nito sabay ibinagsak ang file na kailangan niya sa kanyang table.

"Hayan ang hinihingi mo para yan lang, kung mag utos ka parang kung sino ka!"
Pinigil niya na lamang ang nararamdamang inis para rito.

"Alam mo namang mahalaga para sa atin ito.This is our bread and butter tapos ganyan ang magiging attitude mo?"
Sinabihan niya nalang ito ng mahinahon ngunit may diin ang bawat salita.Inismiran lang siya ng babae.

"Hayaan mo balang araw ay hindi na kami aasa ni mommy sayo dahil ubod ka ng yabang.Akala mo kung sino kang kondesa!"
Sabay marcha palabas.

Napabuntung hininga nalamang siya.Mabuti na lamang at sound proof ang kanyang opisina dahil kung hindi ay maririnig ng mga tauhan niya kung paano siya sagut-sagutin ng step sister.

Pagkatapos ng isang mahabang meeting ay naging maayos naman ang lahat, sa awa ng Diyos.Humingi narin siya ng dispensa sa pagkaka antala ng meeting.

Alas nueve pasado na ng gabi ng maisipan niyang umuwi na.Paglabas niya ay nakasalubong uli niya si mang Dodong habang nag iikot sa opisina bilang guwardia

"Mam good evening ho!Mukhang late nanaman po kayo umuwi?"

" Ah oho nakasanayan lang.Wala rin naman ho akong ibang pinag kakaa-
Balahan sa bahay, kaya dito narin ako nagpapali-pas ng oras."
Sabi niyang nakangiti dito.Magaan ang loob niya sa lalaki dahil siguro ay nangungulila siya sa ama.

"Ah ganun po ba?Sige ingat po kayo mam!Gusto niyo po samahan ko po kayo papunta sa parking lot?"

"Ok lang po mang Dodong kahit ako nalang."

"Sige po mam."
Sabi nito at tumalikod na sa kanya matapos magpa alam.

Habang nasa sasakyan ay naisipan niyang dumaan muna sa Mercury Drugs at bumili ng gamot sa sakit ng ulo.Pag baba niya sa kanyang kotse ay nakita niyang bumaba ang isang pamilyar na lalake sa itim na kotse sa kanyang unahan na may kasamang isang may edad naring babae dahil nasulyapan niya saglit ang mga ito.

Napakunot siya ng noo ng tila pamilyar ang likod at bulto ng lalaking mauunang pumasok sa kanya sa loob ng drugstore.Magkasunod din sila g punasok sa isang sulok dahil bibili rin siya ng tissue para sa sasakyan.Muntik pa niyang mabunggo ito dahil sa ginawa nitong pag atras. Iniiwas niya ang katawan rito at patay malisyang dinampot kaagad ang kailangan.
Sa hindi sinasadyang pag angat niya ng tingin ay magkasalubong sila ng mata ng lalaki.
Bigla siyang  kinindatan na may nakakalokong ngiti.

Nakaramdam naman siya ng hiya dahil huling huli siyang nakatitig dito awtomatikong bumaba ang tingin niya dahil sa kabila ng kamay ng lalaki ay condom na iba iba ang kulay.

Nanghihilakbot siya sa pumasok sa isip .
Sa kabiglaan ay huli na ng mapansin niyang umalis na ang lalaking naka maong pants na naka white fitted shirt animoy modelong rumampa pa  nag rinig pa ng halakhak sa buong lugar habang papaalis.

"Shitttt!"
Ang nasamabit ni Rebeca.

Bakit ba may mga lalaking tulad nito na halata namang gigolo.Sabagay sa panahong naglipana ang mga lalaking walang kwenta ay hindi na siya nagtataka.Hindi naman siya manhater pero hindi niya maiwasang mainis sa mga katulad nitong namimihasa nalang sa ganoon.Ang sumandal sa katulad niyang babae.Ganito ang mga taong iniiwasan niyang makasama kahit isang saglit.
Ito ang nagigiging dahilan ng pagkabawas sa dignidad nilang mga babae.Ang mga babae naman,bakit nila hinahayaang ganituhin sila?Kung sa kanya at kanya rin lang ay hinding hindi siya papatol sa mga ganoong klase.

Hinayaan niya munang makaalis ang mga ito bago siya lumabas.
Habang nagmamaneho siya ay namataan niya ang katulad na kotse na nakita niya kanina.
Nakita niyang pumasok sa isang mamahaling hotel ang kotse.Hindi kaya ito rin ang kotse kanina?Napailing na lang siya.

Ngunit tila parang ayaw magpaawat ng kanyang mga mata at sandaling sumulyap siya sa side mirror ay nakita pa niyang bumaba ang mga ito.Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha.Tila lagi nalang silang pinagtitiyap ng pagkakataon dahil lagi itong nakakakalat sa kanyang daraanan na ikinabubwisit naman niya dahil araw araw niyang nakikita ang mga ginagawa nito.

Ah bakit niya pa ba pagtutuunan ang mga ganoong insidente gayong kulang pa ang magahapon sa kanya upang mag isip ng mga bagay na importante.Tulad nalang ng kailangan na ba niyang magplano para sa hinaharap?Ang kanyang magiging tagapagmana?Ngunit sino naman ang magtatangka sa tulad niyang may malakas na personalidad?Intimidating at perfectionist?
Meron man ay baka mga lolo na.Sa larangan ng negosyo,ang isang katulad niya ay mahirap hanapan ng kasing edad niya rin,karaniwa'n sa ganitong klase niya'y matanda ang napapangasawa.

Bakit nga ba iisipin niya pa iyon?Saka nalang kapag may oras na siya para mag isip.

MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon