Devon.
Katatapos lang niya sa isa nanamang walang pinagkaibang gabi.
Minsan dumarating sa isang bandang nagsasawa na siya.
Tutal naman ay malaki laki narin ang naiipon niya subalit gusto niyang bago siya magretiro sa itinuring niyang trabaho ay gusto niyang maka big hit ika nga.Isang malaking isda ang gusto niyang masilo at pagkatapos ay tama na.Isa pa, mukhang ok na ang kanyang ina at sana nga ay ang tuluyan ng gumaling ang kanyang ina.
Bigla tuloy siyang napapaisip na tila ngayon lang siya dinalaw ng maturity .Sa edad na 28 ay wala pa siyang kahit na anong matatawag na kanya o kahit isang maliit na bahay man lang na naipundar.
Hanggang ngayon ay nangungupahan pa sila ng kaniyang ina sa magandang lugar naman na.
Kahit na marami na siyang ipon ay hindi niya pa iniisip na bumili ng kahit ano dahil hindi niya pa alam ang gagawin sa mga naipon niya. Balak niya sanang magtayo ng negosyo kahit maliit lang.Sa wakas ng ilang taong pagsusumikap niya ay naialis din niya ang kanyang ina sa pangit na lugar na iyon.
Naninirahan na sila ngayon sa isang malaking apartment na kahit na mahal ang upa ay sulit naman. Sa kabila ng lahat ng iyon ay kailangang madaliin na niya ang kanyang binabalak noon pa.
Hindi rin biro ang subaybayan ang kapatid ng isang kilalang business woman.Bigla siyang napasulyap habang nag da drive ng motor sa isang malaking billboard na maraming ilaw sa lahat ng gilid nito.Makatawag pansin talaga dahil napakalaki niyon.Isang babaeng nakatayo at nakapameywang ang isang kamay.Ang isang kamay naman ay nakahawak sa maskarang itim na ginamit pang takip sa mukha ng babae sabay ang mga katagang nakasulat sa gilid :THE MASK OF HER TOUGHNESS" Nakabusiness suit na kulay puti at naka sandalyas .Bakas ang kasimplehan at awtoridad base palang sa tayo ng babae.
Sayang nga lang na hindi man lang niya nakikita ang mukha ng babaeng kilala sa bansag na "REBECA TOUGH"ng isang malaking kumpanya na nakikipag kumpitensya sa ibat ibang kumpanya ng pabahay.Ang "TOUGH BUILDERS".Gustuhin man nyang targetin ito ay hindi naman niya mamumukhaan dahil sa ito ay very private person at karaniwang kuha nito sa adds at sa mga camera ay puro nalalambungan ng shadow o kaya ito ay nakamaskara naman.
Very mysterious ang babae.Hindi lang sa kanya kundi sa lahat.
Dahil hindi pa ito nagpakita ng mukha o letrato man lang ng tunay nitong anyo.Sabagay marahil ay wala naman nakaisip na alamin kung ano ang hitsura ng babae.Magtitiyaga muna siya sa kapatid nito dahil ito ang magiging daan niya para mapalapit sa misteryosang babae.Mag tatyaga siya para sa isang plano na sisiguraduhin niyang hindi na ulit siya maghihirap at alam niyang wala pang tumatangi kay Devon.
Kahit pa nga ba sa ibang makakarinig ng kanyang plano'y pagtatawanan lamang siya. Pero sa katulad niyang galit sa pera ay hindi naniniwala sa mga kasabihang, "Suntok sa buwan"
Mag iilusyon rin lang siya bakit di niya pa lubus-lubusin?...
Sa pag iisip ni Devon ay siya namang dating ng isang babaeng kilalang kilala niya na papasok sa hotel na kung saan nag check in sila ni madam Viana na iniwan niyang natutulog sa isa sa V.I.P. room, habang siya ay nagkakape sa ibaba ng hotel.Nakita niyang pumasok kasama ang isang kilalang kongresman na ang babae ay walang dilit iba kundi ang babaeng kilalang kilala niya.Si Carla.
Kitang kita niya ang babaeng napaka sexy sa hapit na hapit nitong evening dress habang nakapulupot ang mga braso sa kasama nitong bukod sa malaki ang tiyan ay makikilala mo sa itsura palang na ito ay hindi basta basta tao lang.Isa ito sa pinakamayamang kongresista dahil kilala ito sa pangungurakot sa kaban ng bayan.
Nanghihinayang siya sa babae dahil alam niyang kaya naman nitong kumuha ng higit pa roon.Ngunit ano itong pagkakalat na ginagawa ng babae?.
Nawala agad ang interes niya sa babae sa halip ay biglang pumalit ang isipingKailangan niyang paghandaan ang mga hakbang na susunod niyang gagawin.Ang siluin sa bitag ang kapatid nito lalo na ang isa sa mga nakalap niyang balita na si miss TOUGH ay isang dalaga! mysterious and interesting...
...
"P're mukhang nakaraket ka nanaman kagabi no?Iniwan mo nanaman kami sa pansitan eh."
Tudyo sa kanya ng mga kasama niya sa itinuturing niyang trabaho.Ngumiti lang siya sa sinabi ng mga ito.Abala siya sa susunod na booking niya mamaya.May kausap kasi siya ngayong gabi .Tulad ng araw araw sa buhay niya.Pormado nanaman siya at umaalingasaw ang mamahalin niyang pabango na tila pumupuno sa loob ng bar na iyon.
Naka tshirt siyang black na hakab na hakab sa kanyang katawan, nakapantalong maong at balat na sapatos.Suot niya ang isa sa mamahalin niyang relos na bigay sa kanya kahapon ng kanyang regular costumer.Tulad ng dati'y walang pumapasok na hindi sumusulyap sa kanya.
Babae man o lalaki.Kung tutuusi'y madaling pumatol sa mga bading ngunit iyon ang hindi niya kayang sikmurain. Ang hanap ng katawan niya ay ang tamang pwesto ng butas. Bukod sa hindi niya linya iyon ay hindi niya rin gusto. Ilang bading na ang nagparamdam sa kanya ngunit wala siyang panahon para pumatol sa mga ito kung mayroon namang mga mababangong tilapya.Nang magpasukan ang mga limang bading na sabay sabay sumulyap at kumindat sa kanya.
Hindi siya nagpakita na interes sa mga ito dahil alam niya kung sino ang makapal at manipis ang pitaka.Wala siyang planong magsayang ng oras sa mga pipitsuging costumer.
Hindi niya sana pagtutuunan ng pansin ang mga ito kundi lamang sa mga narinig niya mula rito.Lumapit siya ng konti upang mas lalo niyang maintindihan ang pinaguusapan ng lima."Grabe talaga si lady Tough.Parang gusto tayong sabaysabaying patayin no?Kundi lamang maganda ang palakad niya at mataas ang sweldo ay hindi ako magtityagang magtrabaho sa isang among perfectionist no!"
"Pag ako nainis tingnan mo pag di ko siya inistolen shot at pinakalat ang kanyang pagmumuka makikita niya ang katarayan niya!"
Sabi ng isang bading na medyo maliit."Oy oy oy,iyan ang huwag na huwag mong gagawin kung ayaw mong mawalan ng trabaho at makulong gaga ka,bakla!"
"Amininnn,,kahit ganoon siya ay may k naman siya.Kumpara sa iba diyan na kaliitliit magpasweldo pero para kang baka na walang tigil sa pagtatrabaho.Magtyaga nalang tayo.Atleast nakakapunta tayo sa isang lugar na tulad nito."
Sabi pa ng isa."Trueeee aba mahal yata ang mga ombre rito.Pulos mga ginto ang mga banana republic at ang mga feslak winnerrr!"
"Ang hindi ko lang maintindihan sa babaeng leona na iyon ay kumg bakit itinatago pa ang mukha?Kung ako?Baka ulti mo sa pogs o kaya sa text ikakalat ko ang mukha ng isang sikat na tulad ko."
"Ba't mo ba siya pinapakeelaman bakla, yun ang trip niya eh,basta ok ang pasweldo satin bakit pa tayo makiki soy sauce."
Sabay sabay nagtawanan ang mga ito.
Saka siya napaisip bigla.
BINABASA MO ANG
MISS TOUGH MEETS DEVON "The Demon"(book 1)
RomantizmShe's simple.A woman with unique stlye.Well reserved ,kinatatakutan ng lahat. Si Rebeca Rallios ay isang babaeng malakas ang kumpiyansa sa sarili at nagmamay ari ng isang malaking kumpanya.Mayaman, kilala ng lahat ngunit sa pangalan lang . Itinago...